Chapter 8

1644 Words

PAGKALABAS ni Ysabella sa kanilang kuwarto ay nakita niyang nakaupo na ang mga anak niya sa kanya-kanyang puwesto ng mga ito sa harap ng hapag. Magkatabi sina Andrei at Andrea, si Luke naman ay nasa harap ni Andrea. Dumeretso siya sa maliit nilang fridge para ilabas ang mga kailangan at kaagad siyang nagluto ng pancake at hotdog. Kung may pinagkakasunduan man ang triplets niya, iyon ay ang parehong favorite ng mga ito ang pancake at hotdog sa almusal. "Kuya Luke, my best friend Karenina says that she likes you, and when she grows up, she will marry you." Napatigil siya sa paglalagay ng pancake sa kalaha at napalingon siya kung saan ang mga anak niya, particularly kay Andrea. Nakita niya sa mukha ng bunso niya na hindi ito nagbibiro sa sinabi at mukhang ipipilit na naman nito ang gusto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD