Kasulukuyang kami nasa school at ang mga kaklase ko ay nagrereklamo dahil malapit na ang bakasyon namin saka pa lang sila nagpaproject.
“Madali lang naman ang ibinigay na project sa inyo” saad ni Sir Louie
“Sir ano bang project yun?” tanong ng isa sa mga kaklase namin.
“All you have to do is take the blood pressure of all of the students here in UP. Marami sila kaya marami kayong matake ng BP sa kanila. Syempre di mawawala ang documentary ninyo pero tatanungin din namin ang mga bawat students na nakuhanan niyo ng blood pressure dahil last year may nalaman kami na may dayaan ang nangyayari kaya we need to interview the students individually. Understood?” Tumango naman sila.
“Should start on this week” sabi pa niya.
“Please kuhanan niyo ng konting information ang students na kukuhanan niyo ng BP after that print it and place it in a sliding folder color pink and indicate your name and section” sinusulat namin ang mga sinasabi ni Sir dahil may magtatanong na naman sa gc at baka wala kaming maisagot.
“See you next week, goodbye” nagpaalam na din kami sa kanya.
“Shuta, ngayon week talaga?” Tumango ako.
“Madali lang yan” kumindat ako at tinawagan si Xiara.
“I need your help”
“Baka malaman ito ng mga prof namin maipatawag kami” sabi ko kay Winslet.
“Akong bahala” nilagay na niya ang karatula na may nakalagay na free Blood pressure.
“Hanggang kailan yung project niyo na ito?” tanong niya.
“Monday daw” saad ni Megan.
“Well makakarami pa tayo ayun may lumapit na” pinuntahan muna ni Megan ang costumer ni Winslet para makuhanan ng blood pressure at taga picture naman si Winslet.
“Buti na lang nakilala ko yung friend mo rito” saad ni Xiara.
“Kailan mo nakilala?” Tanong ko.
“Nung last time na bumili ako ng coffee naiwan mo yung tumbler mo eh sinabi ko na sa pinsan ko yan. Pinakita ko nga yung ID ko na may kasamang middle name eh and nakita niya yung middle name ko na Hernandez kaya binigay na niya sa akin yun” kwento niya.
“Pero bakit naiisip mo ‘to?” Bigla kong tanong.
“Ahhm wala lang” naningkit ang mata ko sa sinabi niya.
“Ikaw naman next” tumango ako at pumunta sa mga costumer ni Winslet.
***
“Ilan na nagawa niyo?” nagtinginan kami ni Megan at ngumisi sa kanila.
“Tapos na kami” pinakita namin ang sliding folder na nilalaman yung mga nakuhanan namin ng blood pressure. Inabot kami ng 3 days para lang macomplete yung project na binigay sa amin.
“Ipapass na lang namin eh” saad ko.
“Sana ol na lang” tumawa na lang kami sa hirit ni Guerrero.
“Wag ka kasing patamad-tamad para natapos mo agad yung project” pang-aasar ni Megan.
“Naku baka inaagawan mo ng client si Abi kaya natapos mo agad eh” sumama naman ang tingin nito kay Guerrero.
“Alam mo ikaw wala ka nang ginawa kung di asarin ako eh noh” singhal niya.
“Ang sarap mo kasing asarin eh” pumagitna na ako baka mapunta na naman ito sa sakitan.
“Ipass na natin ito” kinuha na niya ang bag niya at umirap siya kay Guerrero.
“Punta tayo sa cafeteria” aya ko.
“Anong gagawin natin doon?” tanong niya.
“Bibili lang ako ng tubig di ko na kasi nahugasan kaninang umaga eh”
“Okay sige diretso na rin tayo sa coffee shop ni Winslet” tumango ako at pumunta na rin kami sa office para ipasa ito.
“Abi” lumingon ako kay Megan.
“Bakit?” ngumuso siya.
“Nangongotong na naman sila” bulong niya.
“Shut up ka na lang” tumango siya at kinuha ko na ang bottle water na binili ko at umalis na sa cafeteria.
“Morning Winslet” bumati kami kay Winslet pero kumunot ang noo ko dahil may kausap ito.
“Hi” kumaway ako pero si Megan ay biglang natahimik dahil nakita niya si Jervy na kausap ni Winslet.
“Oo nga pala this is Megan and Abigail” kumaway ako at si Megan naman ay tinaas lang ang kamay niya.
“You look so familiar” tumingin ako kay Megan at napalunok siya bigla.
“Nagkabanggaan tayo nung first day ng school nung second sem” sabi niya.
“Aww..” tumango na lang ito.
“Why are you nervous?” tumingin siya sa akin.
“Anong sasabihin ko?” Kumibit na lang ako ng balikat at bumulong na lang ako.
“Ikaw na ang bahala” sumimangot naman ito.
“Nilalamig ako” napatampal na lang ako sa noo dahil sa sagot niya.
“Huh?” suminenyas na ako kay Winslet.
“Layas na kakain kami eh” hinila ko na si Megan at pumasok na kami sa loob ng office niya.
“Shuta ka bakit yun pa ang sinabi mo?” Muntik ko nang batukan siya pinigilan ko lang.
“Sorry naman” ngumuso siya.
“Anong sasabihin ko alangan naman umamin ako sa kanya na natatakot ako kasi baka nasa paligid lang niya yung girlfriend niya” sagot niya.
“Wag kang mag-alala wala nang karapatan si Leila kay Jervy” kumunot ang noo ko.
“He's breaking up with because she cheating on Jervy nahuli niya na may kalumpungan sa bar” napatakip na lang ako ng bibig.
“Di kayang tanggapin ni Leila yung paghihiwalay nila ni Jervy. Siya naman may kasalanan kaya nakipaghiwalay si Jervy sa kanya” saad ni Winslet.
“Sinayang lang niya si Jervy dahil napakabait at gentleman pa naman siya” tumango-tango na lang ako.
“Wala kang say?” Umiling siya.
“Manahimik ka na lang at kumain” kumuha ito ng kanin at ulam.
“Feeling ko may gusto siya kay Jervy?”
“Tumpak ka girl” mahina kong bulong at tumawa lang kami ng mahina.
“Bakit kayo tumatawa?” Umiling kami.
“May naalala lang” nagsimula na kaming kumain.
***
“Oo nga pala nachismis pala sa akin ni Winslet na hiwalay na sina Jervy at Leila” naghuhugas ako ng plato nang sabihin ko iyon.
“Ay oo kaya nga nangotong na naman kanina eh” saad niya.
“Kayaman-yaman niya nangongotong siya”
“Tss! Gawain na talaga nila yun” sabi niya.
“Nagkita sila Megan at Jervy sa coffee shop ni Winslet” huminto ito sa pagseselpon.
“OMG! Paano?”
“Coincidence lang na nagkita sila” saad ko.
“Pero napansin niya na kinakabahan siya” saad ko.
“Alam ko na yun” tumingin ako sa kanya.
“Dahil baka nasa paligid lang yung mga alipores ni Leila noh” tumango ako.
“Tss! Wag siyang mag-alala di naman sila pumupunta doon” kwento niya.
“Pero mukhang wag na sana ngang maulit pa yun dahil di sa lahat ay walang nakakita sa kanila. Maraming alagad yung si Leila na pakalat-kalat kapag nalaman niya yung expect niyo na nakarating na yun sa department niyo” babala niya.
“Sana nga di na sila ulit magkita pa nag-alala kasi ako kay Megan” saad ko.
“Tapusin mo na yan at pumunta ka sa kwarto ko dahil di ko alam kung paano kumonek ng laptop sa tv” tumawa na lang ako at binilisan ko na ang paghuhugas ng plato.