Chapter 20

1294 Words
Dahil na rin sa nangyari ay di muna kami halos lumalabas ng classroom baka kasi abangan kami nung grupo ni Leila nagpautos na lang ako kay Xiara. Nalaman niya ang nangyari syempre vice president yung fiancé niya kaya malalaman pa rin niya. Nakiusap na lang ako sa bruha at sinabi ko na ililibre ko na lang siya ng pagkain. Pumayag naman ito na wag niya akong isusumbong kay Tita. Maselan pa naman siya magbuntis at ayaw ko siyang bigyan ng sakit ng ulo at stress sa kanya. “Oh” inabot niya sa akin yung pagkain na ipinabili ko sa kanya pero kumunot ang noo ko dahil di naman ito ang pinaorder ko. “Baks, di naman ito yung order ko ah” saad ko. “Di ko naman binili yan” mas lalo pa akong nagtaka. “Eh saan galing ito?” tanong ko. “Pinaabot lang sa akin nung janitor natin pinabibigay daw sayo” kinuha naman nina Pat at Megan ang paper bag. “May card na nakalagay” kinuha ko ito at binuksan. Binasa ko ito at kumunot muli ang noo ko dahil sa nakasulat rito. ‘eat well, mon chéri’ kinikilig naman sila. “Sino kaya yung secret admirer mo?” tukso nila. “Di ko alam” sagot ko. Naningkit ang mata nila. “Ano naman ang nasa isip niyo?” taas kong kilay na tanong. “Wala lang” naningkit ang mga mata ko sa iniisip nila. “Tss!” Kinuha ko na lang ang dala ni Xiara saka ko ito binuksan. “Wait, di ba paborito mo yan?” takang tanong niya. “Oo nga noh paano nalaman ng secret admirer yung paborito mo?” bigla akong nagtaka. Wala naman kasi nakakaalam na paborito ko yung sinigang na bangus na parteng gitna at ulo ng bangus lang ang gusto ko. “Abi, pinapatawag ka ng admin” susubo na sana ako nang pinatawag ako ng admin. “Bakit daw?” tanong ko. “Tungkol ata sa scholarship mo” nanlaki ang mata ko. “Nalaman kaya nila?” tanong ko kay Xiara. “Di ko alam sasamahan kita sa admin para na rin makapasok na ako” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Huh? Pupunta ka rin ng admin?” tumango siya. “Pinapupunta ako ng fiancé kong hilaw kapag di daw ako pumunta, pupunta daw siya ulit sa room ko at bubuhatin niya ako papunta sa office niya. Di pa kami kasal napakademanding niya” reklamo niya. “Tara na wag kang mag-alala di ka matatanggal sa scholarship” napatianod na lang ako ng hilahin niya ako. “Sigurado ka ah?” tumango ito. “Oo nga” pinindot niya ang elevator ng papuntang admin. “Were here” lumabas na kami at tumapat na ako sa pintuan ng admin. “Pupuntahan mo na siya?” tumango siya. “Oo nga pala pasabi kay Tito at Tita gagabihin ako sa pag-uwi” bilin niya. “Kahit di ka na umuwi ayos lang sa kanila yun” sabi ko. “Sabagay, grabe silang makareto doon sa lalaking yun. Oh siya iwan muna kita rito” tumango ako at nagpaalam na sa kanila. Kumatok muna ako sa pinto at binuksan ang pintuan. “Good afternoon po” bati ko. “Ikaw ba si Abigail Jane Hernandez?” tumango ako. “Sumunod ka sa akin” tumalikod na ito at sumunod naman ako sa kanya. “Ms. Villar nandito na po yung pinapatawag niyong estudyante” pumunta na ako sa table ni Ms. Villar at umupo sa pagitan ng table niya sa harap. “Kaya kita pinatawag because of your scholarship Ms. Hernandez” saad niya. “Matatanggal na po ba ako as scholar po” umiling siya. “Hindi” may binigay itong isang brown envelope. “Ano po ito?” tanong ko. “Open it” binuksan ko ang envelop at binasa ang nakalagay doon. Nanlaki ang mata ko nang nabasa ko ito. “Mam, seryoso po may full scholarship na po ako?” tumango siya. “May nagsponsor sayo dahil nalaman niya ang kalagayan mo nung nag-aaral ka palang ng freshman dito. Kaya para mabawasan mo ang bayarin ay sinagot na niya ang scholarship mo hanggang sa makatapos ng pag-aaral. Alam ko kung gaano kamahal ang kursong nursing dito sa UP Diliman at maraming naghahangad na magkaroon ng fully scholarship para di na nila iisipin kung saan kukuha ng ganun kalaking tuition fee kaya maswerte ka dahil ikaw ang napili nila na bigyan ka ng fully scholarship. Congratulations Ms. Hernandez” nakipagkamay ako sa kanya at nagpasalamat. “Maraming salamat po dito Ms. Villar” “Di ako ang pasalamatan mo kung di ang nagsponsor sayo” saad niya. “Sino po ba yung sponsor ko po?” Tanong ko. “It's confidential Ms. Hernandez makilala mo rin siya soon” saad niya. “Salamat po mauuna na rin po ako baka malate po ako sa klase” tumango na ito at lumabas na ako sa office. Pagkarating ko sa room ay inabangan na ako nina Megan at Patricia. “Kamusta?” napatingin ako sa kanilang dalawa. “May nagsponsor sa scholarship ko” nanlaki ang mga mata nila. “Totoo?” tumango ako. “Full scholarship na siya” nanlaki ang mga mata nila at nagtitili sa sobrang saya nila para sa akin. “I’m so happy for you Abi sa wakas di mo na iisipin yung bayarin sa tuition fee mo tuwing nagbabayad kayo ni Xiara” tumawa na lang ako. “Sino daw yung nagsponsor?” Tanong ni Pat. “Confidential daw” sagot ko. “Pero kahit di natin siya kilala ay magpapasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsponsor sa scholarship ko” ngumiti sila at niyakap nila ako. ‘Akala ko ay di ko na matutupad ang pangarap ko dahil sa nangyari sa buhay ko pero imposible palang matupad yun kung may sikap, tiyaga at masipag ay talagang maaabot yung peek ng dream ko’ “TOTOO may nagsponsor sa scholarship mo” tumango ako. “Opo tita di ko na po laging iisipin yung tuition fee ko kung magkano na naman ang maihuhulog nina Tita Xiera” tumawa siya at niyakap niya ako. “Sobrang saya ko Abi” napansin ko ang lungkot ng mga mata ni Tita Maris. “May problema po ba Tita?” umiling siya. “Namiss ko lang sina Mama” ngumiti ako sa kaniya. “Saan po si Tito Kyron?” tanong ko. “Andito ako” lumingon ako sa likod ko at kakauwi pa lang niya. “Kamusta?” tanong niya. Kumunot ang noo ko. “Bakit po Tita anong nangyari?” Tanong ko. “Ang lola mo…” “She's accident earlier and may nakapansin na sasakyan ni Mayor Limuel ang nakasagasa sa Lola mo” nanlaki ang mata ko sa nalaman ko. “Kamusta po si Lola, Tito?” tanong ko. “She is danger Abi dahil siya ang nakakaalam kung saan nakatira ang Tita mo dah madalas silang magkausap ng Tita mo. Di titigil ang mayor na di siya nakukuha” kinakabahan ako sa safety ni Tita lalo na’t buntis ito. “Napagdesisyon na kami na umuwi ng Taguig kasama ang lola mo” napatango na lang ako. “Paano sina Xiara at Abi?” napatingin ako kay Tita. “Si Xiara ay doon muna sa condo ni Jarred dahil gusto niya makasama na si Xiara. Di naman makaangal yun dahil alam mo na” nanlaki ang mata ko sa pinag-uusapan nila. “Yung bibig mo nandito si Abi” napakamot na lang siya sa likod. “Paano naman si Abi?” napatingin sa akin si Tito Kyron at di alam kung ano isasagot nito kay Tita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD