Chapter 12

1021 Words
Napahawak ako bigla sa baba ko at nag-iisip kung paano namin kakapalan ang mukha para lang maginterview sa Barangay Masilang sa Quezon City. Di ko nga rin alam kung bakit ako pa yung ginawa nilang leader. Wala naman akong alam sa mga ganyan at masyado akong mahiyain kaya eto nag-iisip ako kung paano ko gagawin yun. “Akala ko ba sa City health office tayo maassign?” tanong nila. “Masyado tayong marami kung doon nila tayo ilalagay yung isang section na isang group lang ang pwede dun” sagot naman ng kaklase ko. “Swerte naman nila” maktol nito. “Well, we need nating kapalan ang mukha natin dahil sa tingin ko ay mga mahiyain tao tayo kahit yung leader natin ay mahiyain din” saad ng kaklase namin na sa tingin ko ay isa sa mga kasama ito ni Jillian. “Anong gagawin natin?” tanong nila. “Sundin na lang natin yung rules na binigay sa atin nung mismong prof natin” suggest ng kagrupo ko. “Sige, wala naman tayong choice kung di sundin sila” bumuntong kami ng hininga at nagsibalik na sa upuan. “Kamusta leader?” Sinamaan ko ng tingin si Megan. “Nakakastress” sumandal ako sa upuan. “Parehas naman kami may mga kasama kami na mayayaman at maarte” bulong niya. “Lahat naman” sabi ko. “Sabagay, experience naman natin ito” kinuha na lang ang cellphone nito at nagtingin ng messenger. “Kailan ba ako titigilan nito?” kumunot ang noo ko sa tanong nito. “Anong titigilan?” takang tanong ko. “Naalala mo ba yung barkada nung isa sa mga crush ni Xiara?” tumango ako. “Yung Jervy?” Mahina kong bulong. Tumango naman ito. “At bakit” bumuntong siya ng hininga. “After kasi nung encounter sa coffee shop nagulat na lang ako ay nagchat siya sa messenger nung una ay di ko pinansin baka nawrong send na pero nung sumunod na araw ay sunud-sunod na siyang nagchat sa akin. May time nga pinatitigil ko na siya baka malaman ng mga alipores ni Leila pero ayaw niyang magpapigil sabi pa niya ay matagal na silang hiwalay nung girlfriend niya dahil nasasakal na daw siya at ayaw niya na minanapula ang mga desisyon niya sa buhay” Kwento niya. “Eh bakit binabasa mo pa rin yung message niya sayo?” tumaas ang kilay ko sa kanya. “Tss! Kapag di ko siya nireplyan tatawagan niya ako syempre nakakadistorbo yun sa klase” sabi niya. “Dapat talaga sa likod na tayo dumaan” saad ko. “Ay tama yan baka makasalubong natin yung mga alipores ni Leila at gyerahin ka pa nun kapag nalaman nila na pinopormahan ka ni Jervy” bigla akong lumingon kay Pat. “May alam ka?” tumango ito. “Nabanggit lang din niya sa akin kanina. Nahuli ko kasing may kachat siya nung tiningnan ko ay si Jervy pala yung kachat niya. Pinaliwanag naman niya sa akin” kwento niya. “Wag niyo na lang lakasan yung boses niyo baka kasi may makarinig rito sa klase natin at isuplong kay Leila. Alam mo naman na ayaw ko ng gulo eh” pakiusap niya sa amin. “Sige pramis” inayos na lang namin ang mga gamit dahil malapit na maglunch. *** “Balita ko start na duty niyo bukas ah” tumango ako. “Oo kailangan namin magbaon ng kapapalan ng mukha para lang maayos namin yung pinapagawa sa amin” sabi ko. Kinuha ko na ang inorder namin ulam mula dun sa kapitbahay namin nagbabantay ng bahay namin simula nung umuwi kami ng Pampanga. “Saka nga pala, nakichismis ako dun sa kaibigan ng Tita Maris mo yung nasa Bulucan. Nagkwento siya tungkol sa nanay mo” lumingon ako kay Xiara. “Ano yung kinuwento niya?” Tanong ko. “Yung nanay mo naging labandera na tapos yung stepfather mo ayun nagiging tambay na sa kanto. Lagi raw nag-aaway yung dalawa dahil sa pera tapos yung maldita mong kapatid nakarma ayun buntis wala na daw sa bahay niyo pinalayas na daw nung tatay niya. Kalandi kasi inuuna muna yung landian kaysa sa pag-aaral. Buhay nga naman ayan nakarma sila sa ginawa nila sayo. Wish ko sana na wag ka nang guluhin ng nanay mo” umiling na lang ako sa kwento ni Xiara. “Hayaan mo sila buhay naman nila yan. Wala na rin akong pakialam sa kanila simula nagmulat ako puro pasakit na yung binigay nila sa akin. Sabagay, karma na talaga ang bahala sa kanila kaya dumating na rin sa kanila” kwento ko. “Tama ka dyan insan” simula na kaming kumain. “Siya nga pala nakausap ko na yung landscaper kanina bago ako umuwi” “Kailan mauumpisahan?” tanong ko. “Sa weekend na lang sabi ko para makita natin yung kakalabasan. Sinabi ko rin yung style ng bakuran” paliwanag niya. “May pasok ako ng sabado” bigla akong sumimangot. “Makikita mo rin naman yan eh sa pag-uwi” sabi niya. “Eh yung mga upuan?” tanong ko. “Uumpisahan na nilang gawin para daw sumakto sa weekend kapag dinala na rito sa bahay” kwento pa niya. “Okay sige sana naman maganda yung kakalabasan ah” sabi ko. “Oo pagkauwi mo nandun ako nakaupo at nakikichismis sa kapitbahay” tumawa na lang ako. “Baliw” saad ko. “Oo nga pala di ba yung pupuntahan niyo is Barangay Masilang?” tumango ako. “Eh yung mga kaklass ninyo?” “Dito yung iba pero sinabi ko naman sa kanila kung sakaling maspot yung bahay natin ay yung may-ari ay nasa Barangay Masilang at pagkatapos niyo intervie iyong mga Barangay ay ihuli niyo na ako at ako naman ang ininterview niyo” biglang biro ko. “Ano yung sugod kaklase ganun?” napakamot na lang ako sa ulo dahil di niya nagets yung sinabi ko. “Ang gulo mong kausap kumain ka na lang dyan” kumuha ako ng tubig at uminom. Mabubulunan pa ata ako sa taglay ng ka-common sense ni Xiara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD