"Really? Hindi kaya nagkamali lang ang P.I. na inutusan mo, love?" takang tanong ni Norain sa asawa. Nagdadalawang-isip sa mga nakasaad sa dokumento na in-report sa kanila ng Private investigator. Medyo nakaramdam ng kaginhawaan si Norain, kung sakali mang si Ara iyon ay malaki pala ang utang na loob nila dito? Saka siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kunot pa rin ang noo ni Mateo habang nakatitig sa mga dokumentong nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwala. Kung gayunman ay kailangan niyang kontakin ang hospital kung saan dinala si Ara. Kailangan niyang paimbestigahan iyon kung talagang si Ara nga ang babaeng nagligtas sa anak niyang si Bea. Para sa kanya, hindi gano'n ang pagkakakilala niya kay Ara, liban na lang kung talagang nagbago na talaga ito. Napahilot sa sariling se

