His day was full. Kung kailan nasa bahay niya na ang mag-ina at dapat agahan ang pag-uwi, saka naman naging hectic ang schedule niya. Dumagdag pa si Wade na nakipag-meeting pa sa Tagaytay. Of all places, Tagaytay pa ang pinili ni Waldorf. Sa nalalabing oras sa buong araw, nasa labas siya ng opisina. But no matter how busy he was, hindi niya nakakaligtaang tawagan ang asawa niya. “Mag-concentrate ka nga sa trabaho mo, Love,” kunwa ay pinagalitan siya ni Aiah. “You can’t blame me. Na-miss ko kayong dalawa ng anak ko. Teka nga, dapat libre ako ngayon, but for some reason ay itinaboy mo ako papunta sa office." "Kasi nga sunud-sunod ang tawag sa'yo ng sekretarya mo. Tsaka, huwag maraming angil, okay?" Nagtatapos ang bawat pag-uusap nila sa pagsasabi ng ‘I love you’ sa isa’t-isa. Past six

