Chapter 10: Pagbisita ni Hugo

1182 Words
--- Tumilaok ang manok at nagbangon na si Carlotta upang maligo. Pumasok kaagad siya sa banyo upang maligo, pagtapos maligo ay nagtungo siyang muli sa kanyang kuwarto upang magbihis. Binuksan niya ang kanyang aparador at kumuha ng baro’t saya. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin na nasa kanyang aparador, nang makita namang bagay sa kanya ang napiling baro’t saya ay saka naman niya kinuha ang isang pabangong babasagin na regalo sa kanya ng ama niya. Halata sa pabango na ito’y mamahalin at pag hindi sinasadyang naibagsak ay kaagad na mababasag, kaya talagang pinag iingatan ito ni Carlotta. Nang makapag pabango ang dalaga ay isinauli niya ito sa lagayan at kumuha ng papel de hapon at idinikit sa kaniyang labi upang ito’y magkulay pula. Natapos na ni Carlotta ang lahat ng kung anong nais niyang ipahid sa kanyang katawan at mukha. Bago naising bumaba ay iniligpit na muna niya ang kanyang higaan. Nang mailigpit ito ay saka siya bumaba at nakita ang kanyang ama na inihahanda ang mga dadalhin nito sa pag alis. Nang makita siya ng Senyor ay agad nitong ibinuka ang mga kamay nito at inaaya siyang hagkan. Mabilis namang kumilos si Carlotta at yumakap sa ama ng mahigpit na mahigpit. “Ama, kailan ba ang iyong pagbabalik? Sa tuwing iniisip kong ika’y aalis nanaman ay nasasabik akong muli kang makasama.” Humihikbing sambit ni Carlotta. “Sssh, tumahan ka na munti kong prinsesa. Pumunta ka lamang sa may dalampasigan at isipin mong malapit lamang ako sa’yo. Huwag kang mag alala, babalik din naman ako.” Pagpapalakas ng loob ng ama ni Carlotta. “Yaan naman lagi ang iyong sinasabi sa akin tuwing aalis ka dito sa San Leoncio, ngunit wala naman itong epekto.” Pagrereklamo ni Carlotta. Natawa na lamang ang senyor sa tinuran ng dalaga. Nang maiayos lahat ng senyor ang mga dadalhin niya sa tulong ng kanyang asawa at ni Chuchay ay agad na yumakap ang senyor sa senyora at hinalikan ito saka dali-daling sumakay sa karwahe upang magpahatid kay Mang Kiko sa pantalan. Humabol si Carlotta at nagtungo sa karwahe at hinagkan na muli ang ama. “Ama huwag mong kaliligtaang magpadala ng sulat sa amin ni ina. Sulatan mo ka agad kami kung ano ang iyong kalagayan doon upang hindi kami nag aalala sa iyo ng lubos.” Usisa ng dalaga. “Makakaasa ka munti kong prinsesa.” Tugon ni Senyor Carlos at agad na sinabihan si Mang Kiko na lumarga na. Hindi sumama si Fidelipe sa kanyang ama pagkat ipinaiwan siya nito sa mansion upang may makakasama ang kanyang ina at bunsong kapatid maliban sa mga kasambahay sa mansion at mga manggagawa sa hacienda. Agad na nagpunta si Carlotta sa dalampasigan at nahiga sa may duyan. Maaga aga pa naman at hindi pa masyadong nakakapaso sa balat ang ssinag ng araw kaya’t nahiga muna siya doon. Pinakikiramdaman niya ang bawat paghamapas ng alon pati na rin ang mga ingay na nagmumula sa mga ibon at dahon ng mga puno. Napakasarap sa pandinig ng dalaga ang pakikinig sa ingay ng kalikasan. Para itong musika sa kanyang mga tainga na hindi niya pagsasawaan kahit kailan. Sino nga naman ba ang magsasawa sa katahimikan hindi ba? Naalaarma naman si Carlotta nang may marinig na munting kaluskos malapit sa likuran niya. Kasalukuyan siayng nakahiga sa duyan at nakapaharap ito sa may dalampasigan kaya’t hindi niya kaagad makikita kung sino man anhg taong manggugulat sa kanya mula sa likod, depende na lamang kung pang gugulat nga ba ang sadya nito. HUGO’S POV Napag alaman kong umalis nanaman ng San Leoncio ang Senyor ng mga Ibañez kaya’t napag pasiyahan kong magtungo sa kanilang mansion upang mangamusta sa Senyora at kay Carlotta… Sinabihan ko si Mang Dodong na ihatid ako sa mansion ng mga Ibañez. Habang nakasakay sa karwahe ay tumingin ako sa labas ng bintana at may nasilayan akong mga nagbebenta ng mga bulaklak. Kay gaganda ng mga ito at sigurado akong magugustuhan ito ng Tiya Martha at ni…Carlotta. Bumaba ako at nagtungo sa may nagbebenta ng bulaklak. Bumili ako ng putting dasyanas (daisy) para kay Tiya Martha sapagkat kung hindi ako nagkakamali nung ako’y maliit pa lamang ay iyon ang paborito niyang bulaklak. Binilhan ko naman si Carlotta ng dilaw na Tulipan (tulips) ‘pagkat kung tama din ang aking mga naaalala ay kinagigiliwan niya ang mga pananim na tulip dati ni Mang Kanor na dati’y isa lamang may ari ng mga bulaklakan na ngayon ay isa nang gobernador. Binayaran ko ang mga binili kong bulaklak at sinabihan si Mang Dodong na tumuloy na. Nakarating na kami ni Mang Dodong sa mansion ng mga Ibañez aat mainit na pagtanggap naman ang isinalubong sa akin ni Tiya Martha. Iniabot ko naman sa kanya ang dasyanas at napatakip naman ng bibig ito. “Nag abala ka pa hijo! Ngunit maraming salamat sa napakagandang dasyanas!” “Walang anuman po iyon Tiya Martha.” Nakangiti kong saad. “Napakatalas naman pala ng iyong pang alala at naalala mo pa ang aking paboritong bulaklak.” Natutuwang sambit “Nakita ko lamang po na may nagtitinda ng bulaklak sa daan patungo dito at naalala ko na mahilig kayo sa dasyanas.” Tugon ko. “Nasaan po ba si Carlotta?” masaya kong tanong. Nasasabik akong ibigay sa kanya ang mga Tulipan na binili ko kanina. “Sigurado akong nasa dalampasigan nanaman ang batang iyon, iyon ang tambayan niya hijo tuwing nalulungkot.” Bulalas ni Tiya Martha. “Para kay…Carlotta ba ang mga tulipan na iyan?” “Ah oho, naalala ko ho kase na gustong gusto niya ng mga tulipan.” Pag amin ko. “Ay oo nga pala, masyado na akong makakalimutin. Palagi nga pala kayong naglalaro ni Carlotta nung mga maliliit pa lamang kayo” bungisngis ni Tiya Martha. “Sa tingin niyo po ba ay naaalala pa ni Carlotta ang kababata niya?” tanong ko. “Hindi niya nababanggit ang tungkol sa’yo dahil siguro’y masyado pa syang bata nung mga panahong iyon. Huwag kang mag alala, sasabihin ko sa kaniya na ikaw ang kababata niya. Ipapaalala ko sa kanya.” Saad ngi Tiya Martha. “Ay naku huwag po. Maaari ho bang pag nakahanap ako ng magandang tiyempo ay ako na lamang ang magsasabi sa kanya niyan?” pakiusap ko kay Tiya Martha. “O siya hijo, puntahan mo na si Carlotta sa dalampasigan atako’y may mga nararapat pang gawin.” Pamamaalam ni Tiya Martha. “O sige ho, paroroon na ho ako.” Sagot ko naman. “Padadalhan ko na lamang kayo kay Chuchay ng meryenda doon.” Huling sabi ni Tiya Martha. Nagtungo ako sa may dalampasigan at tunog ng hampas ng alon at ingay ng ibon at lagaslas ng mga dahon ang sumalubong sa akin. Nahagilap ng aking mata ang bulto ng katawan na nakahiga sa may duyan. Nasa likod ako ng duyan, nais ko sanang gulatin si Carlotta nang may matapakan akong tuyong dahon na siyang limikha ng ingay. Buti na lamang ay hindi siya lumingon ngunit alam kong narinig niya ito at umakto na lamang akong parang pusa. “Meow”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD