“Bakit ang laki ng parcel mo?” bumungad sa akin si Xiara na may dalang malaking parcel.
“Ahh yan yung inorder kong online ng mga damit na reject from shein” sagot ko.
“Huh?” kinuha ko ang gunting sa ibabaw ng tv stand at saka ko ito binuksan.
“Wow! Puro shein ang tatak” tinumba ko ang kahon saka ko ito binuhos.
“Ang dami!” kinuha niya ang bawat plastic ng shein.
“Ilan piraso ito?” tanong niya.
“100 pieces yan almost 10,000 pesos” nanlaki ang mata niya.
“Uy! Gaga ka kapag nalaman ng Tita mo yan sesermonan ka nun” saad niya.
“Sabi naman ni Tito Kyron bilhin ko raw yung gusto ko” sabi ko.
“Naku kung alam mo lang”
“Na ano?” kunot noo kong tanong.
“Under si Tito kay Tita Maris” tumawa lang ako ng mahina.
“Bakit ka natatawa?” takang tanong niya.
“Matagal ko nang alam nung di pa sila in a relationship” sabi ko.
“Pssh! Kaya naman pala” kinuha ko ang bawat plastic at binuksan ko ito.
“Mamili ka na dyan ng mga damit na gusto mo. Di ko naman masusuot lahat” sabi ko.
“Uy! Salamat” ngumiti naman ako sa kanya at binuksan ko pa yung iba. Binibigyan din niya ako ng mga damit dahil di naman daw niya nagagamit at nasusuot. Bagong dating lang din ako noon sa buhay nila kaya laking pasasalamat ko na nagkaroon ako ng mabait na pinsan kagaya ni Xiara.
“Yung iba gift ko na lang sa birthday nila Megan at Patricia” sabi ko at kinalkal ang mga damit na di pa nabubuksan.
“Eto bagay ito kay Winslet” pinakita niya sa akin ang isang croptop na diretso pants na parang may hiwa sa tiyan.
“Sa tingin mo kaya nagsusuot siya ng mga ganyan?” sagot ko.
“Yun lang ang di ko alam kasi feeling ko yung mga damit niya ay mamahalin” sabi niya.
“Sabagay try na lang natin kapag malapit na yung birthday ni Winslet try natin na bigyan siya as gift” saad niya.
“Bakit may swimsuit dito?” pinakita niya sa akin ang swimsuit at masasabi ko na kita ang kaluluwa nito kapag may nagsuot niyan.
“Akin na yan may pagbibigyan ako dyan” binalik ko sa plastic ang swimsuit.
“Kanino naman?” ngumiti lang ako at saka ko kinuha ang mga damit na napili ko. Syempre nilagay ko sa isang kahon dahil andun ang mga iba pang swimsuit na nakita ko sa ilalim ng kahon.
‘Ibibigay ko sa inyo as freebies sa gift na ibibigay ko sa inyo sa mga birthday niyo’ ngumisi naman ako ng palihim.
“Oh siya iakyat ko muna ito” kumunot naman ang noo ni Xiara.
“Kaya mo ba?” tumango ako.
“Magaan naman siya” sabi ko.
“Okay ikaw bahala” pinagpatuloy pa niya ang paghahalungkat ng damit at ako naman ay inakyat ko na ang kahon papasok sa kwarto ko.
***
“Kamusta yung case study niyo sa isang family?” tanong ni Megan.
“Eto stress kaming lahat dahil nagmigrate na pala yung pamilyang napili namim kaya another hanap na naman ng source dun sa pangalawang choice namin” sabi ko.
“Buti di pa kayo nagstart na gumawa?” sabi naman ni Patricia.
“Di naman kaya nga di pumasok yung dalawa kong kagrupo eh para puntahan lang yung pamilya dun sa malapit sa labasan” sagot ko. Umayos lang ako ng upo nang lumapit sa akin si Meanne.
“Kamusta yung napuntahan nila?” tanong niya.
“Iniintay lang daw dumating yung padre de pamilya nila” saad ko.
“Ganun ba anong oras naman sila makakauwi?” tanong pa niya muli.
“Mga around 12:00 pm nandito na rin sila” sagot kong muli.
“Okay sige pwede na natin maumpisahan para di na masyadong marami yung gagawin natin sa another rotate ng duty” tumango na lang ako. Next week kasi is magduty na rin kami sa hospital.
‘Makikita ko na rin si Dave sa wakas’ di ko rin siya nakita dahil nasa Barangay Mangahan sila nakaassign.
“Ay girl si Dave oh” di ako lumingon dahil baka nagbibiro lang ito pero nung tinulak ni Megan ang ulo ko at totoo nga si Dave nga ay nandito sa klase namin.
“OMG! Andito siya” kilig kong sabi.
“Hey! Baka maihi ka niyan” sinamaan ko ng tingin si Megan.
“Ay barkada niya pala sina Oscar” umupo siya sa tabi ni Oscar. May narinig naman akong kuntyawan at nanggagaling iyon kina Meanne.
“Hmm… mukhang isa sa kanila ay may gusto kay Dave” sinundot niya ang tagiliran ko at ngumuso naman ako sa kanya.
“Wag mo na nga asarin” saway ni Patricia.
“Oo na hindi na” umayos naman siya ng upo at ako naman ay kinakabahan dahil baka totoo nga na may dahilan ang pagpunta ni Dave dito sa room namin.
“Pare, mauuna na ako dumating na yung prof namin eh” paalam ni Dave kina Oscar.
“Sige pare kita na lang tayo sa cafeteria aayain ko na rin sila” kumunot ang noo ko kung sino ang tinutukoy nila.
“Mamaya ka nang kumunot ang noo nandito na si Ms Madrigal” umayos na ako ng upo at nilabas na ang iPad ko.
“Bakit kanina pa ito nakatulala?” tanong ni Xiara kina Megan at Patricia. Nandito kami sa coffee shop ni Winslet. Wala siya ngayon dahil nasa library ito at tinatapos ang project na pinapagawa sa kanila.
“Iniisip niya pa rin yung kanina” saad niya.
“Anong nangyari kanina?” tanong niya.
“Kasi pumunta yung crush niya si Dave sa room namin akala niya nung una ay pinuntahan lang niya yung kabarkada niya na si Oscar pero nung nagpaalam na ay may nabanggit si Oscar na “aayain ko na rin sila” ayun iniisip niya pa rin kung sino yung kasama pa nila eh sila-sila lang naman yung magkakasama eh” kwento ni Megan. Bumuntong ako ng hininga at sumipsip ng Iced coffee.
“Sinasabi ko naman sayo tigilan mo na yung guy na yun baka kasi masaktan ka na naman” kumain na lang ako ng donut at nakasimangot pa rin ako.
“Pssh! Wala naman akong nababalitaan may girlfriend siya” sabi ko. Napasapo na lang sila sa noo.
“At saka malay niyo may iba pa siyang friend bukod sa kanila” dugtong ko pa.
“Ewan ko sayo masyado kang tanga di naman sa lahat ay kaibigan na nung guy malay natin may pinopormahan na yung di lang talaga sinasabi di ba sabi niyo tahimik siyang tao kaya ganun” sinamaan ko ng tingin si Xiara dahil sa pagiging pasmado ang bibig nito.
“Kapag may girlfriend na siya titigilan mo na yung pagpapantasya mo sa kanya?” Yumuko lang ako.
“Di ko alam” tumayo muna ako at nagpaalam muna sa kanila na magrestroom lang ako. Pagkapasok ko sa restroom ay tumingin lamang ako sa salamin at pinunas ko ang bibig ko.
‘Kailangan kong alamin kung totoo man na may nililigawan siyang iba kapag nalaman ko ang totoo ay titigilan ko na ang imahinasyon ko na magiging kami pa ni Dave’