The heat in his body was undeniable. Malamig ang panahon, idagdag pa ang malakas na buga ng aircon, ngunit heto si Jacob, nag–aalab ang pakiramdam. Relaxed na nakahiga lang si Aiah sa tub. Nakalubog sa tubig na may bola ang katawan at nakapikit ang mga mata. May nakasangsang na earphone sa tenga nito dahilan kaya wala itong naulinigang alinman sa kanyang mga kaluskos. His eyes wandered on her bare face looking all innocent, calm and collected. Malayo sa Aiah na nakita niyang umiyak noon sa labas ng apartment nito. Umalis sa kinatatayuan. ‘Yon ang dapat pero tila napako siya at nagpatuloy sa paglalakbay ang makasalanang mga mata patungo sa magandang hugis nitong ilong, not too pointed ngunit tama lang ang tangos. Kung tutuusin ay perpekto sa hugis ng mukha nito. Bumaba ang kanyang mga mata

