Race

2117 Words
Elona "Drawing?" "Paunahan sa paglangoy!" "Maghuli ng isda." Kanina pa sila hindi makapili kung ano ang gagawin namin ngayong araw. Sabi nga ni Dica ay bored to the highest level na raw siya at ganon din ang mga kasama namin na puro binata. "How about race?" Napatingin ang lahat sa akin na para bang sinagot ang mga katanungan nilang lahat. "For the first time nakatulong ka din sa amin Elona." Nanlalaki pa ang mata ni Dica ng sabihin iyon. "For the first time in forever~" Babatukan pa sana niya ang halos lahat na kumanta. "Paunahan sa rancho ng mga kabayo." At naunang tumakbo si kuya roman, ang kuya ni Dica papuntang rancho. Hindi nagpahuli sina Dica at ang mga kuya namin, tumakbo agad sila at inunahan pa ng iba si kuya roman. Nasa tabi kami ngayon ng isang malaking puno at nagpapahinga dahil tinapos namin ngayon ang dapat itanim sa aming lupain, ng matapos ay nag-isip agad sila kung anong pwedeng gawin gayong nakakaboring nga ang ganitong oras dahil sobrang init at ang sarap matulog. Ngunit ang gusto ni Dica ay may gawin kami, bilang pangalawa sa pinakabata sa tribo ay umoo ang aming mga kuya, they can't resist the charm that Dica have, she's the cutest above all of the member of tribe anyway. Matangkad si Dica ngunit siya ang pinakamaliit sa aming lahat sa grupo na tumutulong kay tatang lito sa pagtanim, tumakbo ako papunta sa bahay namin na makikita mula rito sa puno. Dumeritso ako sa likod ng bahay at pinuntahan si Alon sa kaniyang munting tirahan. Pinalabas ko siya at agad na sumakay sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang lubid tiyaka ito winaswas, yumuko ako upang hindi mahulog dahil kahit hindi ko man aminin ay ayaw kong natatalo sa aming laro. "Ang daya mo Elona!" Dinig kong sigaw ng iilan sa kanila ng makalagpas ako sa kanila at dumeritso sa rancho. Bumaba agad ako at pumunta sa harap ni Alon tsaka hinimas ang ilong nito. "The best ka talaga." I smiled at him. Nilagay ko siya sa silid kung saan ang start kapag naglalaro ng horse racing. "Ang D-daya mo naman bunso." Hingal na ani ni kuya roman sakin, tinawanan ko silang lahat at dumila tsaka tumalikod at inasikaso si Alon. "Hangin, kahit ngayon man lang talunin mo iyang si Alon ha? Nagsasalaysay, Dica." Pag-usap pa ni Dica kay hangin, pangalan ng kaniyang kabayo na ibinigay sa kaniya ni kuya Roman. Pinilit nito si kuya na bigyan siya ng kabayo dahil daw meron ako at siya ay wala, hindi tinugunan ni kuya si Dica nung una dahil daw bata pa ito at nung mag fifteen ay siyang binigay ni kuya sa kaniya ang isang puting kabayo, si Dica din ang pumili dahil daw itim ang sakin kaya gusto nito ay puti para parang frenemies daw, kahit ang pangalan ay dahil din daw sa Alon ang ipinangalan ko sa aking kabayo, kung ang akin ay alon sa kaniya naman ay hangin. Lupa nga sana ang ipangalan niya rito ngunit ampangit raw pakinggan. "Mag ho-horse racing kayo?" Ani ng isang boses. "Nako, buti na lang at nandito ka at makikita na naman naming hindi manalo iyang si Elona." Ani ng isa sa kasama namin. "Panong mananalo diyan si Elona? Eh sa kalaban ang tingin at hindi sa daan." Saad ni Dica, hindi ko narinig na sumagot ang lalaki. "Bilisan niyo na! Ako ang judge ha." Binilisan na nga namin ng magsalita iyong kaclose ni Dica na kaibigan ni kuya roman. Putok ng baril ang tanda na simula na ang horse racing, may speaker sa bawat pulang watawat na nakalagay sa gilid na ginagamit kapag may paligsahan dito sa amin, hindi lang sa kabayo. "Kapit ng mabuti players at baka mahulog sa maling tao." Tumawa kaming lahat— i mean hindi kasama si Claudius, hindi naman kasi palatawa iyon. "Iputok mo na ang baril kung hindi sayo ko ipuputok yan kapag hindi ako nanalo rito!" Sigaw ni Dica kay Gaius, ang judge kuno namin. Mas lalong umugong ang tawanan ng muntik mahulog si Dica mula sa kabayo nito dahil biglang ipinutok ni Gaius ang baril. "Napaka mo talaga gawgaw!" Tinawanan namin siya ngunit nasa laro pa din ang atensyon. "At sino pa nga ba ang mauuna kundi ang ating napakamamahal na si Elona!" Rinig kong sigaw nito mula sa speaker ng madaanan namin ang pulang flag sa gilid ng paligsahan, hindi ko napansing madami na din pala ang nanonood. Kumaway ako sa aking mga magulang ng makitang nanonood din ito ng aming laro, natuon ulit ang pansin ko sa laro ng muntik na akong mawalan ng balanse. "At iyan na nga ba ang sinasabi ni mareng Dica kanina! Nauunahan na ni Claudius si Elona!" Sakit sa tengang sigaw nanaman ni Gaius ng makalagpas kami sa pangalawang watawat. "Hindi kapanipaniwala ang nangyayari mga kaibigan, nangunguna ang atin napakayabang na si kuya Ramon!" Sigaw nanaman ng aming judge ng manguna si kuya Ramon. Napangisi ako ng makakita ng daan na magpapanalo sakin, ngayon ay hindi ko na hahayaang maunahan pa ako ng Claudius na iyan. Hinigit ko ang lubid na siyang nagpatigil kay Alon sa pagtakbo, pinauna ko silang lahat, hinimas ko ang ulo ng aking kabayo at biglang winaswas ang lubid na siyang nagpagulat rito. "Mga kapatid nakikita naman nating nahuhuli na si— Elona?! Ang ating elona ay nangunguna nanamang muli mga kapatid, nakakagulat na pangyayari kaya't dapat lang na hangaan ang dalagitang ito." Ng magulat si Alon ay biglang tumakbo ito ngunit kung kanina at natural na takbo, ngayon naman ay para bang may hinahabol. Iginilid ko ang lubid na siyang sinunod naman ni Alon at gumilid din ito kung saan walang kahit na sino ang tumatakbo, sa huling pagkakataon ay nilakasan ko ang pagwaswas sa lubid at biglang hinigit ng makitang lampas na pala kami sa finish line. Umalikabok pa sanhi ng paghinto ni Alon. "At hindi nga nanalo si Dica kaya Juluis kapatid ikaw ang kumapit nito at baka iputok nga sakin ni Dica ang baril na ito." Tumawa ang halos lahat ng nakasaksi dahil muntik na siyang matumba ng makitang nakababa na pala si Dica at nasa likuran na nito ito, napakalakas ng batok na ginawa ni Dica sa kaniya at dahil hindi pa nakuha ni Juluis ang mic ay rinig sa buong tribo ang nagawang pagbatok. "Ang galing mo." Nginitian ko si Juluis at bahagyang tumingin kay Claudius na ngayon ay pinupunasan ni Valerie ang kaniyang pawis. Iniwas ko ang paningin ng mapatingin sa gawi ko si Claudius, pinuntahan ko ang aking magulang at tumakbo sa kanilang dalawa tsaka sila niyakap. "Ang galing naman ng unica iha namin." Puri ni ginang Glenda sa akin. "Manang-mana sa akin pagdating sa pabilisan ng pangangabayo." Napangiti ako ng makita ang ngiti ni tatang. Yayain ko na sanang umuwi sina ginang ngunit natigil rin ng magsimulang maglakad si tatang papunta sa pinanggalingan ko, bitbit ko ang lubid na nakakabit kay Alon. "Tara't sundan natin ang tatang mo." Ngumiti ako at umangkla sa braso ni ginang. "Akin na ang mikropono." Saad ni tatang gamit ang madilim nitong ekspresiyon. Mabilisang inabot naman ni Dica kay tatang ang mikropono ng walang pag-aalinlangan at lumapit sa amin. "Ang ganda pa naman ng kanta ko, nakakatakot talaga iyang si tatang, Elona." Natawa kaming parehas ni ginang. "Nasa akin na ang resulta ng mga nakapasa sa pagsusulit nung nakaraang linggo at dahil nandito na rin naman kayo ay ngayon ko na lamang iaanunsyo." Umingay ang paligid at halatang sabik na sabik sa magiging resulta. "Makinig ng mabuti at hindi ko na uulitin pa ito." Bigla namang tumahimik ang lahat, napatingin ako sa gawi nina Claudius at ng makita ako ni Valerie na nakatingin sa kasama nito ay biglang inirapan nito ako at umangkla sa braso ng katabi at hindi naman nagreklamo ang binata kaya't napangiti si Valerie rito at tinalasan ako ng tingin. Iniwas ko na lamang ang aking paningin at nagbigay ng atensiyon sa sasabihin ni tatang. "Ang magkapatid na Solar ay nakapasa sa pagsusulit, nagagalak akong makita ang pangalan ninyong dalawa sa unahan." Napangiti ako at napatingin sa taong nasa harapan ko na bahagyang gumagalaw ang balikat, lumingon ito sakin at niyakap ako, napabitaw naman si ginang ngunit ngumiti ito sakin habang inilagay ko ang aking kamay sa likod ni Dica. Tinapik ko ang kaniyang likod at inabot kay ginang ang lubid ni Alon, ng kunin ni ginang ay niyakap ko si Dica tsaka tumalon. "Kaibigan ko to!" Paulit-ulit kong sigaw ng mapagtanto na napakalaking karangalan na napasama ang kaibigan ko sa mga nakapasa. Natawa ang lahat sa inasta ko kaya't napalayo sa akin si Dica. "Nakakahiya ka Elona." Tinago pa nito ang mukha sa kaniyang palad. "Ang swerte ko naman, ang galing ng kaibigan ko." Ngumiti ako sa kaniya ng napakalapad. "Juluis, Claudius" Napatingin ako sa dalawa ng bangitin ni tatang ang kanilang pangalan, nagagalak din akong napasali ang mga yan. Ngunit mukhang may hinihintay itong idugtong ni tatang. "Hindi napasali ang inyong kapatid na si Gaius." Ngumiti ang dalawa kay tatang at malungkot na napatingin sa kapatid na si Gaius na ngayon ay may mapaglarong ngiti sa labi. Napabuntong hininga si tatang kaya't biglang tumakbo si Dica papunta kay Gaius na ngayon ay nauna ng tumakbo. "Napakapilyong bata, utusan ba naman ako na ianunsyong hindi ito napasama gayong nakita naman nito ang kaniyang 'ngalan ng hindi sinasadyang napunta sa kaniya ang resulta ng dahil sa ihip ng hangin." Mahabang pahayag ni tatang habang nasa dalawang naghaharutan ang tingin, napatawa ang ilan dahil dun. "Elona." Elona daw. T-teka? Elona daw? Nanlaki ang mata ko sa sinabe ni tatang na ngayo'y nakatingin sa akin, niyakap ko si ginang at nagsisigaw. "Nakasama ako." Paulit-ulit na sigaw ko at tinakbo ang distansya namin ni tatang at niyakap ito. "Nakasama ako taaaaaang." Tumawa ang halos lahat ng nakasaksi, bumitaw ako kay tatang at tumakbo naman kay Dica na nakatago sa likod ni tiya, ang nanay niya. Binatokan ko ito at sumigaw ulit, tumakbo nanaman ako kay kuya at nag fist bump sa kaniya sabay sigaw ulit. "Tama na yan Elona, baka magtae sa tawa ang katribo mo." Sita sa akin ni tatang mula sa mikropono. Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang nagawa ko, napatingin ako sa lahat ng nanood. Ngumiti ako ng pilit at tumakbo sa likod ni ginang tsaka ito niyakap sa likod. "Nakasama ako." Bulong ko na siyang nagpatawa kay ginang. "Anak ko yan." Natatawang ani ni tatang sa mikropono at may napakalaking ngiti sa labi nito. "At ang panghuli ay si Solene, huwag kang mahiya sa kanila iha kapag nandoon na kayo." Nahihiyang ngumiti naman si Solene na ngayon ay nakakapit sa braso ng kaniyang ina, ang ganda niya talaga. Sana all matangkad. "Iyon lang ang mga napili, Minsan lang ang ganitong oportunidad." Napayuko iyong hindi nasama, kasama na nun si Valerie. "Ang gusto ko pa naman ay lahat kayo ay mapasama, ngunit ano pa bang magagawa natin?" Iniabot ni tatang ang mikropono sa katabi nito na si Dica na may ibinubulong kay tatang. "Ang bata talagang iyon kapag talaga mikropono." Napapailing na lamang si tatang kay Dica. "Pumunta raw ho ang lahat sa bahay nina tatang lito dahil may salo-salong magaganap." Salita ni dica mula sa mikropono. "Pero syempre, ligo muna kayo at ayaw raw ni tatang ng mabaho sa kanilang bahay." Natatawang dugtong ni dica. "Talaga ho tatang?" Mula sa iling ay tumango ito sakin at ngumiti. "Ang galing ng anak ko." Sabay pa nilang saad ni ginang kaya't napatawa ako sa kanilang dalawa. Pag-uwi sa bahay ay ibinalik ko na si Alon sa kaniyang silid at hinimas ang ulo nito at binigyan siya ng makakain at maiinom. Ginawa ng lahat ang ipinagawa ni Dica sa kanila dahil kahit pilyo man ito ng sabihin iyon ay talagang ayaw ni tatang na may bumisita sa amin na hindi pa nakakapaglinis ng katawan. "Elona, tulungan mo ang iyong inang mag-ayos roon." Utos ni tatang ng makita akong pinapainom si Alon. "Susunod ho ako tatang." At ginawa ko nga ang sinabi nito. "Ako na ho ang mag-aayos niyan inang, maligo na po kayo at ambaho na ng iyong kili-kili." Sinamaan ako nito ng tingin at itinaas pa ang braso at lumapit sa akin upang ipaamoy ang kili-kili nito, natatawang lumayo naman ako. "Oh siya, pagkatapos ko ay ikaw naman ang maligo rito, ang dami pa naman ng alikabok kanina." "Oho, kaya't bilisan ninyong maligo inang." Ang salo-salo ay natapos bandang alas otso na ng gabi at ang mga tatay at binata na lang namin ang naiwan, nanonood ng basketball sa labas ng bahay kung saan may silong na trapal. Nagpaalam akong lumabas saglit papuntang dalampasigan, dinala ko rin ang aking gitara na niregalo sa akin ni Tatang. sheirra07
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD