--
Kinabukasan ay masayang gumising si Carlotta sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na kapiling na niyang muli ang kaniyang ama’t kapatid. Bumangon siya ng may ngiti sa labi at saka masayang nagtungo sa banyo upang maligo. Nang makatapos maligo ay nagbaro siya at sinuot kaniyang saya na hinabi ng ina para sa kaniya.
Bumaba si Carlotta sa kaniyang silid at naamoy ang mabangong aroma na nanggagaling sa kanilang komedor, nang makarating sa komedor ang dalaga ay nakita niya ang sandamakmak na pagkain na nakahandak sa mahabang lamesa. Nakita ni Carlotta ang adobong manok, kare-kare, dinuguan, kalderetang bibe, lechong baboy at sari – saring mga nilutong gulay ng kaniyang ina at ni Aling Berta.
Kumalam ang sikmura ng dalaga ng makita ang lahat ng ito, naabutan siya ng kaniyang Ina na nakatitig sa mga pagkain kaya’t tinawag siya ng ina.
“Carlotta, anak. Alam kong gutom ka na ngunit maaari mo ba munang tawagin ang iyong ama at ang iyong kuyang nang sa gayon ay sabay sabay tayong mag agahan?” sambit ng ina.
“Sige po Ina.” Saad ni Carlotta saka sinunod ang utos ng ina.
Ipinatawag din ng Señora Martha ang mga mang gagawa ng mansion at sa hacienda upang makasama sa munting salu – salo. Nang nagkatipon na ang lahat sa komedor ay nanalangin muna sila bilang pasasalamat sa mga biyaya sa kanila ng Diyos at saka kumain.
“Ina, saan ho tayo pupunta mamaya?” nakangiting tanong ng binibini.
“Magpupunta tayo sa mansion ng mga Salazar, may magaganap na pagtitipon ang mga kilalang pamilya doon.” Sagot ng Ina.
“Sigurado akong madaming mga anak na babae ang mga kilalang pamilya ang dadalo doon. Ina, hindi ko na ho ako magpapaiwan dito sa mansion gaya ng gawain ko noon. Nais kong sumama nang sa gayon ay makakilala ako ng madaming magagandang dilag.” Wika ni Fidelipe.
Noon ay ayaw na ayaw ni Fidel na sumasama sa mga pagpupulong o pagtitipon ‘pagkat madaming mga mayayabang at matataas ang tingin sa sarili sa mga ganoong okasyon. Ngunit nang dahil sa isang kaibigan ay nagbago ang pananaw ni Fidel sa mga ganitong kaganapan. Imbes na tingnan at problemahin ang mga mapagpanggap at mga swapang na tao sa pagtitipon ay ibinabaling na lamang niya ang kaniyang atensiyon sa mga positibonng bagay at sa mga magpapasaya sa kaniya. Gaya na lamang ng pakikipagharutan sa mga kababaihan. Magaling si Fidel sa ganitong larangan, ngunit maaasahan din naman pagdating sa negosyo at pag seryoso na ang usapan.
“Fidelipe, ikaw talaga! Nagmana ka talaga sa pinagmanahan mo!” puna ng ina nilang si Señora Martha saka tinapunan ng tingin ang padre de pamilya.
“Oh aba’y ba’t sa akin ka nakatingin aking ginang?” natatawang tanong ni Don Carlos.
Natahimik ang lahat at saka naghagikgikan.
Nagpasalamat ang mga manggagawa ng matapos ang kainan.
“Naku, maraming salamat po sa masarap na pagkain Don Carlos at Señora Martha!” pagpapasalamat ng mga mangagawa.
“Wala iyon, hindi naman namin kayo itinuturing na alipin. Pamilya na kayo’t di na kayo naiiba para sa amin dahil matagal na rin naman tayong magkakasama. Ang hiling ko lang ay sana’y manatili kayong tapat sa amin, yun lang. Maraming salamat din sa pagod at hirap na ginugugol niyo para sa aming mga Ibañez.” Mahabang lintanya ng Senyora.
--
Pumasok muli si Carlotta sa kaniyang silid upang kuhanin ang kaniyang ginawang porselas na gawa sa mga kabibeng napulot niya sa tabing dagat; ang porselas ay may munting kahoy sa gitna at inukitan ng pangalan ni Teresita. Isinilid ng binibini ang porselas sa loob ng kahon na gawa sa kahoy. Nagtungo siya sa hacienda upang hanapin si Mang Dencio. Nakita niya si Mang Dencio kasama ang unica iha niyang si Teresita. Lumapit ang binibini sa dalawa.
“Mang Dencio, magpahinga na ho muna kayo ni teresita sa may kubo. Lumilim muna ho kayo doon at sobrang init ng sikat ng araw dito” pakiusap ng dalaga.
Sinunod naman ng mag ama ang bilin ng binibini.
Gaya ng ipinangako, lumapit si Carlotta kay Teresita at ibinigay ang maliit na kahon na gawa sa kahoy. Inabot ito ni Teresita.
“Ano ho ito, binibining Carlotta?” inosenteng tanong ni Teresita.
“Regalo ko sa’yo iyan ‘pagkat kaarawan mo. Maligayang kaarawan Teresita.” Masayang sambit ng dalaga.
“Maraming salamat po sa pagbati” natutuwang binuksan ni Teresita ang kahon at namangha sa laman nito.
“Porselas?” tanong ni Teresita.
“Oo. Nagustuhan mo ba?” tanong ng binibini.
“Oho! Gustong gusto! Napakaganda naman ng porselas na ito.” Puri ni Teresita.
“Ako ang gumawa niyan, mabuti na lamang at na ibigan mo ito.” Nagagalak na sabi ng binibini.
“Nako po Señorita! Sobra sobra nap o ang nagawa ng inyong pamilya para sa amin. Mukhang hindi naming matatanggap ang ganitong klase ng regalo lalo pa’t pinaghirapan nyo pala itong gawain.” Nahihiyang saad ni Maang Dencio.
“Ayos lang naman Mang Dencio, masasaktan ang aking damdamin kung ayaw niyo itong tanggapin. Ginawa ko pa naman ito para kay Teresita.” Kunwang nalulungkot na sabi ni Carlotta.
Walang nagawa si Mang Dencio kung hindi tanggapin ang regalo ng binibini para sa kanyang anak. Ikinatuwa naman ito ni Carlortta. Nagpaalam ang binibini sa kanila at bumalik naman siya sa mansion.
Labis na ipinagtaka ni Carlotta dahil hindi pa niya nasisilayan si Chuchay simula kanina. Hindi rin niya nakita si Tonio na dumalo sa salu – salo kanina.
‘Hmp! Marahil ay magkasama ang dalawa’ tugon ng binibini sa kaniyang isipan.
Ang mga Ibañez ay nakahanda nang magtungo sa mansion ng mga Salazar, hinihintay na lamang nila si Fidel na may kakuparan kung kumilos.
“Asan na ba ang anak mo Carlos! Kahit kailan ay wala siyang pinagbago! Magigi pa din kung kumilos! Daig pa niya kaming dalawa ni Carlotta. Dapat nga ay kami ang magigi kumilos dahil kami ang babae. Iyan talagang si Fidel ay madaming kaartehan sa katawan aysus!” naiinip na saad ng Senyora.
Nakalipas na ang ilang dekada at bumaba na din si Fidel at handa nang umaran gkada ang karwaheng pagsasakyan nila. Piningot ni Senyora Martha ang tainga ng binate dahil sa angkin nitong kakuparan.
“Aray! Ina masakit po!” daing ni Fidel.
“Iyan ang napapala ng mga taong makukupad!” pang aasar ni Carlotta sa kapatid. “Kanina pa naghihintay si Mang Kiko” sabi ni Carlotta. Inirapan na laamang siya ng kaniyang kuya.
Hindi na lamang ito pinansin ni Carlotta dahil ala namang patutunguhan kung magbubuno pa silang dalawa ng kapatid.
Nakarating na sila sa mansion ng mga Salazar, inihinto ni Mang Kiko ang karwahe sa tapat ng tarangkahan ng mansion at hinayaang pumasok ang pamilya Ibañez.
Naglakad ang bawat isa at magalang na binabati ang bawat kilalang pamilya na kanilang masalubong. Nagtungo ang kanilang ama’t ina sa kinaroroonan ng mga Salazar at nagpasalamat sa pagtanggap sa kanila sa mansion bilang panauhin. Nakakapit si Carlotta sa braso ng kaniyang kuya dahil nahihiya itong makihalubilo sa iba.
“Anong nangyayari sa iyo kapatid ko?” tanong ni Fidel kay Carlotta.
“Kuyang, maaari bang kumapit muna ako saiyo? Nahihiya akong makihalubilo sa mga nandito ‘pagkat wala man lang akong kilala ni isa.” Sumang – ayon naman si Fidel sa nais ng nakababatang kapatid.
Iniikot ni Carlotta ang kaniyang paningin sa buong mansion upang mahanap ang taong nais niyang makita. Kay raming tao at malapit nang mapuno ang bulwagan. Ilang minuto nang pasikot sikot ang mata ni Carlotta sa buong bulwagan upang matagpuan ang kaniyang hinahanap hanggang sa makita niya si Hugo na nakaupo at napapalibutan ng mga kababaihan. Parang may kung anong tumusok sa kaniyang dibdib ng makitang nakangiti ito habang kausap ang iba.
Halata sa mukha ni Hugo na naiirita siya sa mga nakapalibot sa kaniya ngunit pinipilit niyang maging maayos ang pakikitungo sa mga katabi. Ayaw naman niyang masabihan ng walang modo kung palalayasin niya ang lahat ng mga ito. Ngumiti na lamang siya at sumang ayon sa mga sinasabi ng mga dalaga sa kanya kahit wala naman siyang naiintindihan dahil wala ni isa an sa kanila ang pinagtutuunan niya ng pansin. Nais niyanhg makita kung nakadalo ba si Carlotta sa okasyong ito o hindi ‘pagkat kanina pa niya ito hinahanap gamit ang kaniyang mga mata.
Isang kaganapan ang nagpatigil sa lahat ng mga nasa bulwagan nang bumaba ang isang magandang binibini sa hagdanan. Napatingin ang lahat dito hanggang sa makababa ang binibini.
Lumapit naman si Don Paulino Salazar sa binibini at ipinakilala ito.
“Mga kaibigan! Ipinakikilala ko sa inyo ang aking pinakamamahal na anak na si Crizelda Annita Salazar.”
Andaming mga kalalakihan ang pumuri sa kagandahan ng kaniyang anak. Maraming lumapit kay Crizelda at nakipag – usap. Ngunit isa lamang ang nakakuha ng atensiyon ng dalaga. Natuon ang kaniyang pansin sa binatang nakaupo na pinalilibutan ng mga kababaihan. Nasilayan ni Crizelda ang taglay na kagwapuhan ng binata. Hindi niya pinansin ang mga kalalakihang lumalapit sa kaniya bagkus ay nilapitan niya ang ginoong nakakuha sa kaniyang atensiyon.
“Kung hindi nga naman ito ang nag iisang Ginoong Hugo ng mga Amezquita!” bati ni Crizelda sa ginoo.