29

2119 Words

“Ano’ng gusto mong gawin natin ngayon?” Magkaagapay na silang naglalakad sa Greenbelt mula sa shop ni Klein. “Hindi ka ba talaga papasok sa office niyan? Baka marami kang gagawin sa opisina ha.” Jacob tilted his head. “I can always put everything on hold for you, Aiah.” May haplos sa puso niya ang sinabi nito. “Sobra-sobra na ang ginagawa mo para sa akin, Jacob, but thank you. Sobra-sobra.” Huminto ito at humarap sa kanya. Mabuti na lang at walang masyadong tao kundi makakaharang sila sa alley na kinaroroonan nila. Bigla na lang ay hinaplos ni Jacob ang pisngi niya, ‘yong haplos na may suyo, at tuwid sa mga matang nangusap, “There is not enough for you, babe.” Babe. Tinawag na naman siya nitong babe? Nakiki-babe lang naman ito sa kanya kapag nasa height ng pakikipagtalik sa kanya o

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD