Chapter 3: Si Tonio at Chuchay

1158 Words
CHUCHAY’S POV Pagkatapos kong ihanda ang kakainin ni seniorita ay pinadiretso niya ako sa kinaroroonan ni Tonio. (Si Tonio yung tinulungan ni Carlotta sa mga guwardiya sibil) Nasilayan ko si Tonio na pinapakain si Sinon (Ang kabayo ni seniorita). Lumapit ako sa kanyang kinaroroonan at tinanong kung kamusta siya sa mga nagdaang araw na nagtatrabaho sya sa Hacienda ng mga Ibanez. “Kamusta naman ang iyong kalagayan simula ng magtrabaho ka bilang tagapag-alaga ni Sinon?” “Nako maraming salamat kay seniorita’t may naiuuwi na akong panustos namin sa araw-araw; lalo na’t may sakit ang aming ina at wala akong maipampapagamot sa kanya.” Sagot naman ni Tonio. “Hindi ka ba galit kay Donya Soledad ‘pagkat pinagbintangan ka niya?” muli kong tanong kay Tonio. Umiling si Tonio at nagwika,” Kung tutuusin ay dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya dahil kundi niya ako pinagbintangan ay baka wala parin akong trabaho ngayon at mas lalong wala akong maibibigay na pantustos at pampagamot sa aking ina.” Seryosong saad ni Tonio. May punto ang mga sinambit ni Tonio dahil kung hindi dahil kay Donya Soledad ay hindi sila magkikita ni seniorita. Sabi nga ng namayapa kong ina,”Lahat ng bagay na nangyayari sa’yo, mabuti man ‘yan o masama ay may dahilan. Maaaring makatulong sayo o baka ikasira mo; dahil iyon ang nakatakda para sayo.” Matapos pakainin at painumin ni Tonio si Sinon ay agad siyang dumiretso sa bukid at tumulong kay Mang Dencio na mag araro upang agad na matapos ito; halata sa mukha ni Mang Dencio ang pagod. Sa mga nagdaang araw, napansin kong si Tonio ay sadyang matulingin, na kahit hindi sakop ng kanyang trabaho ay gagawin niya basta’t makita lamang niya na pagod na ang gumagawa. Minsan nga’y natanaw ko siyang tinulungan si Aling Berta maghanda ng mga iluluto niya, pati na rin sa pagluluto ay tinulungan niya ang matanda. Si Aling Berta lamang kasi ang naiwan sa mansion upang magluto ‘pagkat ang iba pa niyang mga kasamahan sa kusina ay umuwi sa kani-kanilang pamilya; mabuti na lamang at nandito sa mansion si Tonio nung araw na iyon. Isa sa pagiging matulungin ang hanap ko sa mga kalalakihan. Aba siyempre naman, kahit ako’y isa lamang alila may pangarap pa din akong humanap ng lalakeng mabait, masipag, at matulungin. Hindi ko naman sinasabing si Tonio iyon. Madami pa naman sigurong lalake dito sa San Leoncio ang may ganiyang katangian; kung hindi man dito sa San Leoncio, ay marami pa namang ibang lugar. “Chuchay? Chuchay? Naririnig mo ba ako?” nabalik ako sa katotohanan nang magsalita si Tonio. “Kanina pa kita kinakausap, ano’t parang may gumugulo sa iyong isipan?” nagtatanong na sambit ni Tonio. “ May iniisip lamang ako, ngunit wala iyon.” Palusot ko “Wala nga ba talaga iyon? Mukhang iniisip mo ang iyong nobyo? Ganiyan kase ang mukha ng aking kapatid na babae pag iniisip niya ang kaniyang nobyo.” anang Tonio. Ay nako Tonio, mali ka ng inaakala ‘pagkat naiisip ko kung anong nobyo ang nais ko! Hindi ko iniisip ang aking nobyo ‘pagkat pinapangarap ko pa lamang magkaroon nito! “Nawawala ka nanaman sa iyong sarili, mukhang may problema ata kayo ng iyong nobyo Chuchay?” saad ni Tonio ng may nagbibirong boses. “Ako nga’y wag mong inaano Tonio, wala pa akong nobyo at mas lalong di pa ko nagkakanobyo! Wala pa sa utak ko ang mga ganyang bagay.” Palusot ko. “Mabuti naman kung ganon” bulong ni Tonio. “Ano ang iyong sabi?” tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang kanyang salitang binigkas. “Wala. Ang sabi ko’y wag ka ng magalit saakin ‘pagkat ako’y nagbibiro lamang. Ipagpaumanhin mo na lamang ako kung nainis kita.” Sinserong saad ni Tonio. Hindi ko na lamang siya pinansin at saka ako umalis. Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Senyora Martha at tumulong sa pagtatanim at pagdidilig ng kanyang mga halaman sa kanyang hardin. Ang Ina ni Seniorita Carlotta na si Senyora Martha ay mahilig sa mga pananim; mapagulay man ito o halaman. Tuwing uuwi ang Senyor (ang ama ni Seniorita) galing sa ibang lugar ay kundi mga kung anu-anong abubot ang dala ay may mga dala itong iba’t ibang uri ng halaman. Isa na dito ang mga halamang gamot na sa ibang bansa lamang makikita. Noong dalaga pa lamang kase ang Senyora ay mahilig na siya sa mga halamang gamot, ‘pagkat pangarap niya ang isang maging doktor ngunit hindi ito natupad dahil kay Senyor Lino na Ama ni Senyora Martha. Kasalukuyan akong nag didilig ng mga halaman sa hardin ng ako’y lapitan ni Tonio. “Ang ganda at ang kukulay naman ng mga bulaklak ng halaman na iyong dinidiligan Chuchay.” Pagbubukas ng usapan ni Tonio. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagdilig na lamang ulit ng halaman. ‘Pagkat ako’y nabubwisit pa din sa kan’ya. “Magaganda nga ang mga halamang iyong dinidiligan ngunit mas maganda ka pa din kaysa sa mga ito.” Pambobola ni Tonio. Nag-init ang aking pisngi sa sinabi ni Tonio ngunit inalis ko na lamang ito sa aking sistema at tumikhim. “Ako nga’y wag mong binobola Tonio.” Sambit ko. Natutuwa ako sa mga sinabi niya ngunit itinatago ko na lamang iyon sa aking sarili dahil pag nalaman niyang natutuwa ako sa kanyang mga winika ay baka asarin nanaman niya ako. Ilang araw pa lamang siyang nagtatrabaho dito sa Hacienda ngunit lumalabas na ang kakulitan niya pagdating saamin. Ngunit natutuwa naman kaming lahat sa kanyang inaasal ‘pagkat nawawala ang pagod ng bawat isa kapag nagsimula na siyang mag biro. “Palagi kang nawawala sa iyong sarili Chuchay, nalunod na ang mga dinidiligan mong halaman.” Natatawang ani ni Tonio at kinuha saakin ang pandilig at siya na ang nagpatuloy sa aking ginagawa. “Ako na ang magdidilig ng mga ito’t baka mapagalitan ka ni Senyora ‘pagkat nilunod mo na ang kanyang mga inaalagaan at iniingatang halaman.” Paliwanag ni Tonio. “Salamat, may naisip lamang ako’t kaya nawala ako sa aking sarili. Wag mo na lamang iyong pansinin.” Hinintay ko si Tonio na matapos diligin ang mga halaman at saka ko siya kinausap. “Tonio, bilang pasasalamat ay nais kitang lutuan ng iyong meryenda. Ano ba ang iyong nais kanin at akin itong ihahanda.” Alok ko sa kanya. “Uy, espesyal mo ba iyang gagawin para saakin? Lagyan mo naman ito ng kaunting pagmamahal upang tumamis ang lasa ng ipapaluto ko sa’yong sampelot.” “Asa ka naman Tonio! Tinanong lamang kita kung ano ang iyong nais kanin. ‘Pagkat gagawan ko din ng meryenda ang mga nagtatrabaho sa bukid.” Pagpapalusot ko. Hindi ko naman talaga gagawan ng meryenda ang mga nag tatrabaho sa bukid ‘pagkat iba ang naka toka sa gawaing iyon. Ngunit sa dahilan na baka mambuyo nanaman itong si Tonio’y, napasubo nanaman ako sa isang gawain. Pahirap ka talaga Tonio!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD