“Kayo na ang kumatok” nagsiksikan sila sa isang gilid at ako naman ay nakabusangot dahil sa kakulitan nila. Di ko alam na may kakulitan na taglay itong si Meanne ang bagong kaibigan nila Jillian. Kwento niya sa akin na sadyang ganun lang talaga sila pero isa lang talaga ang masyadong mean ay si Clarissa.
“Ano ba naman kayo nakakahiya baka kung ano isipin ng mga tao rito” saway ng kaklase ko sa mga kagrupo namin.
“Ikaw na lang kaya Abi, ikaw naman ang leader namin” wala na akong magawa kung di gawin ang pinapagawa sa amin kahit may kakahiyan akong taglay.
“Tao po” kumatok muna ako sa gate nila saka tumawag.
“Tao po!” sigaw ko baka kasi di nila ako marinig.
“Sino yan” lumabas ang isang ginang at ngumiti ako sa kanya.
“Pumwesto na kayo” pumunta naman sila sa likod ko.
“Magandang umaga po kami po ay student nurse po mula sa UP Diliman po” pagpapakilala ko.
“Naatasan po kami na maginterview sa inyo. Kung okay lang po ba sa inyo?” Paghingi ko ng permiso. Kailangan namin yun baka may magreklamo sa amin ang mga tao rito dahil sa attitude namin pero masasabi ko na lang kina Pat at Megan ay good luck na lang sa kanila dahil may kasama sila ma-attitude.
“Nakakailan na ba tayo?” binilang ni Meanne ang mga list na nainterview namin.
“I think nasa 10 families na tayo” saad niya.
“Well marami pa tayong family na need mainterview” saad niya.
“Pero totoo ba may kahati tayo rito?” tumango ako.
“Masyado silang marami kaya hinati sa dalawang group yung lugar na ito. Yung sa iba natin kaklase 3 raw lalo na sa Barangay Mangahan” sagot ko.
“Di ba taga Barangay Masilang ka?” Tumango ako.
“Malayo ba yun?”
“Dadaan lang kayo ng mga dalawang barangay rito kung alam niyo yung Escoda St. may papasok doon at may time na sumorkat lang ako kasi iniiwasan namin ng pinsan ko yung mga tambay sa labasan” paliwanag ko.
“Paano yung mga kaklase natin doon?” pagalala nilang tanong.
“May kasama silang Barangay Tanod sabi doon sa gc. Alam naman kasi ng Kapitan doon na maraming tambay doon. May time nga na napapagsabihan kami na wag kaming lalabas na naka-short or revealing na damit para di kami mabastos ng mga tambay doon” paliwanag ko.
“Tara may nakikita akong tindahan doon di pa natin nainterview di ba?” Umiling ako.
“Okay magmeryenda muna tayo habang nagiinterview yung sa kanila” tumango naman sila at lumakad na kami.
“Magandang umaga po” bungad na bati ko.
“Ay kayo ba naatasan ni Kapitana na mainterview sa amin?” tumango ako.
“Mukhang alam nila” bulong ng kaklase ko.
“Baka napagsabihan din ng mga tanod dito” sagot ko.
“Ako na lang mainterview” presinta ng kaklase ko.
“Okay sige ako na rin ang magsusulat kayong dalawa pagkatapos niyo magmeryenda gawin niyo na yung dapat niyong gawin ah” tumango naman sila.
“Sige bibilhan ko na rin kayo ng meryenda” tumango naman sila.
“Pabili po ng 3 softdrinks po yung dalawa mamaya ko na lang po kukunin tapos po tatlong tinapay” kinuha ko ang mga tinapay at yung softdrinks. Iinom na lang ako ng maraming tubig para di sumakit yung tagiliran ko sa katakawan ko sa softdrinks.
“Kunin niyo na yung mga softdrinks niyo dun tapos eto yung tinapay” binigay ko na sa dalawa kong kaklase ang papel na hawak nila para magsukat ng bahay.
***
Nagulat ako dahil may binigay na papel ang mga kaklase ko na nakaassign sa Barangay Masilang.
“Ano ito?” takang tanong ko.
“Ikaw na lang magsagot niyan” sabi nila.
“Wala bang tao doon?” takang tanong ko.
“Wala daw eh umalis daw kanina” tumango na lang ako at kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Xiara.
“Nasan ka ba Xiara?” tanong ko. Sabi niya kasi ay halfday ito at wala silang prof sa hapon dahil may conference meeting about sa mga graduating students ng business management.
“Nandito ako ngayon sa padalahan kumuha ako ng pera natin na allowance. Kinuha ko na rin yung sayo na binigay ng Tita mo may dagdag nga eh mukhang pinadagdag ni Tito Kyron” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Magkano ba pinadala?” Takang tanong ko.
“I think nasa 50,000” nanlaki pa lalo ang mata ko dahil sa laki ng pinadala nila sa akin.
“Bakit ang laki?” takang tanong ko. Sinagutan ko na rin ang papel kahit gusto ko si Xiara na ang magsagot nito. Dahil wala sa bahay ang bruha kaya wala akong choice kung di sagutan ito.
“Nagchat sa akin si Tito ang sabi niya ay pangbili mo raw ng gamit kapag naghospital duty na raw kayo” sabi niya.
“Pero ang laki kasi eh” napakamot na lang ako sa ulo.
“Edi ihulog mo sa savings mo para kapag may gusto kang bilhin gamitan mo na lang ng savings card” tinawag na ako ng kaklase ko para maibigay na sa Barangay ang papel.
“Siya ikaw na ang bahala sa ulam” sagot ko.
“Okay sige” pinatay ko na ang tawag saka ko tinapos ang pinasasagutan nila sa akin.
“Mam, malapit lang po yung sa amin rito kaya po di na po ako babalik sa school ngayon” sagot ko tumango naman ang aming Clinical Instructor.
“Sige mag-ingat ka na lang” tumango ako at nagpaalam na sa kanila. Nagpaalam na rin ako kina Megan at Patricia sumakay na lang ako ng tricycle kaysa sa jeep dahil aabutin ako ng gabi rito sa kakahintay. Gusto ko na lang maglakad kaya lang nanakit na rin ang tuhod ko sa paglalakad kanina.
“Buti na lang nandito pa yung foot spa machine na ginagamit ko tuwing nagrelax ako kapag walang pasok” nilagyan niya ng warm water at naglagay ng kung anong ingredients para sa foot spa.
“Ilubog mo na yung paa mo” inilubog ko na ito at masasabi ko na ang sarap sa pakiramdam.
“Masarap noh?” tumango ako.
“Hmm.. parang nawawala yung pamamanhid at pananakit ng mga paa ko” sabi ko.
“Hihilutin ko na lang yung binti mo” saad niya.
“Anong kapalit?” tanong ko.
“Libre mo na lang ako sa coffee shop ni Winslet bukas” tumango na lang ako.
“Teka may tanong ako”
“Ano yun?”
“Bakit di na lang diniretso ni Tita Maris sa bangko yung allowance mo?” minulat ko ang mga mata ko.
“Kasi para di matrace ng nanay ko na may pera ako sa bangko. May situation kasi na di inaasahan na bigla na lang daw siya mapapaamin sa kanila kapag nasa gipitan na kaya nagpapadala na lang tru remittance” paliwanag ko.
“Advance pala mag-isip si Tita Maris noh?” tumango ako.
“Kahit nasa lagpas kalendaryo na siya ay keri pa rin niya makisabayan tulad na lang sa pagbabasa ng mga novel stories sa w*****d doon niya nakukuha yun kaya madali siyang makahanap ng paraan” paliwanag ko pa.
“Sabagay, masyado na rin advance mag-isip ang mga kabataan ngayon at nakukuha lang nila yung sa mga nababasa nila or trending sa social media” paliwanag niya.
“O siya ilapag mo muna yung mga paa mo sa basahan ilalabas ko lang ito” at saka ako sumandal sa sofa at pumikit dahil pagod na pagod ako ngayong araw.