Where here in Pampanga and vacation na namin. Pinagbilinan muna namin ang isa sa mga kapitbahay namin pero bago kami umalis ay naglinis at nagbayad kami ng kuryente at tubig. Kinausap na namin yung Meralco at Manila Water na kung pwede na bayaran na lang namin ang natitirang bill pagkabalik namin. Pumayag naman ang mga ito dahil kinausap na din sila ng daddy ni Xiara kaya wala na kaming dapat isipin pa.
Andito ako ngayon sa unit ni Tita Maris. In fairness lumelevel up na si Tita dati naka-apartment lang kami ngayon nakacondo unit na. Di na nga daw tumatawag yung nanay ko sa kanya dahil nagpalit na lang siya ng number at nakakausap lang niya si Ate Wena sa messenger.
“Kamusta naman yung pag-aaral mo sa Maynila pasensya na ah di ako makatawag sayo busy kasi ako sa trabaho eh” ngumiti lang ako.
“Okay lang po yun Tita” saad ko.
“Kamusta ka nga?” tanong niya.
“Okay lang po ako doon at marami po akong nagiging kaibigan doon” kaya lang lagi sila nasa cafeteria at di naman kami napipilit ng mga yun kasi alam nila na ayaw namin madamay sa gulo. Sabi nga nila next time daw ay sasama na sila sa amin kung saan kami bumibili ng meryenda. Panigurado dadami ang costumer ni Winslet dahil sa kanila.
“Kayo ni Xiara, kamusta naman?”
“Maayos naman po yung nga lang mas lamang yung asaran at bardagulan namin pagdating sa bahay” natatawa kong sabi. Sobrang close kami ni Xiara pagdating sa K-drama na pinapanood namin sa laptop niya or at cellphone.
“Kayo po Tita kamusta rin po kayo rito” hinanda na ni Tita ang lunch namin. Sunday ngayon at walang pasok sa opisina.
“Eto maayos naman ako rito kahit busy sa trabaho” kumuha na ako ng kanin at ulam.
“Tita, wala pa rin po ba kayong boyfriend ngayon?” nabilaukan naman siya at uminom ng tubig. Kumunot na lang ang noo ko.
“Ano ka ba naman Abi alam mo naman wala na akong panahon para dyan mas focus ako sa trabaho at sayo” saad niya.
“Ako naman po ang dahilan kung bakit wala pa po kayong boyfriend eh” sabi ko.
“Wag kang mag-alala kahit wala na ako sa kalendaryo ay may balak pa naman akong mag-asawa di nga lang sa ngayon” saad niya. Huminto lamang ako sa pagkain ng biglang nagdoor bell.
“Sino yun?”
“Baka po may parcel na dumating” sumingkit naman ang mata ni Tita. Nagsign piece na lang ako.
“Gusto ko po kasi maging aesthetic yung kwarto ko” tumayo na ako at pumunta na ako sa pintuan para pagbuksan. Akmang kukuha na ako ng pera sa cellphone ko dahil doon ko nailagay ay nanlaki ang mata ko na hindi pala ito deliver rider kung di isang bisita.
“Hello po sino po yung hinahanap niyo?” tanong ko.
“Is Maris there?” napalunok ako dahil sa malagun niyang boses.
“Yeah, she's here” ingles ko.
“Wait I just call her” tumalikod na sana ako pero nasa likod ko na pala si Tita.
“Ano naman ang ginagawa mo rito?” napatingin ako kay Tita dahil nagtagalog ito.
“Bakit bawal bang pumunta rito?” nanlaki ang mga mata ko dahil marunong pala itong managalog.
‘Shuta! Akala ko kano yung pala filipino pala siya. Nagpakahirap pa naman akong magingles’
“Ilang beses ko ba sasabihin sayo na tigilan mo na ako” angil ni Tita.
“May sinabi ba akong titigil at susuko ako sayo?” napalunok si Tita dun sa lalaking sinisigawan niya. Nagulat na lang ako nang may tumawag sa akin.
“Hello bakit?” tumawag si Xiara sa akin na di malaman ang dahilan.
“May pumunta ba sa inyo?” Sumilip ako at mukhang pumasok na ang bisita ni Tita.
“Oo, matangkad na lalaki at gwapo” nilayo ko ang cellphone ko dahil sa tili ni Xiara.
“Shuta ka! Ang sakit sa tenga” inis ko.
“Sorry kinikilig kasi ako sabi ko na nga ba dumadamoves na si Tito Kyron” bigla akong napatigil at napatingin sa bisita ni Tita na kakaupo lang sa sofa.
“Ibig mong sabihin Tito mo yung bisita ni Tita?”
“Tompak insan” sagot niya.
“Wait I call you later na lang dahil nasa mall ako ngayon” saad niya.
“Okay sige ingat” binaba ko na ang tawag.
Naabutan ko sila na maghahalikan na sana sila ay tumalikod na ako at nagulat naman sila.
“Abi, kanina ka pa dyan?” humarap ako kay Tita at umiiling-iling ako. Umayos sila ng upo.
“Kakarating ko lang po” tumingin ako sa Tito ni Xiara at medyo natakot ako dahil sa tingin niya sa akin.
“Umayos ka nga” hinampas siya ni Tita sa braso. Napahimas ito sa braso niya.
“You must be Abigail right?” tumango ako.
“Abi na lang po” sabi ko.
“Layas na” nagulat ako sa inasal ni Tita pero may naisip akong kalokohan.
“Tita, bakit niyo naman po siya paalisin agad kakarating lang po niya eh” reklamo ko.
“Oo nga di pa nga tumatagal yung pwet ko sa pag-upo sa sofa eh” ngayon ko lang nalaman na may funny side itong si Tito Kyron.
“Heh! Day off ko ngayon wag mo akong bwisitin” umalis ito at pumunta ako sa gawi ni Tito Kyron.
“Magkiss sana kayo?” tanong ko.
“Yeah, bigla ka nga lang dumating” napanguso ako.
“Aba’y dapat lang alalahanin niyo nandito yung pamangkin niya which is ako yun” turo ko sa sarili ko.
“Ano naman connect dun?” masasabi ko talaga na pasmado ang bibig niya.
“Wala naman baka kasi gumawa kayo ng kababalaghan dito sa sala alalahanin mo may CCTV may makakapanood edi burado ka na sa buhay niya” saad ko.
“Kahit ilang beses niya ako ipagtulakan para mapalayo sa kanya yun ang di ko gagawin. Di bagay sa surname ko ang Del Vega kung susuko lang ako” seryoso niyang sabi.
“Basta ako gusto kong maging masaya si Tita at may nagmamahal sa kanya. Ilang taon din siyang naging guardian sa akin. Di na nga nagkajowa yan dahil inaalagaan niya ako simula nung itinakas niya ako sa mga magulang ko eh” kwento ko.
“You mean at her early age naging guardian ka niya?” Tumango ako.
“Nung nag-asawa ulit yung nanay ko pagkatapos nung iniwan kami ni Papa. Nabuntis hanggang sa wala na siyang naging pakialam sa akin. Gustong gusto ko nang sumama kay Tita pero wala pa siyang trabaho nun at nag-aaral pa siya. Nagpapadala naman ang lola ko para sa pag-aaral ko kaya lang kinukuha ni mama at pinangbibili niya ng gatas ng anak niya sumabay pa yung stepfather ko. Kamuntikan na nga akong huminto eh buti na lang gumawa ng paraan si Tita para makapag-aral lang ako” kwento ko.
“Where is your mom right now?” kumibit balikat na lang ako.
“Ilang buwan na rin po ang nakalipas nung tumakas po ako sa nanay ko” saad ko. Buti na lang ay di ito gumawa ng paraan para makausap niya ako.
‘Ayoko na siyang makita pa’