(Continue of prologue)
“Uy! Baks bakit tulala ka dyan?” nagulat ako dahil biglang nagsalita si Xiara.
“Wala naman” palusot ko.
“Iniisip mo pa rin yun noh?” umiling ako.
“Nangako ako sa sarili ko na di muna ako mainlove sa guy kailangan kong makabawi sa mga acads ko” saad ko.
“Mabuti naman kailangan pa ata kita sampalin para magising ka ng tuluyan eh” sumimangot naman ako. Kumunot ang noo niya dahil sa nabasa niya ata.
“May visitor daw tayo sa monday” napalingon ako sa kanya.
“Sino?” tanong ko.
“Ewan, basta na lang daw susulpot yun sabi ng dalawang baliw” tinutukoy niya siguro ang dalawa niyang kaibigan.
“Ano yun kabute?” biro ko.
“Parang ganun” tumawa kami ng malakas. Natigil lang kami dahil sa doorbell.
“May parcel ka bang dumating?” Umiling ako.
“Di muna ako umorder wala akong maisip” sagot ko.
“Sige ako na magbubukas” tiningnan ko muna si Xiara na lumabas at kinuha ko ang cellphone niya saka hinalungkat ang messenger nito at may nakita akong isang gc na buong pangkalahatan ng business management course. Hinanap ko ang name nung guy at sa wakas ay nakita ko na rin. Pinicturan ko lang at binalik na sa dati yung cellphone niya. Di naman masamang mangstalk ng account sa social media pero di naman ako gagawa ng ikakapahamak ko.
Bumukas ang pintuan at nagulat na lang ako na si Tita Maris pala ang bisita namin.
“Tita anong ginagawa niyo rito?” takang tanong ko.
“Di ba pwedeng bisitahin ang pamangkin ko” tumaas ang kilay nito at umiling naman ako.
“Alam ba ni Tito na nandito ka?” umiling naman siya.
“Tss! Panigurado magwawala yun dahil nawala ka sa paningin niya” saad ko.
“Hayaan mo siya doon magpakayaman siya” tumayo lamang ito at pumunta sa kusina namin.
“Ano kaya ang hinahanap ni Tita?” kumibit balikat na lang ako.
“Wala ba kayong singkamas dito?” umiling kami.
“Tita, alam mo naman na madalang lang kami na pumunta sa palengke” sabi ni Xiara.
“Gusto ko kasing singkamas” napakamot na lang kami sa aming mga ulo at walang nagawa si Xiara kung di lumabas ng bahay at bumili ng isang bugkos ng singkamas.
“Gawin mo nang dalawa yan” sabi ko.
“Ako na lang magbabayad niyan. Bilisan mo na lang para di uminit ang ulo ng buntis” sabi ko.
“O siya sige” lumabas na ito at ako naman ay umupo sa tabi niya.
“Buti tinigilan na po kayo nung mayor ng San Del Monte” sabi ko.
“Di ko rin masasabi Abi dahil simula nung lumipat ng bahay at nagleave ako sa trabaho ay di na daw nagpapadala ng kung ano-ano yung mayor na yun” kwento niya.
“Kaya nga nung nalaman ng Tito mo na buntis ako ay hinigpitan pa niya ng securities sa subdivision at lagi akong may bantay na bodyguard. Buti na lang alam ko ang byahe papunta rito” saad niya.
“Bumiyahe po kayo ng mag-isa?” gulat kong tanong.
“Oo pero ligtas naman ako nakarating rito kaya wag kang mag-alala. Nasan na ba si Xiara?” talagang hinahanap niya talaga ang singkamas. Wala pa silang half a year na magkarelasyon ay buntis na si Tita. Ang tindi pala ng sperm ni Tito isang putok buntis pero di naman ako inosente para sa mga ganyan panigurado gabi-gabi nilang ginagawa yun at si Tita naman ay marupok dahil mabilis bumigay kaya ang ending buntis ang anteh niyo.
“Buti na lang nauna ako dun sa bilihan ng singkamas kung di mauubusan tayo at hirap na naman ako hanapan yun” kinuha ko na ang singkamas at hinugasan ko na ito at saka binalatan.
“Ano yung ipangsawsaw mo doon Tita bagoong” pumunta na ako sa sala at inilapag ang singkamas.
“Bawal kay Tita yun alam mo naman buntis” angil ko.
“Sorry naman” tinapik ko ang kamay nito.
“Bakit?” Napanguso na tanong nito.
“Bawal kunin yung pagkain ng buntis magseselan yan” saad ko.
“Nursing Student ka naniniwala ka sa mga ganyan?”
“Oo naman noh” saad ko.
“Oo nga pala Tita kung sakali man na sumunod dito si Tito ay kailangan namin siyang kausapin dahil dito ka muna para di ka matunton nung Mayor” saad ko.
“Speaking of mukhang nandito na nga siya” lumabas naman si Xiara at nagulat na lang ajo dahil sa lakas ng pagbukas ng pintuan.
“Tito, dahan-dahan ka naman magbukas ng pintuan” saway niya.
“You make me worried Maris bakit ba bigla kang umalis ng bahay na di mo kasama yung bodyguard mo. Paano kung mapahamak ka?” sermon niya sa Tita ko.
"Lagi kang wala sa bahay tapos ayaw mo naman ako payagan na lumabas at pumunta sa kompanya" maktol niya.
"Ayaw lang kita mapahamak dahil alam ko di ka titigilan nung Mayor na yun hangga't di ka niya nakukuha" dugtong ng sermon niya.
"Ang sabihin mo ayaw mo akong kasama, ayaw mo akong payagan na ipasyal mo ako" malapit na ng umiyak si Tita at hinawakan ko ang balikat ni Tito.
"Tito, intindihin mo na lang siya ganyan talaga kapag buntis" saad ko.
"Sundin mo na lang yung gusto niya Tito Kyron" dugtong na sabi ni Xiara. Pero kinalabit ko si Xiara na lumabas muna.
“Mag-usap muna po kayo Tita mamaya ko na rin po kakausapin si Tito and please usap lang ah walang hihigit dun nakakahiya pa naman sa kapitbahay namin” paalala ko.
“Ano bang pinagsasabi mo” kunot noo niyang tanong.
"Wala lang po sinabi ko lang po yun” uminit naman ang mukha niya at walang sabi na binato niya ako nang unan buti nakailag ako.
“Baliw ka! Buniwisit mo naman yung buntis” tumawa na lang ako.
“Kuha ka ng juice sa ref” tumayo naman ito at ako ay nakasandal ang katawan ko sa upuan. Bigla akong may naalala kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang name niya.
“Xieron Gutierrez Caballero, 10M followers sa f*******:” pumunta akong muli sa IG nito.
“@frankie 15M followers siya sa i********:. Sana ol” nararamdaman ko na lang na nilapag ni Xiara ang juice at tinapay.
“Hmm… Sino yan?” tinago ko ang cellphone ko at kumuha ng juice saka uminom.
“Wala ahmm friend ko sa bulacan” palusot ko.
“Okay sabi mo eh” umupo naman siya sa tapat ko at kumain na rin kami.