Chapter 8

1169 Words
Bumusangot naman si Tita Maris dahil nasa bahay na naman si Tito Kyron para bisitahin siya at ako naman ay tuwang-tuwa dahil sinuhulan niya ako ng isang libro which is yung gusto kong libro na matagal ko nang gustong bilhin. “Sinuhulan mo ba yung pamangkin ko?” umiling siya. “Dumating yung parcel niya kaya ako na nagpresintang magdala sa inyo” palusot niya. Napanguso ako kay Tito dahil sa pagpapalusot pa. ‘Sa daming-dami palusot yun pa ang sinabi niya! Lagot na naman ako nito kay Tita’ “Kay Xiara ito sinabi ko lang po na hihiramin ko lang kasi ginamit niya yung account ko para makabili nito” palusot ko rin. Gumawa na lang ako ng paraan para di ako tuluyan mapagalitan ni Tita. “Buti naman at ayokong sinusuhalan ka nito” tinuro niya si Tito Kyron. “Tita kung susuhulan naman po ako ni Tito Kyron yung mapapakinabangan ko po” sabi ko. “Anong gusto mo ba?” Biglang tanong ni Tito Kyron. “House and Lot” biro ko. “Yun naman pala your wish is my command” sabay kumpas na kamay at yumuko tumawa naman ako. “Anong house and lot? Ikaw talaga Abi kung ano-ano lumalabas sa bibig mo” napakamot na lang ako sa buhok dahil sa sermon ni Tita. “Tita naman” napanguso na lang ako. “Tita anong ulam?” tanong ko. “Pork broccoli” tipid niyang sagot at bumalik na siya sa kusina. “Tito, sundan mo na” “Okay thanks Abi” ngumiti ako at tumango. Tinakip niya ang balikat sabay tayo at pumunta sa kusina at ako naman ay umakyat na sa taas para doon tumambay. Buti na lang ay soundproof ang mga kwarto rito. “Hello everyone” bumungad sa amin si Xiara suminenyas na lang ako na wag maingay dahil napansin niya ang pamumula ng mukha ni Tita ngumisi lang si Tito Kyron at sumipol na parang nakajockpot. ‘Nakascore kase’ “Anyway Tita, aayain ko na sana si Abi na gumala rito sa Pampanga. Alam ko po kasi na di pa niya kabisado yung lugar rito kaya po igagala ko siya rito” paalam niya. “Pwede naman na ako na lang kasama mo Abi” “Tita, busy po kayo sa trabaho malapit na lang yung pasukan namin di pa ako nakakagala sa iilang lugar rito sa Pampanga” pangangatwiran ko. “Sige na please pumayag na po kayo” huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. “Sige papayagan ko na kayo” nag-apir kami ni Xiara at si Tito Kyron naman ay ngumiti sa amin. Alam ko sa loob-loob nito ay makakascore na ng tuluyan siya kay Tita Maris. “Gusto kong sumama” sumama naman ang mga mukha namin at si Tito Kyron naman ay nawala ang ngiti nito at nagmaktol. “Baby, gala lang nila yun and napuntahan mo na rin naman ang lugar rito di ba?” Aangal pa sana si Tita pero nagpaalam na rin kami sa kanila at umalis na. “Grabe talaga yung tama ni Tito sa tita mo nakwento sa akin ni Mommy na ginawa na daw tambayan ni Tito yung kompanya para lang daw makita si Tita Maris” kumunot ang noo ko dahil sa tinawag niya sa Tita ko. “Bakit nakiki-tita ka na rin?” Tumaas ang kilay ko. “Well magiging mag-on naman sila ni Tito Kyron eh” sagot niya. “Paano ka naman makakasiguro?” tanong ko. “Ang mga Del Vega ay di basta-basta sumusuko pagdating sa minamahal nila. Nagiging tuso at possessive sila” kwento niya. Bigla kong naalala ang sinabi ni Tito Kyron sa akin. “Edi ikaw ganun din?” Umiling naman siya. “Siguro, pero kung mahal mo gagawin mo ang lahat para mapunta siya sayo” saad niya. “Eh yung labdilabs na kinukwento mo?” lumukot naman ang mukha niya. “Sorry pero di ko siya trip” tumawa na lang ako. “Di ba crush mo yun?” “Oo pero hanggang doon lang yun at isa pa masama ang ugali nun kawawa lang ako sa huli” nakababa na kami sa parking lot at sumakay na sa kotse niya. Dito lang siya pwedeng magdrive ng kotse doon kasi sa Manila bawal dahil delikado. *** “Andito na tayo” napawow ako dahil nakapunta na rin dito sa wakas. “Oh my god! Eto yung dream kong puntahan” lumanghap ako ng hangin at masasabi ko sobrang sarap. “Tara pasok na tayo” tumango ako at sumunod na sa kanya. “Laro tayo doon” tinuro ko siya sa baril-barilan para makakuha ng stuff toys pero sadyang di kami marunong ay wala kaming nakuha ni isa. “Ano ba yan!” napakamot na lang siya sa ulo niya. “Sakay na lang tayo ng rides” aya ko. “Okay sige try natin dun” pero parang gusto kong magsisi nung sumakay kami dahil nakakabaliktad ng sikmura. “Yan aya pa” hinihimas niya ang likod ko. “Sabi ko naman sayo last na yung ferris wheel na sasakyan natin ikaw naman gusto mo pang sumakay” napanguso na lang ako at inabot niya sa akin ang tubig at ininom ko ito. “Sorry naman” minumog ko muna saka ko rin ito niluwa. “Pahinga ka muna may nakita akong tambayan dun na masarap yung hangin” inalalayan niya ako papunta roon. “Hanggang deep kiss lang si Tito Kyron dahil nirerespeto niya pa rin si Tita Maris” kwento niya. “You mean iniintay niya lang si Tita na sagutin siya” tumango ito. “Kapag sinagot na siya ng Tita mo bubuntisin niya raw ito para wala na daw kawala” natawa siya sa sinabi niya. “Pero andun pa rin naman yung respeto niya sa kanya” dugtong pa niya. “Maigi na rin yun para maranasan na niya na magkaroon ng sariling anak” saad ko. “Pero kung magkaroon man sila ng sariling anak syempre di ka naman nila aalisin as part of family nila kung sakaling magiging sila” napangiti ako sa sinabi niya. “Biruin mo nung nalaman niya tungkol sa nangyari sayo dahil kinuwento mo mas lalo niyang minahal si Tita Maris dahil sa pagiging mabait na Tita at guardian nung tuluyan ka nang pinabayaan ng nanay mo” kwento niya. “Kaya nga sobrang swerte ko sa kanya na siya ang naging Tita ko kaya wish ko na sana maging masaya siya sa piling ni Tito Kyron at….” “Sana sagutin na niya si Tito Kyron” tumawa kami at humiga ako sa damuhan para pagmasdan yung kalangitan. “Saan mo pa gustong gumala?” tanong niya. “Bukas na lang di pa ako nakakarecover sa pagsusuka eh” tumawa na lang siya. “Okay dumaan muna tayo sa kakilala ko rito na may karinderya” tumango ako at tumayo na para sumunod sa kanya at makakain na rin kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD