Chapter 4: Pagkawala ni Sinon

1431 Words
Carlotta Kasalukuyan nanaman akong nagbabasa ng aking librong pang medisina ‘pagkat nalalapit na rin ang aming pagsusulit sa aming unibersidad dito sa bayan ng San Leoncio. Gusto ng ina na makapagtapos ako ng medisina at makatulong sa aming mga kababayan. Iyon din naman ang nais ko, ang makatulong sa kapwa. Nais kong maipagmalaki ako ni Ina dahil sa pagpupursigi ko ng medisina. Hindi lang ako makakatulong sa may sakit kundi makakatulong din ako sa pag iwas dito. Aking napag-aralan na napakarami din palang mga halamang gamot na dito lamang matatagpuan sa Pilipinas bukod sa hardin ng aking ina. Napahagikgik ako sa aking naisip ‘pagkat ang Inang Martha ay mukhang mas mahal pa ata ang kanyang mga tanim na halaman kaysa sa aking anak niya. Biro lang naman. Nang mabalik ako sa katotohanan ay dumungaw ako sa aking balkonahe, at sa hardin ay aking nakita si Tonio at Chuchay na mukhang nagliligawan? Bat namumula ata ang pisngi ni Chuchay? Tama ba ang aking nakikita? Mukha kasing may sinabi si Tonio kay Chuchay na ikinainit ng pisngi nito. Mabuti na rin ito at ng maging masaya man lang ang aking nag iisang matalik na kaibigan. Alam ko namang si Tonio ay mabait at seryosong tao kaya’t ipagkakatiwala ko na sakanya si Chuchay. Tutal ay halata namang may gusto sila sa isa’t-isa ngunit hindi pa nila naaamin ito sa kanilang mga sarili. Pinagmasdan ko silang muli at nakita kong sila’y patungo sa kusina ng mansion. Kaya’t ako rin naman ay umalis sa aking silid. Patungo pa lamang ako sa aming hacienda upang tingnan ang kalagayan ng aking alagang kabayong si Sinon nang lumapit sa akin si Naldo na humahangos at pawis na pawis; halatang pagod na pagod at kagagaling lang sa pagtakbo. Si Naldo ay kinse-anyos pa lamang na anak ni Mang Dencio na manggagawa namin sa bukid. Tinanong ko kung anong nangyari sa kanya’t bat siya humahangos na lumapit sa akin. “Senyorita, habang ako’y nagpapahinga malapit sa kulungan ng inyong alagang si Sinon, nasilayan kong bigla na lamang itong nagwala at nagpupumiglas. Natanggal po ang kanyang tali at nagtatakbo kung saan. Wala pong nais pumigil sa mga nakakita kay Sinon ‘pagkat kayo lamang po ni Tonio ang magaling magpaamo ng mga alagang hayop. Malamang po’y nakalabas na ng hacienda ang inyong alaga.” “Halika’t samahan mo akong hanapin si Sinon sa labasan at baka di pa siya masyadong nakakalayo. Tawagin mo muna si Tonio at Chuchay nang may katulong tayo sa paghahanap. Pakitawag na din ang kutserong si Mang Kiko upang may masakyan tayo habang hinahanap ang aking alaga.” Nag-aalala kong sambit. Sana ayos lang si Sinon at walang mag asam na kunin siya. Regalo ito sa akin ng Ama at talagang iniingatan ko ito’t inaalagaan ng mabuti. Sabihin na lamang natin na isa lamang kabayo si Sinon, ngunit mahal ko ito gaya ng pagmamahal ko sa kaibigan kong si Chuchay. Nasa kalagitnaan kami ng paghahanap ng marinig namin sa mga nagdaraan na mga kababaihan, “Uy Cynthia, hindi mo ba alam na may puting kabayong pagala-gala ang nakita ng itay na napunta sa lupain ng mga Amezquita?” Dali-dali kong sinabi kay Mang Kiko na kaagad kaming magtungo sa mansion ng mga Amezquita nang aking marinig agad ang sinabi ng babae kanina, pagkat andoon si Sinon. Halatang si Sinon ang kabayong kanilang tinutukoy ayon sa deskripsyon ng babae. “Ang sabi-sabi ng mga matatanda dito ay may nakabalot daw na misteryo sa lupain na pagmamay ari ng mga Amezquita, ‘pagkat halos lahat ng mga naliligaw sa lupain ng mga Amezquita ay naglalaho ng parang bula. Minsan nga daw’y naglayas ang anak ni Aling Nena na si Ruben at ng hanapin nila ito sa kahit saang lupalop ay hindi nila ito makita. Ngunit natagpuan nila ang kapiraso ng damit ni Ruben na hinabi pa mismo ni Aling Nena para sa kaniya.” Pagku kuwento ni Chuchay. “Wag ka ngang manakot Chuchay, pagkat alam naman nating lahat na ang kuwento ng mga matatanda ay panakot lamang sa mga bata upang mapasunod nila sila sa kanilang nais.” Singit naman ni Tonio na bakas ang takot sa mukha dahil sa ikinuwento ni Chuchay. “Asus, takot ka lang eh.” Pambubuyo ni Chuchay. “Ang sabi pa ng iba, si Mang Kulas daw na manginginom ay napadpad sa lupain ng mga Amezquita pagkatapos niyang makipag inuman kila Mang Berto. Ang sabi ni Mang Kulas ay may nakita daw siyang isang babaeng nakabilot ng puting tela sa buong katawan at nagkakaripas daw siya ng takbo ng dahil sa takot. Sabi ng iba na ang nakita daw ni Mang Kulas ay multo ng isang dalaga na pinatay ilang daang taon na ang nakalilipas. Ang hinala naman ng iba ay isa itong diwata sa lupain ng mga Amezquita at lumalabas ito tuwing gabi lamang. Kaya daw masagana ang ani sa lupain ng mga Amezquita ay dahil daw sa nasabing diwata na iyon” mahabang litanya ni Chuchay. Eto namang si Tonio ay kanina pa nanginginig sa takot kaya’t binatukan siya ni Chuchay. “Kalalaki mong tao’y nanginginig ka diyan sa takot? Daig mo pa kami ni Senyorita na hindi man lang kinilabutan kahit isang beses.” Puna ni Chuchay kay Tonio. Tinawanan na lamang sila ni Mang Kiko na kanina pa pala nakikinig sa usapan ng dalawa. Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa lupain ng mga Amezquita. Napamangha ako sa lawak ng kanilang lupain. Mas Malaki ito kung ikukumpara mo sa aming hacienda. Siguradong mahihirapan kaming maghanap kung sama – sama pa kami; kaya’t sinabihan ko na maghiwa-hiwalay kami upang mapadali ang aming paghahanap. Si Tonio at Chuchay ang magkasamang naghanap, si Mang Kiko naman ay mag isang umalis at naiwan kaming dalawa ni Naldo. “Magtungo kaya muna tayo sa mansion ng mga Amezquita upang makapagtanong kung nasilayan nila ang aking alaga.” Sabi ko kay Naldo at tumango naman siya. Natatanaw na namin ang mansion ng mga Amezquita nang mapalingon ako ng di inaasahan. Nakita ko si Ginoong Hugo na hinihimas si Sinon at mahahalata mong kumakalma si Sinon. Lumapit ako kay Ginoong Hugo at nagwika, “Magtutungo sana kami sa inyong mansion upang magtanong kung may nakakita sa aking alaga at sa hindi inaasaha’y nakita ko kayong magkasama ni Sinon.” “Ikaw pala ang may-ari ng kabayong ito.” Anang ginoong Hugo. “Maraming salamat Ginoong Hugo sa pag aalaga kay Sinon, maaari ko na ho ba siyang kunin at ng kami’y makauwi na?” tugon ko. “Kung ganon ay Sinon pala ang ipinangalan mo sa kaniya Binibining Carlotta.” Natatawang ani ni Hugo. “Ano namang nakakatawa sa pangalan ng aking alaga?” nagtataka kong tanong kay Hugo. “Wala bang nagsabi saiyo na babae ang tinatawag mong Sinon?” hagikgik ng Ginoo. “Hindi ko alam na babae pala ang kasarian ng aking alaga! Kaya pala pinagtatawanan ako ng mga manggagawa sa aming hacienda noong ako’y paslit pa lamang! Patawad ginoo sa aking kakulangan sa kaalaman ngunit wag ka sanang mag isip ng iba ‘pagkat wala pa akong nalalaman nang pinangalanan ko ang aking alaga! Basta ang sinabi lang saakin ng Ama na ipangalan ko sa kanya ang nais kong ipangalan dito.” Paliwanag ko sa kanya. Napatawa si ginoong Hugo at nagwika, “ayos lamang iyon Binibini. Sadyang natutuwa lamang ako at mas lalo akong natuwa sa iyong naging reaksyon ng malaman mong babae si Sinon.” “Sino nga pala ang iyong kasama, binibini?” tanong ng ginoo. Ay nako! Oo nga pala’t kasama ko si Naldo! Nakalimutan kong may kasama nga pala ako! Hindi manlang kase siya kumibo kaya’t nakalimutan ko na. “Ito nga pala’y si Naldo. Ang anak ng pinagkakatiwalaan namin sa aming hacienda na si Mang Dencio.” “Ah ganoon ba?” “Naldo, maaari mo ng kuhanin si Sinon at iuwi. Nais ko munang ayain si Binibining Carlotta bilang aking kaututang dila habang humihigop ng kape sa aming mansion. Hayaan mo’t ako ang maghahatid sa kaniya mismo pauwi. Pakisabi na lamang sa Senyora Martha na nasa aking pangangalaga ang kaniyang anak.” “Masusunod Ginoo.” Sagot ni Naldo. “Teka lamang at hindi pa ako pumapayag na mag paiwan!” pagtutol ko. Sakto naman nang natagpuan kami nila Chuchay, Tonio at Mang Kiko. Ipinagpaalam ako ni Ginoong Hugo na maiiwan ako dito’t ihahatid na lamang niya ako. Pumayag silang lahat at wala na akong nagawa ‘pagkat sumang ayon din si Chuchay at saka ako kinindatan. “Humanda ka sa akin mamaya pag uwi Chuchayyyy!” Sigaw ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD