Start na ng first semester namin as second year college at where here in the conference room for orientation ng magiging community duty namin next week.
“There are several barangay and health office near here in Quezon City and all of second year nursing students has been assigned of this area” tinuro nila ang aming assigned area kung saan kami magduduty.
“Your professor in RLE has announced it later” tumango kami. Pinagusapan na rin namin ang tungkol sa hospital duty namin pagkayari dun sa community duty sa barangay at health office.
“Masaya kaya dun magduty?” kumibit balikat ako sa tanong ni Megan. Buti na lang ay magkakaklase pa rin kami ni Megan at ni Patricia. Kaklase din namin ang top 1 sa klase na si Jillian. May sarili itong mundo kaya hinahayaan na lang namin siya. Wag lang sana biglang lihis ang landas nito dahil sa tingin ko pa lang sa mga bagong friends nito ay pala-absent at magpapakita tuwing may duty or exam.
“Wag naman sana mawala sa dean lister si Jillian” bulong niya.
“Sana nga” sabay namin sabi.
“Tara na punta na tayo sa coffee shop ni Winslet. Sabi niya kasi pumunta tayo doon at nandun daw sina Xiara” tumango ako at inaya ko na si Patricia.
“Kilala niyo yung may-ari ng coffee shop?” tumango kami.
“Friend namin siya” sagot niya.
“Saan silang gawi?” Tanong ko.
“Nasa malapit daw sila sa window” sumorkat na kami dahil marami na naman tao at di na naman kami makadaan. Mas dumami kasi ang mga freshman ngayon. Mayayaman nga sila dahil carry nilang kumain sa mga restaurant sa labas. Napapansin lang namin ni Xiara kapag galing kami sa school.
“Hello, everyone” bungad na sabi ni Megan nang pumasok na kami sa loob.
“I miss you Abi” niyakap ako ng mahigpit ni Winslet.
“Miss din kita” ngiti kong sagot.
“Syempre ako rin miss din kita” saad niya.
“Oh, new friend niyo?” tumango kami.
“Kaklase namin siya” sagot ko.
“She is Patricia” nilahad niya ang kamay ni Pat kay Winslet.
“I’m Winslet” nagshake hands naman sila.
“She is the owner of this cafè” pagpapakilala ko sa kanya.
“Hey” kaway ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Xiara.
“Bakit nakakunot ang noo mo?” tumingin sa akin si Xiara.
“Eh may nagtext sa akin eh” kinakabahan niyang sagot.
“Sino daw?” umiling siya.
“Patingin nga” binasa ko ang chat nito at nanlaki ang mata ko dahil sa katagang alam ko na isang french language ang ginamit nito.
‘mon amour’
Tumingin ako sa kanya at binigay ko ang cellphone nito.
“Kailan ka pa pinapadalhan ng messages?” takang tanong ko.
“Nung bumalik tayo rito sa Maynila nagstart na siyang magtext sa akin tapos feeling ko may nagmanman sa akin” bigla itong kinilabutan.
“Oy! Baka ito yung nasa Subic tayo?” umiling ito.
“Baliw, feeling ko full blooded american yun ginamit niya kasi is french language” depensa pa niya.
“Malay mo nga?” tanong ko.
“Di ko rin alam basta gusto kong mag-aral ng matiwasay” saad niya.
“Anong pinag-uusapan niyo?” umiling kami.
“Wala tungkol lang doon sa gagawin sa bahay” palusot ko pero totoo naman din. Balak namin magpalandscape ng bakuran at lagyan ng lamesa at upuan para may pagtambayan kami sa hapon.
“Bakit di niyo na lang magpalagay ng swimming pool sa likod ng bahay niyo?” suggestion ni Yam.
“Bestie walang space sa bahay namin” sagot niya habang ngumunguya ng cake na inorder niya.
“At isa pa walang maglilinis dun dahil mga busy rin kami” dugtong ko sa sinabi ni Xiara.
“It's true, need talaga mageveryday malinis yung swimming pool dahil kapag di siya nilinis everyday magkakaroon ng lumot” konyong sabi ni Winslet.
“Saka tama yung naiisip nila para naman may malanghap silang sariwang hangin kahit di natin alam kung maruming hangin ba or sariwang hangin” tumawa na lang kami sa banat nito tungkol sa air pollution dito sa Maynila.
“Ay sabagay, malapit doon yung patubig pero di naman umaamoy sa amin dun lang sa dulong gawi ng barangay” sabi ni Xiara.
“Ay pwede rin kayong makasagap ng chismis or nakitang nag-aaway sa inyo” pinalo naman siya ni Yam.
“Anong akala mo sa kanila chismosa or marites wag mo nga silang igaya sayo” angil ni Yam.
“At least di naman kalala katulad sayo halos buong university kinalat mo” binato niya pabalik ang sinabi ni Yam sa kanya.
“Tumigil na nga kayo nakakahiya oh” tiningnan namin ang mga tao at catch of attention nila yung dalawang nagbabangayan.
“Sorry po” nagpiece sign na lang ang dalawa at umiling na lang kami.
“Abi, papunta na daw yung prof natin sa Microbiology” tumango ako at tumayo na.
“Mauuna na kami ah may klase pa kasi kami” paalam ko.
“Tawag na lang ako sayo mamayang lunch” tumango ako at nagpaalam na sa kanila.
“Grabe di ko ineexpect na nakafriendly niya” ningitian namin si Patricia.
“Carry niya rin makipagbardagulan sa amin” sagot niya.
“Ay! Sana nga makita ulit natin siya” excited na sabi niya.
“Everyday tayo doon Pat she's a student here in UP dumadalaw lang siya kapag recess, lunch or kapag uuwi na” paliwanag ko.
“Sakto wala pa yung prof natin” pumasok na kami sa loob at naabutan namin sina Jillian ay nasa kinauupuan namin kanina.
“Hanap na lang tayo ng bakante” bulong ko. Tinuro ko ang harap saka kami dumiretso doon.
“Grabe sila parang pagmamay-ari nila yung upuan ah” kumibit balikat na lang kami at suminenyas na wag maingay.
“Hayaan mo na para iwas gulo” saway ko. Kinuha na lang namin yung ipad saka namin ito binuksan para basahin ang modules na binigay sa amin na saktong kakarating lang ng aming prof.
“Good morning class”
“Good morning Mam” sabay naming bati at nagsimula na ito sa pagtuturo.