Excerpt
“Stand your ground, Aiah. Huwag kang basta-basta na lang susuko at magmukmok na parang katapusan na ng mundo.”
Malayang nakaabot sa pandinig ni Aiah ang pangungusap na iyon ni Jacob. May riin ang bawat kataga nito. Gustong ipaunawa sa kanya na mali ang sumuko. Paano nga naman ba ang lumaban kung ang puso niya ay labis-labis na nasasaktan?
Bumalik na naman sa isip niya ang mga mapanlinlang na mga mukhang iyon. The image of those two important persons na minahal niya ng lubos, but in the end, left her heart devastated and soul shattered. Gusto niyang magwala at umiyak ng todo but her eyes have dried up from days of crying.
Masakit. Sobrang sakit ng mga nangyari.
Vince, Sabrina, mahal ko kayo pero sinaktan n’yo ako.
“Aiah, harapin mo ako.”
Bahagyang nabahiran ng pagsusumamo ang kanina lang ay mariing boses ni Jacob. Mula sa pagtitig sa madilim na kadilimang bumabalot sa labas ay nilingon niya ang mukhang iyon. Gwapo at pangahang mukha na ang mga mata ay napipintahan din ng matinding sakit. Kagaya ng pighati na bumabalot sa puso niya ngayon.
“Gusto mo bang makaganti sa kanila kahit papano?”
Gumanti? She never had a thing for revenge. Napakabait niyang tao. Pero ngayon, there is this tingling sensation from deep within her soul whispering for her to get even. Marahan siyang tumango.
Then, Jacob looked straight in her eyes.
“Let’s spite both of them.”
“Paano?”
“Marry me, instead.”