Nagising si Norain at napabalikwas ng bangon. Napangiwi siya sabay hawak sa kanyang ulo. Naramdaman niya na tila may sagabal doon. Ngunit bigla siyang naalarma ng maalala ang nangyari sa kanila ni Mateo. Ang asawa niya? Iyong matanda? "Ms. 'wag ka po munang gumalaw, 'yan po ang bilin ni doc," malumanay na tugon ng isang babae na nakasuot ng puting damit, saka lang napansin ni Norain na nasa hospital siya, inilibot niya ang tingin sa halos puting kulay na dingding, saka siya tumingin sa nurse. "Ang asawa ko, nasaan ang asawa ko?" unti-unting naghehesterikal si Norain. Agad siyang nilapitan ng nurse na kasalukuyang inaayos ang kanyang dextrose. "Please, you have to stay calm, Ms. Look, dumurugo na ang dextrose mo," hindi nakinig si Norain at mabilis na tinanggal ang dextrose sa kanyang

