Chapter 12: Simba

1061 Words
--- Nagising si Carlotta sa munting yugyog ng kanyang ina. “Carlotta, anak gising na.” “Halina’t pupunta tayo sa simbahan at linggo ngayon.” Napabalikwas si Carlotta ng higa at tumayo na animo’y nawala ang antok sa kaniyang sistema ng marinig ang salitang simbahan at linggo. Lumaki si Carlotta na malapit sa Diyos at sa simbahan. Ang totoo nga ay nais niyang pumasok sa kumbento upang mag madre ngunit ayaw ng kanyang ama sapagkat nais nito na magkaasawa’t anak siya na hindi naman niya magagawa kung sakaling siya’y mag mamadre nga. Dali-daling nagtungo ang dalaga sa banyo upang maligo. Nang matapos ay saka ito nagbihis. Isinuot niya ang kanyang baro’t saya, pati na rin ang sandalyas na ipinamana sa kanya ng Inang Martha. Gustong gusto niyang isinusuot ito, sapagkat bukod sa maganda at bagay ipares sa lahat ng uri ng baro ay komportable pa itong suotin hindi katulad ng ibang sandalyas na maganda nga ngunit masakit naman sa paa at kung minsan ay maglilintos pa. Humarap ang dalaga sa salamin at agad na nagpulbos ng mukha, nang makitang pantay ang pagkakapulbos ay kumuha siya ng papel de hapon at saka ito binasa at ipinahid sa kanyang mga labi. Nang makitang maayos na ang kaniyang hitsura, pumanaog na siya’t nagtungo sa may komedor at nadatnan ang kaniyang ina’t nakatatandang kapatid na naghahain sa may mesa. Wala ang mga kasambahay ngayon at pinauwi ng Senyora dahil sa araw ngayon ng pamamahinga at nararapat lamang na magpunta ang bawat isa sa simbahan o di naman kaya ay maglaan ng oras para sa sariling pamilya. Adobo, Kaldereta, Pinakbet at ginisang ampalaya ang nakahain sa mahabang mesa. Marahang umupo si Carlotta at tumabi sa kanyang nakatatandang kapatid, ang kanyang ina naman ay nakaupo sa may kabisera. Nanalangin muna si Carlotta kasama ang ina’t kapatid bago magsimulang kumain. Nang makatapos sa panalangin, agad na inabot ni Carlotta ang ginisang ampalaya na siyang paborito niya. Sa lahat talaga ng putaheng inihahanda ng kanyang ina, kapag may ginisang ampalanyang nakahain ay yaon ang uunahin niya. Kabaligtaran naman ni Carlotta si Fidel sapagkat ayaw niya sa ampalaya sapagkat sobrang pait daw nito’t nakakasuka kainin. --- Pumasok ng simbahan ang mag anak at naupo sa may gilid. Madami dami na din ang mga tao sa loob ng simbahan. Makikita mo ang iba’y nagpapayabangan pa sa mga suot suot na damit, ang iba naman ay ipinagyayabang na mas makapal at mas malaki ang kanilang dala dalang biblia. Ito ang ayaw na ayaw ng ina ni Carlotta, mismong siya ay ayaw din ng ganitong pag uugali. Kilala man ang apelyidong Ibañez sa buong rehiyon, kailanman ay hindi sila nagtaas ng sariling bangko. Ayaw na ayaw ng Senyora ang magmayabang kaya’t hangga’t maaari ay lumalayo sila sa mata ng madaming tao kaya napili nilang umupo sa pinaka gilid. Napailing na lamang si Fidel at Carlotta sa inasta ng mga tao sa loob ng simbahan. Ang nakakahiya pa ay mga namamalagi ang mga ito sa simbahan ngunit sila pa ang may mga mapagmataas na pag uugali. Ilang sandal na lamang ay magsisimula na ang misa. Naramdaman ni Carlotta ang pagtitig ng kung sino sa kanyang likuran. Binaling niya ang kanyang ulo upang Makita kung sino iyon at nakita niya ang nakatitig sakanyang si Hugo. Binati niya ito sa pamamagitan ng matamis na ngiti at gayon din naman ang iginanti nito sa kanya. Muling humarap si Carlotta sa harapan sapagkat nagsisimula na ang misa. Si Padre Abi Perreault, isang pransiskanong pari ang nagmimisa. Isa siya sa mga pinakamamahal na pari ng mga Leonciano sapagkat bukod sa kabaitan nito ay may pagmamalasakit ito sa mga mamamayan kahit na hindi pa niya ito kalahi. Matamang nakikinig sa sermon si Carlotta nang maramdaman niya ang kalabit ng kung sino. Napalingon ang dalaga sa kaniyang likuran kung saan nakaupo si Hugo. Lumapit ng kaunti si Hugo sa dalaga at bumulong, “Pagkatapos ng misa, nais mo bang magtungo sa silid aklatan? Madami akong suhestiyon na librong pang medisina para sa’yo.” Pabulong na sumagot si Carlotta, “O siya, sige. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol diyan at nakikinig ako sa sermon ni Padre.” Natapos na ang misa, madaming tao ang bumati sa Pransiskanong pari na siya namang patungo sa kinaroroonan ni Hugo. “Mabuti’t napasimba ka Ginoong Amezquita! Ikinagagalak kong masilayan kang muli dito sa loob ng simbahan sa loob ng mahabang panahon! Ang laki na ng iyong pinagbago lalo na sa iyong pisikal na katawan. Parang kailan lang ay parehas pa kayong musmos ni Carlotta na dumadalo ditto sa simbahan tuwing sasapit ang araw ng linggo.” Luminga linga muna si Hugo upang kumpirmahin kung nasa malapit lang ba si Carlotta at baka marinig nito ang sinabi ng padre. Hindi pa man din maalala ng dalaga na sila’y magkababata. Sikreto muna ni Hugo ito bago sumapit ang kaarawan ng dalaga. Napawi ang kaba ng binata ng masilayan si Carlotta na nakikipag usap sa mga madre. Natapos ang maikling usapan ni Hugo at ng padre. Lumapit si Hugo sa kinaroroonan ng dalaga at nagpaalam sa mga madre na may mahalaga silang pupuntahan. Bago tuluyang lumabas ng simbahan upang magliwaliw ay ipinagpaalam muna ni Hugo si Carlotta sa kanyang ina at pinayagan naman sila basta’t mag-iingat daw sa pupuntahan. Napagpasyahan ng dalawa na maglakad na lamang sapagkat di naman kalayuan ang kanilang patutunguhan. Habang naglalakad ay masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gilid ng kalye. Hindi napansin ni Carlotta ang rumaragasang kabayo ng tinyente Cariño nang agad siyang hinila ni Hugo sa gilid at napahawak sa bisig nito habang salu salo siya ng binata. Napaka romantiko ng ganitong posisyon sapagkat nakikita ni Carlotta ang ganitong mga eksena sa teatro lalo na’t mahilig siyang manood ng mga dula na kasama si Chuchay. Matagal na nagtitigan ang dalawa sa ganoong puwesto. Napatikhim si Hugo at inayos ang postura ng katawan, namumula ang tainga at leeg nito. Inayos na din ni Carlotta ang kanyang postura matapos ng pangyayari. Napansin ni Carlotta ang biglaang pamumula ng tainga at leeg ng binate kaya’t tinanong niya ito. “Hugo, bat namumula ka? Hindi ba maganda ang iyong pakiramdam? Nilalagnat ka ba?” nag aalalang tanong ng dalaga. “A-ayos lang ako.” Sambit ng binata sabay iwas ng tingin. “Sigurado ka?” “Oo, tayo na’t baka maagang magsara ang silid aklatan na ating pupuntahan.” Anyaya ni Hugo. --- TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD