Chapter 15

1023 Words
Napalumbaba ako sa lamesa habang gumagawa ng assignment ko sa Nutri Lec. Napansin naman ni Xiara ang pagiging tulala ko at umupo siya sa tapat ko habang umiinom ng tubig. “Kanina ka pa nakatulala diyan wala ka pang nasisimulan sa paggawa mo ng assignment” sermon niya. “May iniisip lang ako” saad ko. “Sino naman? Yung crush mo? Hanggang ngayon pa rin ba may gusto ka pa rin dun?” tumayo siya at binalik ang tubig sa ref namin. “Hanggang wala pa akong nababalitaan na may girlfriend siya di pa rin ako titigil sa paghanga sa kanya unless….” “Na ano?” “Makikibalita ako ganun” saad ko. “Makikichismis ka?” sinamaan ko naman ng tingin si Xiara. “Marites ba ako para makichismis?” Nakataas kong tanong. “Anong tawag sa makikibalita edi same lang ang tawag dun” inirapan ko lang siya at itinuon ko na ang sarili ko sa paggawa ng assignment. “Gumawa ka na nga ng assignment mo sumbong kita kay Tita Maris para mapagalitan ka” panakot niya. “Baka gusto mo rin na maisumbong kita sa parents mo dahil tumatanggap ka ng flowers at food sa isang stranger” panakot ko rin sa kanya. “At least pinakikinabangan mo naman yung pagkain” saad niya. “Tss! Nakakatipid naman kasi tayo” sabi ko. “Pero alam mo nagtataka nga ako kung sino lagi nagpapadala sayo ng mga food or flowers sa bahay or sa school natin” nagtataka kong sabi. “Ewan ko, kung may manliligaw naman sa akin direct naman nila ibibigay ito pero eto kasi hindi lagi kong naabutan sa guard lagi iniiwan” saad niya. “Di kaya yung nagtext sayo ang nagpapadala ng mga yan” turo ko sa bulaklak na nakalagay sa vase na binili namin nung isang araw habang namimili ako ng gamit sa duty ko sa hospital. “Oo nga noh! Kasi siya lang naman yung weirdo na nagtetext sa akin” sabi niya. “Pero kung siya yun bakit patago siyang magbigay ng mga flowers or food sayo?” takang tanong ko. “Di ko alam” pumanhik na siya sa taas at ako ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. *** “Nakita ko sina Meanne sa cafeteria kasama yung kabarkada nila Dave” binaba ko ang iniinom kong tubig at saka ako yumuko. “Pero di ko alam kung ano talaga yung koneksyon ng dalawang grupo kasi feeling ko naman na magkakaibigan sila” sabi niya na pinapagaan lang niya ang loob ko. Pero may biglang ako naisip at di ko alam kung tama ang gagawin ko “Aamin na ako sa nararamdaman ko para sa kanya” nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. “Ano?/What?” sabay nilang sabi. “Nasisiraan ka na ba? Sa tingin mo ba di ka masasaktan sa gagawin mo?” Pangaral niya. “Alam ko naman” nakayuko kong sabi. “Alam mo naman pala Abi wag ka naman magpakatanga. Magpokus ka muna sa pag-aaral mo alam mo ba bumaba yung quiz mo last time dahil sa kakaisip mo yan tungkol kay Dave. Gusto mo imparating namin kay Xiara yung pinaggagawa mo?” Umiling ako. “Please wag niyo naman banggitin kay Xiara oh isusumbong niya kasi ako kay Tita” pakiusap ko. “Kung ayaw mong sabihin namin itigil mo yan kahibangan mo” tumayo si Megan at sumunod naman si Pat. “Puntahan ko muna siya gusto ka lang niya na magpokus ka sa pag-aaral mo kaya siya nagagalit sayo” tumango na lang ako at umalis na rin siya. “Megan sorry na” lumapit na ako ng kusa sa kanya kaysa naman sa nakikiramdam lang kami at pataasan lang ng pride. Nagpasalamat din ako dahil di niya ako isinumbong kay Xiara. “Di naman ako galit sayo naiinis lang ako dahil sa biglang-bigla mong desisyon” saad niya. “Alam ko naman na di ako nag-iisip dahil lang gusto ko nang umamin kaya nga ako nagsosorry sayo” malungkot kong sabi. “Hayss! Dapat galit pa rin ako sayo pero dahil ikaw lang ang truly friend ko dito kasama si Patricia kaya papatawarin na kita pero libre mo ako ng Frappuccino and donuts” saad niya. “Yun lang pala” niyakap niya ako ng mahigpit. “Next time ah wag magdesisyon kung malaman mo na may girlfriend na siya at nasaktan ka umiyak ka lang mawawala rin yang sakit na nararamdaman mo basta nandito lang kaming mga kaibigan mo laging nasa tabi mo at dadamayan ka” advice niya sa akin. Tumango naman ako. *** Were in the middle of our duty ng nagbreak time muna kami syempre ang aming pagkain ay chismis sa pangunguna ni Izy. “OMG! Kayo na?” Kumunot ang noo ko sa tanong ni Izy kay Meanne. “Grabe ang chismosa mo” saway niya. “Sus wallpaper mo kasi siya” nagulat na lang ako ng kinuha niya yung phone ni Meanne. “Uy Izy ibalik mo nga yung phone ko” inis na tugon ni Meanne. “Titingnan ko lang saka ipapakita na rin” akmang kukunin na ni Meanne ang phone niya ay ipinakita na ni Izy ang phone nito “Mam wallpaper niya nga si Dave” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Izy at nakita ko nga na si Dave ang nasa wallpaper niya. “Kailan pa naging kayo?” tanong nito. “Matagal na” matipid niyang tugon. “Kailan?” “6 months na kami” nagsitilian na ang mga kaklase ko at sinuway sila ng aming Clinical Instructor. “Shh! Quiet baka marinig kayo ng head nurse at mapagalitan tayo” saway ni Mam. “Excuse me muna magrest room lang ako” paalam ko. “Okay sige mahaba pa naman yung break time niyo” tumango na lang ako at lumabas na sa room. Dali-dali naman akong pumasok sa banyo. ‘Bakit ang malas-malas ko pagdating sa love? bakit yung nagugustuhan ko nagkakaroon na ng girlfriend? Bakit ba kasi ako nagkacrush sa mga gwapo na di naman ako sinasalo’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD