Chapter 19

1143 Words
Napayuko na lang kaming lahat pwera lang sa grupo nila Leila na talagan suking-suki na sa detention office. ‘Sana naman di ito makarating kay Xiara kapag nalaman niya ito malalagot ako nito kay Tita dahil magsusumbong iyon’ “Tell me what happened earlier at nagkakagulo kayo doon” “Sila ang nauna nanahimik kami doon saka kami biglang sinugod” pagsisinungaling ni Leila. Susugurin na sana ni Megan si Leila pero pinigilan ko lang. Bumuntong ito ng hininga at nagsalita siya. “Ano kami nauna? di ba kayo ang nauna nanahimik kaming kumakain sa cafeteria tapos susugurin mo ako pati dalawa kong kaibigan nanahimik nadadamay sa kagagawan mo” depensa ni Megan. “Dahil ayaw mong tantanan yung boyfriend ko” pinutol ni Megan ang sinabi ni Leila. “Correction, ex-boyfriend” matapang na sagot ni Megan. Susugurin na sana ni Leila si Megan pero pinigilan siya ni Ms. Dimasalang. “Girls stop it di natin ito maaayos kapag puro kayo batuhan ng salita” saway ni Ms. Dimasalang. “Sorry po Mam” narinig kong nagsmirk si Leila. ‘Wala talaga siyang manners’ “This is not first time na gagawin mo ito Leila maraming beses na and then nursing students naman ang inaway mo dahil lang sa ex-boyfriend mo” saad ni Ms. Dimasalang. “I love him hindi ko kayang mapunta siya sa iba” “Pero dapat di mo inaaway sila pati ang mga kasama ni Ms. Sebastian nadadamay” tumingin sila sa amin. Tiningnan naman ako ni Leila pero tinasaan ko siya ng kilay. ‘Akala mo magpapatalo ako sayo’ pero may kumatok at bumukas ang pintuan. “What happened?” Inangat ko ang ulo ko at si Sir Xieron ang nagsalita. “I’m sorry Mr. President may nangyari kasing gulo kanina kaya pinatawag ko sila” paghingi ng paumanhin ni Ms. Dimasalang. “Yeah, I know nakarating sa akin yung balita” bigla akong namutla at umiwas ng tingin. “That girl” tinuro niya si Megan. “Nilalandi niya si Jervy” hinawakan ko ang balikat ni Megan at pinakalma. “So what? Hiwalay na kay di ba?” tanong niya. “Yeah, pero di ako pumayag dahil mahal ko siya” “If you love him, you didn't manipulative him at di ka nagseselos sa mga malalapit niyang kaibigan kahit sarili niyang pinsan di mo pinalagpas pinagselosan mo pa” pangbabara niya kay Leila. “You know this?” “Yes and wala naman kaso dun single siya at single na si Jervy and you don't have right to do na gawin mo ito. Di ko na kayang gamitin mo pa ang kapangyarihan mo as investor ng school ang family mo dahil malapit nang masira sa kagagawan mo. Kailangan ko nang aksyunan ito bago pa matuluyan sa kagagawan mo” pagbabanta niya. “Anong gagawin mo?” “Simple lang I expelled you and your friends in our school” nanlaki ang mata ni Leila. “No, you didn't do this to me!” maiiyak niyang sabi. “I can Leila I can” napatingin siya sa akin. “No! Makakarating ito kay Dad” pagbabanta niya. “Kahit sabihin mo sa daddy mo ay di pa rin magbabago ang desisyon ko dahil mas malaki ang share ng family ko in this university and I can let your family's company down kaya wag mo akong hahamunin Leila” nanlilisik pa rin ang mata niya nang pinalabas siya ng mga tauhan ni Sir Xieron. “Buti naman ikaw na ang naging president ng university. Yung dati kasi takot sa pamilyang iyon baka mapatalsik. Talagang inintay ka ng daddy mo na makapagtapos ka ng pag-aaral” ngumiti lang si Sir Xieron. “Sa susunod kahit malayo doon na lang tayo sa sweet cafè tumambay. Nakakatrauma magstay sa cafeteria” saad ni Patricia. “Kasalanan kasi ni Jervy ayaw niya akong tigilan pati kayo nadadamay sa kagagawan nung bruha na yun” lumapit naman sa amin si Sir Xieron. “Yun ang di niya gagawin dahil even you say na tigilan ka na niya ay patuloy pa rin sayo magpapansin” napanguso na lang si Megan. “Pero, di naman hahayaan na saktan ka ni Jervy. Ngayon lang yun nainlove sayo ng lubos” saad niya. “Bumalik na kayo sa mga classroom niyo” pero bigla akong may naalala. “Mam baka po nalaman po ng department namin ang nangyari. Ayoko pa naman magcommunity duty” pag-alala ko. “You don't have to worry I explain it to your dean” tumango ako at saka nagpaalam na para pumasok sa klase na di ko alam ay papasukin pa kami ngayon dahil sa nangyari. “Almost late na tayo ng 1 hour. Kasalanan kasi ng babaeng iyon” inis niyang sabi. “Sana naman di magpaquiz yung prof natin” hiling ko. “Sasamahan ko na kayong bumalik sa room niyo” lumingon kami at si Sir Xieron pala ang nagsalita. “Naku, kahit wag na po kaya naman po namin” saad ko. “No, I insist kailangan ko rin iexplain ang nangyari kung bakit kayo nalate” wala na kaming nagawa kung di sumunod sa kanya. “Di ka ba sinaktan ni Leila?” umiling ako. “Okay lang po ako kamuntikan lang kanina dahil hinawakan ako sa braso nung alipores ni Leila buti na lang nagmatapangan ako na babaliin ko yung kamay niya kapag di niya ako binitawan” sagot ko. “You're so brave huh” ngumiti ako kay Sir Xieron. “Kailangan sir kasi di naman ako lumaki na lampa or baka dahil na rin sa mga past experiences ko kaya naging matapang ako” paliwanag ko. Kumunot pa rin ang noo ko dahil nakatingin pa rin siya sa akin. “Sir” pinitil ko ang kamay ko at nagulat naman siya. “Sorry” napatawa na lang ako ng mahina. “Nandito na po tayo” nagsihelera kami nina Megan sabay katok ng pinto. May bumukas naman at nakita namin ang prof namin sa Nutri Lab. “Bakit sobrang late niyo na Ms. Sebastian, Ms. Juanito and Ms. Hernandez” napakamot na lang kami sa aming mga buhok. Tumabi naman sa akin si Sir Xieron. “Good afternoon, Mr. President” bigla itong namutla nung nakita niya ang president. Nakaserious mood pa rin si Sir Xieron. “Sumama ako sa kanila dahil something came happens so I explain it to you kaya ako sumama sa kanila” ipinaliwanag naman si Sir Xieron ang nangyari. Pinapasok na rin kami ng prof namin. “Ano bang nangyari?” tanong nila. “Saka ko na sasabihin sayo kailangan muna namin magbehave para di kami matuluyan na mapagalitan” tumango na lang sila at kinuha ko na ang learner's material ko at binuksan ko ito. ‘Ano kayang klaseng paliwanag ang gagawin ni Sir Xieron?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD