Kinabukasan, walang humpay ang saya ni Bea ng makasama niyang muli ang kanyang lola. Buong araw na nagkukwentuhan ang dalawang mag-lola na kasama si Caleb. Sina Mateo at Norain ay nasa patio habang nakamasid sa mga ito sa malawak na hardin. Mahilig kase ang matanda sa mga bulaklak. "Let's go, it's time for us to go for your check-up," kung pwede lang matunaw sa titig na iyon ni Mateo, malamang kanina pa. Tumayo si Norain. Agad na hinapit siya ni Mateo sa kanyang maliit na bewang. Ba't ba habang tumatagal mas yumayabong ang kilig at pagmamahal niya sa asawa? Para tuloy siyang timang na kulang na lang ay sumigaw siya sa sobrang kilig. Pero agad din niyang ipinilig ang sariling ulo. Ulcer nga ba niya ang dahilan ng kanyang pagsusuka? Paano kung buntis pala siya? Kung buntis man siya, natata

