Chapter 2: Piging Sa Mansion ng Mga Ibañez

1002 Words
Carlotta Ngayon ko lamang nakita sa personal ang Apo ng Duke na si Ginoong Hugo; kilala rin Naman siya bilang si Señorito Alejandro. Isa siyang matipunong lalake. Mamula-mula ang kanyang kutis na parang rosas at may mapupungay na matang kulay tsokolate. Hindi rin mawawala ang taglay na tangos ng kaniyang ilong. Napaisip ako, tunay nga namang napakagandang lalake ni Ginoong Hugo. Talagang namana niya sa kanyang lolo ang maganda niyang mukha. Usap-usapan din nila na magaling daw si Ginoong Hugo sa kahit na anong larangan. Matalino din daw ito kaya siya ang piniling tagapagmana ni Don Alejandro, kaysa sa mga iba pang kamag-anak nila sa Espanya. Si Señora Juana na isang anak ng dating gobernador heneral na ipinadala ng hari sa Pilipinas mula sa España ay ang ina ni Ginoong Hugo at si Señor Simeon Amezquita naman ang kaniyang ama na anak ni Duke Alejandro. Siya ay ipinanganak sa Madrid. Kaya't si Ginoong Hugo ay nabibilang sa mga taong Peninsulares kaya’t isa din sya sa mga tinitingala bukod sa kanyang pamilya. Bumaba ako sa aking silid at nagtungo sa kinaroroonan ni Ina at bumati sa aming mga panauhin na bagong dating. May piging kasi dito sa aming Mansion 'pagkat ngayon nga ay pista dito sa San Leoncio. Dumako kay Ginoong Hugo ang aking mata't nasilayan ko ang kanyang pagtawa; kausap nila si Don Silvestre na siya na ngayong naupo bilang Gobernador Heneral. Masayang-masaya si Inang Martha dahil sa dami ng mga dumalo sa aming piging. Sinabihan ako ni Ina na samahan ko siyang batiin ang Duke at si Ginoong Hugo. Nang makaharap namin ang Duke ay saka kami nagbigay galang. "Oh, Señora Martha. Buenos tardes!" bati ng Duke. "Buenos tardes Don Alejandro! Mabuti't nakadalo kayo sa aming munting piging?" anang Inang Martha. "Siyempre naman ho, nais kase naming matikman ang ipinagmamalaking pinaka masarap na kalderetang bibe ng mga Leonciano." singit ni Ginoong Hugo. "Maraming salamat sa papuri, Señorito Hugo." natutuwang sagot ni Ina. "Siya nga pala, si Carlotta" sabay muwestra ng kamay ni Ina papunta saakin. "Anak ko" pagpapakilala saakin ni Ina. "Tunay na napaka amo ng iyong mukha, hija." Puri saakin ng Duke. "Nako, hindi Naman po" nahihiya kong sambit. "Siya nga namang apaka ganda mo, Binibining Carlotta." Saad ni Ginoong Hugo saka hinablot ang aking kamay at hinalikan. Nabalot kaming tatlo ng katahimikan dahil sa itinuran ng ginoo. Kaya't ako na ang bumasag sa katahimikan. "Halina po tayo't magtungo sa komedor" nahihiya kong sabi. Pumayag Naman sila. Natapos ang munting salu-salo't lumabas muna ako at nagtungo sa likod ng mansion sa may tabing-dagat upang makalanghap ng sariwang hangin. Iniisip ko pa din ang paghalik ni Ginoong Hugo sa aking kamay. Doon ko lamang napansin na ang lambot ng kaniyang labi. 'Ay nako Carlotta kung anu-ano nanaman ang iyong iniisip. ' saad ko sa aking sarili. Normal lamang na halikan ang mga dalaga sa kamay! Pasalamat na lamang at hindi gaanong istrikto ang Inang; hindi kagaya ng ibang mga magulang, kundi ay kanina pa kami ikinasal ni Ginoong Hugo. Naalala ko si Ama at Kuyang. Kamusta na kaya ang kanilang kalagayan? Ang ama kong si Don Carlos Teodoro Ibañez ay mahilig talagang maglakbay at nagnenegosyo. Isinama niya sa kaniyang paglalakbay ang aking Kuya Fidel upang tulungan sa negosyo namin si Ama. Sabi ni Ama ay marami daw kaming negosyo sa iba't ibang lugar ngunit hindi naman niya nababanggit kung ano ito. Sabik na sabik na talaga akong makita sila. Ilang araw na din silang hindi nagpapadala ng sulat sa amin ni Ina. Ang sabi Naman ni Ina ay baka madami lang talaga silang inaasikaso. Naputol ang aking mga naiisip ng may tumabi saakin umupo sa may buhanginan. Nakatitig lamang ako sa hampas ng alon at sa papalubog na araw. Hindi ko tinitingnan ang mukha ng tumabi saakin 'pagkat nahihiya akong tumingin ng diretso sa kaniyang mukha. Alam kong si Ginoong Hugo ito; sa amoy pa lamang ay malalaman mo na kung sino siya,dahil sa amoy ng pabangong nanunuot sa kanyang damit. Binasag niya ang katahimikan,"Bakit ikaw'y nag iisa dito, Binibining Carlotta?" Tanong ni Hugo. "Nais ko lamang makalanghap ng sariwang hangin at makadama ng katahimikan kahit sandali." paliwanag ko Naman. "Hindi ko alam na mahilig ka din palang tumingin sa papalubog na araw. Hindi ba't kay gandang pagmasdan?" Saad ni Ginoong Hugo. "Maganda nga itong pagmasdan. Tuwing tumitingin ako dito'y hinihiling ko na sana paglubog nito ay nandito na ang aking Ama at Kuyang. Sabik na sabik na talaga akong makita sila, lalo na't mag dadalawang taon na silang wala dito sa San Leoncio." pagkukwento ko. "Balita ko'y marami daw silang inaasikasong negosyo sa ibang lugar kaya't hindi pa sila makakauwi. Ngunit huwag kang mag alala dahil sigurado akong nalalapit na ang kanilang pag uwi. Magtiwala ka lamang." anang Ginoong Hugo. "Maraming salamat Ginoong Hugo, 'pagkat pinagaan mo ang aking loob" sambit ko. "Maliit na bagay lamang ang aking nagawa, mas mabuti sana kung maidadala ko sa'yo ang iyong Ama't Kuya. Dahil alam kong mas matutuwa ka 'pag ganoon." biro ni Ginoong Hugo. Tinawanan ko na lamang siya. "Hindi ko alam na magaling ka palang mag pagaan ng loob ginoo." pambibiro ko din sa kanya. Lumubog na ang araw at sumapit na ang gabi. Nagpaalam na ang Duke at si Ginoong Hugo na uuwi na. Ganon din Naman ang ginawa ng iba pang mga panauhin. Nagtungo ako sa aming paliguan at saka naglinis ng katawan. Hindi na ko naligo 'pagkat naligo na ako kaninang umaga. Sabi ng ina na bawal daw mag basa ng ulo sa gabi at magkakasakit ka daw. Nang makatapos ay nagtungo ako sa aking silid at nagbihis; saka ako humiga at naramdaman ko ang pagod sa aking katawan. Habang nakahiga, hindi ko mapigilang mapa-isip na hindi Naman pala kasungitan ang Ginoong Hugo. Kung titingnan mo Kasi ang kanyang mukha ay makikita mo na mukha siyang masungit at hindi basta-basta nakakausap. Ngunit pag nakausap mo na siya ay doon mo lang malalaman na sa likod ng masungit niyang mukha, ay may nagtatagong mabait at palabirong Hugo Alejandro Amezquita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD