Third Person's POV
Tilaok ng manok ang nagsisilbing alarm clock ng mga tao sa panahong ito. Kaya naman paputok pa lamang ang araw ay nagsitilaukan na ang mga manok; tumayo at gumising na si Carlotta.
Nagtungo ang binibini sa banyo; naghilamos at nagpalit ng damit. Pagtapos nito ay nagtungo din siya sa hacienda upang bisitahin ang alagang kabayo. Nang masigurado ni Carlotta na ayos lamang ito ay nilagyan niya ng dayami at tubig ang pakainan nito at nagtungo naman sa bukiran upang makita ang kalagayan ng mga manggagawa.
Nasilayan ng binibini Si Mang Dencio at Naldo na nagbubungkal ng lupa tanaw sa mukha ng dalawa ang hirap at pagod.
“Kuya Dencio! Simula anong oras pa ho ba kayo nagbubungkal diyan?” tanong ng binibini.
Huminto sandali sa pagbubungkal ng lupa ang mag ama. “Kanina pa ho kaming alas tres ng umaga dito Señorita. Nais po kase naming matapos na ka agad ang aming mga gawain ‘pagkat ang aking bunsong anak na si Teresita ay kaarawan ngayon.” Sagot ni Mang Dencio at nagtuloy na ulit sa pagbubungkal.
“Ay ganoon ho ba? Pakisabi na lamang ho kay Teresita na Maligayang kaarawan. Isama niyo na lamang po siya rito sa hacienda bukas ‘pagkat may ibibigay akong regalo sa kanya.” Nakangiting sambit ng binibini.
“Salamat ng marami Señorita Carlotta.” Tuwang tuwang ani ni Mang Dencio.
Nang sa hacienda pa naninirahan ang mag – anak na sina Dencio ay nagdadalan – tao pa ang asawa nitong si Mirna kay Teresita. Nang maipanganak si Teresita at nag apat na taon ito ay kinakalaro ito ni Carlotta at inaalagaan. Kaya si Teresita ay maituturing niya na ding parang isang nakababatang kapatid. Dalawang taon ang tanda ni Naldo kay Teresita.
Lumipat ng tirahan sina Mang Dencio ng makaipon ng salapi. Nakabili sila ng maliit na lupa sa ipinagbibiling lupa ni Mang Tunying na di naman kalayuan sa hacienda nang sa gayon ay pag magtatrabaho ang Mag amang Naldo at Dencio ay hindi na sila mahihirapang magtungo sa hacienda.
Saktong nagdaan si Corazon, isang mang gagawa sa mansion ay tinawag ito ng binibini at tumalima naman ito.
“Maaari mo bang dalhan ng pandesal, keso at maiinom na tubig sina Mang Dencio?” pakiusap ng binibini.
“Maaari naman po binibini ‘pagkat sa kusina din ang punta ko’t gagawan ko ng makakain ang iba pa nating mga mang gagawa.” Saad ni Corazon.
“Ay ganoon ba? O siya hindi na kita aabalahin pa. Tingnan mo ang iyong mga dinadaana upang hindi ka madapa habang may bitbit na pagkain.” Paalala ng binibini.
“Masusunod Señorita.”
Sumunod na nagtungo ang binibini sa may dalampasigan at nagpahangin. Sumampa siya sa may duyan na gawa sa rattan at pinanood ang pagsikat ng araw mula sa silangan. Humiga siya’t nakatulog sa kanyang kinaroroonan.
--
Tumatama sa mukha ni Carlotta ang onting sinag ng araw na hindi matabingan ng mga dahon sa puno ng niyog kung saan nakatali ang duyan na pinaghihigaan niya. Nagising ang binibini at tumayo sa pagkakahiga.
“Napasarap ang aking tulog, inabot na tuloy ako ng tanghalian! Baka mamaya’y hinahanap na ako ng Ina!” tugon ni Carlotta sa sarili.
“Señorita?! Señorita?”
“Mukhang hinahanap na ako ni Chuchay” saad ni Carlotta. “Andito ako Chuchay!” kaway ng binibini sa kaibigan.
“Kanina pa kita hinahanap Señorita! Nandito ka lang naman pala! Hay nako, pinagod mo pa akong paghanapin!” habol hiningang saad ni Chuchay.
“Patawad, ako’y nakatulog dito sa may duyan habang pinapanood ko ang pagpisa ng araw” dahilan ng binibini.”
“Señorita, nais mo bang makarinig ng magandang balita?” natutuwang tanong ni Chuchay.
“At ano naman bang magandang balita iyan? May mas gaganda pa ba sa balitang umuwi na ang aking ama’t kuyang?” walang ganang saad ng binibini sabay hikab.
“Siya nga Señorita! Ang Señor at Señorito Ibañez ay nasa pantalan at patungo na dito! Pauwi na ang iyong ama’t kapatid gaya ng iyong nais!” masayang balita ni Chuchay sa dalaga.
Hindi makapaniwala ang binibini sa narinig. Sapagkat ilang taon din siyang naghintay, makasama lang muli ang kanyang kuya at ama. Hindi mailarawan ang saya sa puso ng dalaga ng marinig ang sinabi ni Chuchay kaya’t nagmadali itong magtungo sa mansion at ang lahat ng nadadaanan niyang manggagawa na bumabati sa kanya ay hindi na niya pinansin ‘pagkat mas mahalaga ang pag uwi ng kanyang ama’t kapatid.
Masayang nagtungo si Carlotta sa Ina at nagpaturong magluto ng iba’t ibang putahe para sa padating niyang Ama’t kapatid. Sa bawat halo na ginagawa ni Carlotta sa kaniyang niluluto ay may halo din itong pagmamahal at pagkasabik na makita ang dalawa.
Si Aling Berta, Corazon, At Chuchay ang naghihiwa at naghahanda ng mga kakailanganin para sa iniluluto ng binibini. Ang mag inang Carlotta at Martha naman ay parehas na nagluluto. Masayang masaya at masisigla ang mga gumagawa sa mansion ‘pagkat muling darating ang kanilang Señor at Señorito.
Matapos maluto ni Carlotta ang lahat ay nagpatulong naman siya kay Chuchay at sa iba pang mga kasambahay na ayusin ang silid ng kapatid. Hindi na kailangang linisin ang silid ng ama pagkat magkasama naman matulog ang ama at kanyang ina.
Natapos ang gawain at hapong hapo si Carlotta at ang kanyang mga kasama kaya’t inaya muna niya itong mag meryenda at saka nagpahinga.
Saktong nagmemeryenda ang lahat ay saka naman dumating ang humahangos na si Tonio at nagwika, “Papasok na po ng mansion ang Karwahe ng Senyor at Senyorito!”
Nagsilabasan ang mga kasambahay at nanguna ang binibini at Senyora Martha upoang salubungin ang mag amang paparating.
Tumigil ang kalesa sa harapan nila’t binuksan ng kutsero ang pintuan saka unang bumaba si Don Carlos at sumunod naman ang Senyorito Fidelipe. Sinunggaban ng yakap ni Carlotta ang mag ama at napa hagikgik na lamang ang ama. Yumakap na din si Senyora Martha at nangigilid ang luhang sinabi, “Antagal ko ding hiniling na makitang muli ang inyong mga mukha”
“Sabik na sabik ko din kayong makita, lalo ka na mahal kong anak” naluluhang sambit ng Don kay Carlotta.
“Kamusta ang nakababata kong kapatid? Nasabik ka bang makita ang kuya?” tanong naman ni Fidelipe kay Carlotta.
“Sabik na sabik!” parang batang ani ng binibini.
“Hindi ba kayo nagugutom?” singit ng senyora.
“Nagutom kami sa biyahe irog ko, nais kong matikman ang iyong luto.” Nagmamakaawang tugon ng Don.
“Ipinaghanda kayo ng makakain ni Carlotta, siya mismo ang kusang lumapit sa akin upang matutunan kung paano lutuin ang aking mga putahe. Nais daw kayong ipagluto n gating munting prinsesa dahil sabik na niya kayong makita” pagmamalaki ng Senyora.
“Ganoon ba?” tanong ng Don. “Tikman na natin ‘yan!” mukhang gutom na gutom na sabi ni Fidelipe; nagtawanan naman ang lahat.
Pinuri ni Senyor Carlos at ng kuya niyang si Fidelipe ang nilutong ulam ng binibini. Nang matapos magkainan ay saka naman nagpamigayan ng pasalubong ang Senyor sa mga mang gagawa sa mansion at sa hacienda, siyempre hindi mawawala ang pasalubong ng Ama kay Carlotta at sa kanyang asawa. Tuwang – tuwa ang bawat isa sa natanggap na pasalubong, nagpasalamat ang lahat sa Senyor at Senyorito at saka nagbalik sa kani – kanilang trabaho.
“Mukhang pagod na pagod kayo sa byahe. Matulog muna kayo sa silid ng makapag pahinga man lamang kayo at mabawi ninyo ang inyong mga lakas. Bukas na bukas ay may pupuntahan tayo” bilin ng Senyora.