Tahimik kaming nakikinig sa prof namin sa microbiology dahil baka raw pumunta rito ang visitor ng university.
“Pat, gising baka makita ka ni Ms. Flores” nagising ito at sumimangot sa akin.
“Anong oras ka ba kasing natulog kagabi?” takang tanong ko.
“3:00 am na ako natulog, pagkagaling ko kasi sa duty nagreview na ako agad sa quiz natin sa maternal care” saad niya.
“Sabagay, ang dami naman nung magpaquiz kaya marami rin tayong need ire ireview” sabi ni Megan na nilalaro ang ballpen nito.
“Good morning” umayos na lang kami ng upo dahil pumunta ang dean ng aming department.
“Good morning po” sabay naming bati.
“I want to meet our acting President of this University” pumasok na ang isang lalaking pamilyar ang mukha pero nung naalala ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil ito yung crush ni Xiara at ang naencounter ko nung pauwi na ako sa bahay.
“This is Frank Xieron Caballero, he graduated last year in a Business Management course and he is trained to become a CEO of Techno Institute Inc.” napamangha naman ang iba. Paano di mamangha ang pagkakaalam ko ay summa c*m laude siya at topnotcher pa sa CPA Licensure Exam at anak pa ng isa sa mga pinakamayaman na tao sa buong mundo.
“Ang gwapo niya friend” tumingin ako kay Pat na nastarstruck sa kagwapuhan taglay ni Sir Xieron.
“Tigil-tigilan mo nga yan wag kang tutulad dito oh” tinuro niya ako at bigla akong sumimangot.
“Ang sama ng ugali mo pinipigilan ko na ngang di magkagusto sa lalaki” sabi ko.
“Sus! Wag kami Abi tingnan natin wala pang isang linggong nasaktan ka may crush ka na naman na bago” inirapan ko lang siya at pinagsabihan na wag maingay baka mapagalitan kami ni Ms. Flores.
“Parang may hinahanap si Sir Xieron?” kumunot ang noo ni Megan.
“Sino naman yung hinahanap niya?”
“Ay! Abi nakatingin sayo si Sir Xieron” kumunot ang noo ko at nanlaki ang mata ko na nakatingin siya sa akin. Mukhang ako yung hinahanap niya di ko alam kung bakit niya ako hinahanap. Umiwas na lang ako ng tingin dahil naiilang ako.
“Bakit kaya hinahanap kaniya at nakatingin talaga sayo?” kumibit balikat ako.
“Manahimik na lang kayo dyan” binuksan ko muli ang iPad ko at binasa ang lesson na tinakle namin ngayong araw.
“Kapag nakakasalubong niyo siya please greet him okay” sumagot naman kami. Umalis na sila at ramdam ko pa rin na di pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin.
“Di pa rin niya inaalis yung tingin niya sayo ah” umiwas na lang ako ng tingin at nagsulat na lang ng mga importanteng notes sa notebook ko.
“Mam napakagwapo niya” kinikilig naman nilang sabi.
“Gwapo rin kasi yung tatay nung ganitong edad pa lang siya noo” tinutukoy ni Mam ay kasing age namin ngayon.
“Kilala niyo po siya?” tumango si Mam.
“Varsity ng basketball si Mr. Franklin dati and ganyan din siya kagwapo noon” talagang di na kami nakapag klase dahil naging interes sila doon sa mag-amang Caballero.
***
“Grabe parang malulusaw ka sa kakatitig niya sayo kanina” tinutukoy niya pa rin ang pagtitig ni Sir Xieron sa akin kanina. Humigop na lang ako ng Iced Coffee na binili ko kanina.
“Sino ba yung tinutukoy mo?” Tanong ni Winslet. Iniintay lang namin dumating si Xiara dahil nagquiz pa raw sila.
“Si Sir Xieron yung acting president ng university. Nagulat nga lang kami kanina na nakakatitig siya sa kanya” bida ni Patricia.
“He’s making a move huh?” mahinang sabi niya. Kumunot ang noo namin sa sinabi niya.
“Huh ano yun sinasabi mo?” tanong nila
“Wala malay natin nagagandahan siya sa kanya” biro niya.
“Sus wag mo akong bolahin Winslet wala akong barya” sumimangot naman ang magandang dilag.
“Narinig namin yung tuksuhan niyo sa labas pa lang” lumingon kami at mukhang kakarating lang ni Xiara.
“Pumunta rin ba sa inyo yung visitor?” tumango kami.
“Gwapong-gwapo nga yung mga kaklase namin at eto pa si Sir Xieron nahuli namin nakatingin kay Abi dahil kanina parang hinahap siya tapos nung nakita niya si Abi di na naalis yung titig sa kanya” kwento pa niya. Kinurot ko siya sa tagiliran dahil ayokong malaman ni Xiara na naecounter ko siya last time.
“Bakit ba?’ hinimas niya ang tagiliran niya na kinurot ko.
“Type ka ata ni Xieron mhie” sumimangot naman ako at kinakabahan kong tingnan si Xiara dahil di ko alam kung ano ang reaction niya sa nangyari.
“Tss! Umiral na naman ang pagiging mahilig sa gwapo” sumimangot naman ako sa sinabi ni Xiara.
“Baliw! Sadyang lapitin talaga ako ng mga gwapo” binatukan lang niya ako.
“At saka ngayon lang ako nakita nun type na agad” tinapik ko ang kamay ni Xiara dahil kinukuha niya ang pagkain ko.
“Bumili ka ng iyo” saway ko. Tumayo lang ito.
“Pabantay ako ng bag” kinuha ko ang bag niya at binuksan ito.
“Pengeng candy” paghingi ko.
“Nasa baba lang” binuksan ko ang bag niya at kumunot ang noo ko dahil may nakapa akong parang baunan.
“Ano ito?” kinuha niya bigla ang bag niya.
“Wala for entrep lang yan” nilapag niya sa gilid ang bag niya” tinitigan ko pa rin ang bag. Feeling ko di yun para sa entrep niya parang may tinatago siya.
Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko sina Tita Maris at Tito Kyron na naglalampungan sa sala.
“Ehem!” Tumikhim ako at tumigil naman sila.
“Kakarating mo lang ba?” tumang ako.
“Ikaw Tito ang aga naman ng uwi mo?” tanong ko
“I will continue my work here dahil di ako kampante ng mag-isa rito si Maris” tumango na lang ako at umupo sa isa pang sofa.
“Wala pa po ba si Xiara?” umiling sila.
“Saan ba nagpupunta yun?” takang ko.
“Mukhang alam ko na” ngumisi si Tito Kyron.
“Anong alam mo?” tanong sa kanya ni Tita.
“Well kuya decided na iarrange marriage sila nung anak ng mga Guamez” nanlaki ang mata ko dun sa sinabi ni Tito.
“Ano po? Yung ba si Jarred Guamez po?” tumango sila.
“Bakit mo kilala Abi? Siya ba ang pinag-uusapan niyo nung umuwi kayo rito?” tumango ako.
“Yes po Tito pero wala pong nangyari sa kanila ni Xiara aksidente lang po niya nahalikan si Jarred Guamez nung nag bar hopping po kami” paliwanag ko.
“Mukhang tinamaan yung anak ni Mr. Guamez dun kay Xiara ah” narinig lamang kami ng tunog ng sasakyan at sumilip kami.
“Mukhang nandyan na po si Xiara” umupo lang ako at iniintay na bumukas ang pintuan. Ngumisi lang ako dahil sa naisip ko.
“Bakit kayo nakangisi?” nakita niya kami na nakangisi.
“Napikot ka ba ng anak ni Mr. Guamez” sumimangot naman si Xiara.
“Ewan ko simula nung kasi na may pinayagan ako na may manligaw sa akin biglang tumawag si daddy tapos niya na kailangan kong pumunta sa Five Star Hotel dun sa may restaurant tapos bigla-bigla nilang sinabi na ipapakasal nila ako dun sa anak niya pero nung nakita ko yung anak nila. Abi! Yun yung naaksidente kong nakahalikan nung nagbar hopping tayo” bigla itong umiyak.
“At least mayaman at gwapo yung mapapangasawa mo” biro ko.
“Ayoko pang magpakasal! Di ko gusto ng ganitong pangyayari!” napailing na lang si Tito sa nangyari.
“Bakit ka naman kasi nakipaghalikan dun sa taong iyon kaya yan nabaliw sayo at gusto ka nang maitali ka sa kanya” mas lalo pa itong nagwala at hinampas siya ni Tita dahil sa pang-aasar niya. Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa kaingayan ni Xiara.