Andito pa rin ako sa Pampanga at may balak kaming pumunta ng Zambales bago kami umuwi ng Maynila para sa nalalapit namin pasukan. Nagenroll na lang kami tru online kaysa pa pumunta pa kami sa UP dahil hussle at aksaya pamasahe or gasolina.
Nakabusangot ako ngayon dahil ngayon ko lang napansin na may pagkamalandi rin pala si Tito Kyron akala ko ay seryoso siya sa ibang tao pero kapag kaharap na si Tita Maris nagiging anghel ito.
“Hello, baka nakakalimutan niyo may kasama po kayong single at inosente sa bahay” tumigil naman ang landian time nila at tumingin sa akin.
“Ikaw kase eh” napataas na lang bigla ang kilay dahil mukhang nahawa na si Tita kay Tito Kyron. Kakasagot lang ni Tita si Tito Kyron di ko nga alam kung paano niya napasagot si Tito eh nagulat na lang ako dahil umamin na sila na nga.
“Siya nga pala Tita anong oras po ba tayo aalis mamaya?” tanong ko.
“Mga 11:00 am tayo aalis” tumango na lang ako.
“Saka nga pala Tita may dumating kaninang bulaklak para sayo daw” tiningnan ko ang reaksyon ni Tito Kyron kung paano ito magselos.
“Huh? Wala naman akong binibigay na address ah” kumibit balikat ako at pumunta ako sa pintuan dahil doon ko pinatong.
“Eto po oh” binigay ko kay Tita ang bulaklak at may kinuhang card sa loob ng flower.
“P-paano niya nalaman kung saan na ako nakatira?” kumunot ang noo ko.
“Sino yun Tita?” tanong ko.
“Naalala mo ba yung nasa Bulacan pa tayo yung lalaking laging pumupunta sa bahay?” Napaisip ako bigla at naalala ko bigla.
“Seryoso Tita? Kahit nasa malayo ka na di ka pa rin titigilan nun” saad ko.
“Who are you talking about?” biglang tanong ni Tito.
“May manliligaw si Tita nung nasa Bulacan pa kami noon nakatira. Isa siyang politiko pero…” bumulong ako.
“Kasing edad ng nanay ko” bulong ko.
“You mean malapit nang magsenior citizen” napasapo ako sa noo ko dahil sa pagiging pasmado ang bibig niya.
“Tita bakit niyo sinagot agad yan?” Nanlaki ang mata ni Tito Kyron sa tinanong ko sa Tita ko.
“Hey! That's foul di mo alam kung paano ko pinaghirapan yung pagtatanong sa kanya kung sinasagot na niya ako” tumaas naman ang kilay ko.
“Anong paraan naman ang ginawa niyo po para sagutin ka ni Tita?” natahimik naman siya at si Tita naman ay pulang-pula ang mukha. Siniper ko na lang ang bibig ko baka mabatukan ako ni Tita ng wala sa oras.
***
Nasa byahe na kami at si Tita ay nakatulog at ako naman ay gising dahil nanonood ako ng K-drama na kakatapos lang manood.
“I have a question for you?” napatigil ako sa pagscroll ko ng social media.
“Ano po yun?”
“Marami bang manliligaw yung Tita mo?” sumilip ako sa salamim at napansin ko ay tulog pa rin si Tita.
“Opo marami po siyang manliligaw at ni isa ay wala siyang sinagot” honest kong sagot.
“You mean ako palang ang manliligaw niya na sinagot niya?” tumango ako.
“Kaya nga po sabi ko sa inyo is simula nung tumakas ako sa nanay ko ay di na siya nagkajowa at focus siya sa akin” kwento ko.
“But, why didn't he know where she lives?” kumibit balikat ako dahil di ko rin alam.
“Baka may nakakita alam niyo naman may galamay yung pakalat-kalat kaya po hinihiling ko na sana ay protektahan niyo po siya” pakiusap ko.
“I will protect her no matter what” ngumiti ako kay Tito at tumingin na sa labas.
“Wow! Ang ganda ng place” napamangha kami dahil sobrang ganda niya talaga ng Subic Bay.
“Let's go na sa hotel para makapagpahinga na tayo” tumango na lang kami at sumunod sa kanila.
“Di kami pwedeng magsama ni Abi?” nagulat na tanong ni Tita Maris.
“Tita, wala pong kasama si Xiara kung magkasama pa po tayo at saka tipid na rin” palusot ko.
“Pero….” umangal na ako.
“Tita, okay lang po ako. Sige po mauuna na po kami” nagpaalam na ako sa kanila at iniwan ko na ang nakabusangot kong tita. Malaki na rin si Tita kaya wala na sa akin kaso na may nangyari sa kanila dahil nasa tamang edad naman sila.
“Si Tito Kyron ang nagpabook ng hotel sinadya niya talaga iyon para makasama si Tita Maris”
“Sabagay, marupok pa naman si Tita pagdating kay Tito Kyron” tumawa siya sa sinabi ko.
“Rip na lang sa kanya” tumingin kami at tumawa na lang kami”