Chapter 10

1175 Words
Sa nagdaang araw masasabi ko na sulit ang bakasyon namin ni Xiara dahil lahat ng activities sa dagat ay ginawa na namin. Nandito pa rin ako sa condo ni Tita at nagiimpake na ako ng gamit dahil sa lunes ay pasukan na namin. Tinatamad pa nga ako pumasok eh pero may orientation daw sa lunes dahil magstart na kaming magduty sa isang city health office at yung iba naman ay sa barangay. Magulo at di nagets nung iba kaya need talagang may orientation para mapagusapan yung plano at gagawin namin. “Nakahanda na ba yung gamit mo?” tumango ako. Sinundo pa kasi ni Tito Kyron si Xiara sa kanila. “Di ka ba talaga sasama Tita?” tanong ko. “Hindi nga ayokong iwanan yung trabaho ko at saka kung sakaling sasama ako sa kanya walang ibang gawin nun kung di landiin ako edi wala siyang natapos na trabaho at isa pa nandun yung kompanya niya” sagot niya. “Ayaw niyo po yun lagi niyong nakikita si Tito at nababantayan kung may lumalapit po sa kanyang babae” sabi ko inirapan lang ako ng tiyahin ko. “Ewan ko sayo Abi imbes pakialaman mo yung lovelife ko unahin mo muna yung pag-aaral mo” sermon niya. Ngumuso lang ako. “Tita, behave naman po ako doon kahit papaano” nagulat ako dahil may inabot siya sa akin na malaking paper bag. “Ano po ito Tita?” Sinisilip ko pa ito kung anong laman sa paper bag binuksan ko ito at kinuha ang laman. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ito. “Tita, mahal nito” sabi ko. Ang laman ng paper bag ay ipad na nasa kahon pa at loptop na Acer ang tatak. “Sayo talaga yan para di ka mahirapan sa pag-aaral mo” “Pero Tita sobra-sobra na po yung naitulong niyo” maluha-luha kong sabi. “Abi di ba sabi ko sayo di kita pababayaan lalo na't alam ko may pangarap ka sa buhay na gusto mong tuparin” tumango ako at niyakap siya. “Thank you po Tita sa lahat-lahat po na ginawa niyo sa akin” humarap ako kay Tita at pinahid niya ang mga luha. “Basta para sayo” ngumiti ako sa kanya. “Parang nanonood lang ako ng K-drama” lumingon kami at mukhang nandito na rin sila. “Sorry” pinunas ko ang mga luha ko sa pisngi. “Nakahanda na ba ang gamit mo Abi?” tumango ako. “Eto yung gamit niya” ako na ang nagbitbit ng paper bag para di mahirapan si Tito sa pagbubuhat. “Basta tawagan mo ako kapag nagkaproblema ka” tumango ako. “Tita sana sa pagbalik namin may pinsan na ako” “At pamangkin” tumawa na lang kami sa mga biro namin sa kanila. Ang tita ko naman ay pulang-pula ang mukha at gusto nang magpalamon sa sahig at si Tito Kyron naman ay ngumisi lang. “Ano ba naman kayong dalawa yan pa talaga ang naisip niyo” umiling na lang kami at sumakay na kami sa kotse ni Tito Kyron. Kausap pa ni Tito si Tita at naghalikan sila. Nagulat naman ako sa ginawa ni Xiara. “Pasintabi naman po sa mga single nasa loob maawa naman po kayo wag PDA” tumawa ako sa asal ni Xiara. “Inggit ka lang” inirapan na lang niya ang Tito niya. Kumuway na lang ako sa Tita ko at suminenyas ako na tatawagan ko na lang siya kapag nasa bahay na ako sa Maynila. “Tito may tanong lang ako?” biglang tanong ni Xiara. “Ano yun?” “May kilala ka bang Jarred Guamez?” napalunok ako dahil akala ko ay nakalimutan niya na yun nangyari sa kanya. “Yes, he is one of second billionaire in this world” nanlaki ang mata niya sa sinabi ng tito niya. “Are you serious, Tito?” tumango siya. “Yes, why are you asking?” tanong niya. “Nothing Tito” biglang iwas niya. Bumulong ako sa kanya. “Akala ko ba kakalimutan mo na yung ginawa mo?” suminenyas ito na wag akong maingay. “Nagtatanong lang naman ako eh” bigla itong ngumuso. “Pwede bang magstay muna ako sa inyo?” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tito. “Tito sa tingin mo ba malapit lang yung inuuwian namin kaysa sa company mo nasa Taguig” singhal ni Xiara. “At saka tito kapag nalaman pa yan ni Tita Maris baka di ka na nun paiskorin” siniko ko ang katabi ko dahil sa pagiging matabil ang dila. “Xiara konting preno naman may kasama kang inosente rito noh” saway ko. “Sus gagawin mo naman din yan” inirapan ko lang siya. “At kapag nalaman pa ng tita mo yan malalagot ka” napanguso ako dahil pinagtutulungan nila ako ng mag-tito. “Gusto mo sabihin natin sa kanya yung nangyari last-last week” nanlaki ang mata niya at walang awang hinila niya ang buhok ko. “Subukan mo sabihin ko na may crush ka na dun sa school” banta niya. “At least di katulad nung sayo” nagbardugalan lang kami hanggang sa napahawak na lang si Tito Kyron sa sintido dahil sa kunsimsyon niya sa amin. “Don't forget to call your Tita Maris” tumango ako at nagpaalam na kami may pahabilin pa ang bruha. “Tito wag sana kayong mahuli ni Tita na may babaeng higad sa office niyo” sinamaan naman siya ng tingin ni Tito. “Loyal ako kay Maris kaya di ko gagawin yun kahit maghubad sila sa harap ko sa kanya lang ako titigasan” nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. “Tito stop saying that nakakahiya!” kinilabutan ito sa sinabi ng Tito niya. “Mararanasan niyo rin yan magintay lang kayo” umirap lang siya. “Alis na Tito baka matraffic pa kayo niyan sa EDSA” kumuway ito sa amin at kami ay nagbuhat na ng mga maleta at pumasok na sa loob. “Ay buti naman may mabait tayong kapitbahay para makapaglinis ng bahay natin bago tayong bumalik” “Magkano binigay mo?” tanong niya. “150k” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Bakit ang laki naman?” tanong ko. “Dahil always niya nililinisan yung paligid plus nagbabantay sila ng bahay and nilinis nila yung loob ng bahay bago tayong bumalik. Tingnan mo yung binigay kong 150k ay ginawa nilang puhunan para makapagpatayo ng karindera at sari-sari store kahit maliit lang” kwento niya. “Doon na lang din tayo bumili ng hapunan at tanghalian kapag walang pasok. May time kasi na nakakatamad magluto di ba” tumango ako. “O siya iakyat ko muna itong gamit ko. Tawagan mo muna yung Tita mo baka bukas na bukas malalaman mo na nag-away sila dahil di pinaalala ni Tito na tawagan mo si Tita Maris” tumawa na lang ako at kinuha ko ang cellphone saka ko tinawagan si Tita Maris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD