Epilogue
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Warning: This is not edited! Mayroon itong typographical at grammatical errors, spare my life HAHAHA this story is written by a fourteen year old kid at first time magsulat ok?
Accounts:
Fb: Sheirra Amilangan Moises
Fb page: Sheirra Moises
Wattpad: fjshai
Instagram: sam_sheirra
©. All rights reserved . fjshai . Febuary, 2022
—————
Epona, ang unang pangalan na naisip ng asawa ni tatang lito ng makita ang isang sanggol na kaawa-awang umiiyak sa gitna ng kagubatan sa loob ng isang sisidlan ng prutas, isa itong basket na gawa sa kawayan at napakaganda ang pagkakagawa halatang hindi gusto ng maygawa nito na masugatan ang kung ano man ang ilagay sa basket.
"Napakagandang bata." Ani ni ginang glenda ng mapatingin ito sa mga mata ng sanggol, nakakabighaning pagmasdan ang kulay lila nitong mga mata, kaysarap ding pagmasdan ang kaniyang labi'ng kanina ay nanginginig sa iyak.
Naisip ng ginang na hulog ito ng kalangitan sa kadahilanang wala siyang anak at imposibleng magkakaanak pa gayong may edad na rin ito.
Tinahak ng ginang ang malawak na kagubatan sapagkat iyon lamang ang daan pauwi galing syodad, sinabihan nito ang kaniyang asawa na kopkupin ang sanggol.
Hindi nagdalawang isip si tatang lito na umoo gayong nakita nito ang galak sa mga mata ng kaniyang asawa at ang matingkad nitong ngiti na ngayon lamang niya nakita sa buong buhay niya, oo't ngumingiti ito ngunit iba ang ngiti nito ngayon, para bang nakatanggap ito ng pinakamagandang regalo.
"May naisip ka bang magandang ipangalan sa kaniya?" Tanong ni tatang lito sa kaniyang asawa habang nakatingin sa sanggol na karga nito.
"Elona." Tipid na sagot ni ginang glenda habang nakangiti.
Napakaimportante ng kabayo sa kanilang tribo, pinapaniwalaan din na ang pangalan ng tunay na tagabantay ng mga kabayo ay si Epona.
Doon na lumaki ang sanggol sa kanila. Natuto si Elona na mangabayo sa edad na pito at sa katunayan ay mayroon itong sariling kabayo na kulay itim.
Kinilala ng lahat sa tribo si Elona bilang kanilang swerte sa kadahilanang ng dumating ito ay siyang pag- asenso ng kanilang pananim na prutas at gulay at sa araw na nakita ng mag-asawa si Elona ay siyang pagkaalam nila na butis halos lahat ng kanilang mga alagang kabayo.
"Elona anak, halika't samahan mo si Dica na maglaro." Nakangiti naman si Elona habang nakatingin sa ginang, puno ito ng pagmamahal, yumakap ito sa ginang at humalik sa pisnge nito.
"Bye po." Nakakamanghang isipin na ang bilis matuto ni Elona sa mga bagay-bagay, kahit sa ingles ay hindi man lang ito nabubulol magsalita kahit noong una pa lamang itong mag-aral ng ingles sa kanilang paaralan na sakop din ng tribo at kasapi din nila.
"Alam mo ba kanina ay hinahanap ka ni Juluis sa akin." Ang dalawa ay nakaupo sa malaking bato na nasa gilid lamang ng dalampasigan, hapon na at hindi masyadong maaraw.
"Sabi ko naman ay nasa bahay niyo ikaw at natutulog." Hindi sumagot si Elona at nakatingin lamang sa magandang tanawin sa kaniyang harapan, parenteng nakatukod ang kamay sa bato sa likod nito habang nakaupo.
"Kasama ulit niya iyong babaeng tumulak sayo noong nakaraang araw, Valerie ata yong pangalan? Nagseselos ata sayo, sabi kasi ni kuya ay kapag mahal mo ang isang tao at nakita mo itong sa iba ang tingin ay selos ang mararamdaman mo." Hindi sumagot si Elona at pinagmasdan lamang ang tanawing hindi niya pagsasawaang pagmasdan.
"Nagseselos ako, bakit sa dagat ka tumitingin eh ako yung nasa tabi mo?" Ngumuso ito ngunit hindi pa rin pinansin ni Elona.
"Kahit ganiyan ka ay magkaibigan naman tayo diba?" Ngumuso ulit ito at ng hindi ulit lumingon sa kaniya si Elona ay pinitik nito ang noo ng kaniyang tinuturing na kaibigan.
"Ah? Oo, oo naman." At binalik nanaman nito ang tingin sa dalampasigan.
Hindi na nagsalita si Dica at nakangiting napatingin na rin sa dalampasigan na dahilan kung bakit makitaan nito ng paghanga sa mata ng kaibigan.
sheirra07
————————————
——————————