Chapter 30

1232 Words
“Ikaw pala Dave” sambit ko. “Yeah, actually I came here about the organization” sabi niya. “Ahh yun ba wala pa kasing announcement si Yara about kung kailan yun candidacy ay screening may event pa kasi kaya baka patapusin muna yun” saad ko. “Okay thanks” tumango na lang ako at umalis na rin siya. “Ano yun?” lumingon ako kay Megan. “About sa UPSC yun” sagot ko. “Kasali ka?” tumango ako. “Running for Treasurer, ewan ko nga kung bakit ako pa yung pinili nilang maging treasurer pero sabi nila dahil may pera daw ako at kaya ko raw mag-abono sa mga expenses sa school event” sabi ko. “Ay grabe sila pero di naman basta abono ang isang treasurer ikaw rin kaya ang magcanvass at magbudget kung magkano magagastos sa mga school event” saad niya. “Mauuna na ako sa inyo may klase pa ako” tumango sila at nagpaalam na. “WHERE are you?” bungad na tanong ni Xieron sa cellphone. Sakto siyang tumawag nung naglalakad na ako papunta admin office. Nagsorkut na nga lang ako para di ako mapansin ng mga estudyante rito, ayoko kasing magkaroon ng issue dahil lang sa pakikipagrelasyon ko sa dating president at anak ng pinakamayaman na pamilya sa buong mundo. Masyado naman ata ako mataas kung sakali man malaman nila yun, gusto ko muna na di kami masyadong nagkikita in public like restaurant, mall or park. Kapag lumalabas kami ay nagpapareserve na siya ng restaurant na VIP. “Nasa pinto na ako” binaba ko ang tawag at sabay katok sa pinto. “Good afternoon po” bati ko. “Good afternoon din iha nandun na sila sa office ng president” nagulat ako sa sinabi ng staff. “Ibig sabihin po nandyan po pati si Mr. President?” tumango naman siya. “Sige na pumasok ka na” tumango ako at pumunta na ako sa office ng presidente. Kumatok muna ako at narinig ko na ito nagsalita. “Come in” pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pintuan. “Hey” kumaway ako kay Xieron. “G-good afternoon po” nauutal kong bati. “Don't be nervous iha di naman kita kakainin” bigla akong napayuko dahil sa hiya. “Dad stop! Your green minded” saad niya. “Anong green minded ang pinagsasabi mo?” napasmirk na lang si Xieron sa sinabi ng ama. “Kapag talaga matanda na naguulyanin” siniko ko siya at sinaway. “Wag mo ngang pagsalitaan ng di maganda ang daddy mo” saway ko. “Tss! Kayang kaya niyang makipagsabayan sa mga Gen Z ngayon. Carry nga niyang makipagbardagulan pero tiklop siya kay Mommy” kwento niya. “Sabagay, lahat naman ng nag-aasawa ay yung lalaki ang nagiging under sa asawa” “Meron din iha na di papayag na nagpapaunder sa asawa” napalingon ako kay Mr. President. “Why dad, may kakilala kang ganun?” tanong niya. “Yeah, yung Tito Adam mo ayaw nun magpaunder parehas sila nang asawa niya nung una pero nung nabuntis na yung Tita Aileen mo ay doon na siya nagsimulang nagpaunder sa asawa. Kinain lang din yung sinabi niya.” Tumawa lang kami. “Kaya iha, kung balak mo nang sagutin si Xieron patagalin mo muna ng taon. Pagtapusin ka muna ng pag-aaral bago mo siyang sagutin, buti nga naisipan na niya na—-” naputol laman ang sasabihin ni Mr. President nang sawayin siya ng anak. “Dad” bigla naman itong di nakapagsalita at uminom na lang ng tubig. “Anong naisipan mo?” tanong ko. “A-ahh… a-ano kasi na ligawan na kita, o-oo yun nga” pero di pa rin ako convince sa sinabi niya. “We should eat may pasok pa si Abi” ngumiti ako kay Mr. President. “Here, I cook this” “Ikaw nagluto nito?” tumango siya. “When I was high school nagpaturo na ako isa sa mga kasambahay namin dahil magstart na ako nung sa college and I live alone in my condo kaya kailangan ko rin matuto sa gawaing bahay” kwento pa niya. “Kaya kapag umuuwi siya ng bahay, his mom requested na magluto ng sinigang” dugtong na sabi ni Mr. President. “Pwede ka palang maging chef” saad ko. “I’m not interested to build a restaurant but business doon ako interested” sabi niya. “Sabagay, halata naman” sabay subo ng kanin. “Wait, I just answer this call” tumango na lang kami at lumabas na siya ng office. Kinakabahan naman ako dahil kami lang ni Mr. President ang nandito, natatakot pa naman ako na baka di ako gusto ni Mr. President kay Xieron” “I like for my son, Abi” napalingon ako bigla. “Bakit niyo naman po ako nagustuhan isa lang naman po ako simpleng nursing student at wala po akong kayang ipagmalaki kung di yung edukasyon ko lang po” sabi ko. “Because of bumalik na ang dating ngiti ni Xieron simula nung iwan siya ng fiancé niya kaya sobrang saya ko na nakilala na kita. Tama nga ang sinabi ni Xieron you look innocent in personal pero nagiging palaban ka pagdating sa karapatan ng mga student na nag-aaral rito” sagot niya. “Kaya ramdam ko na magiging masaya si Xieron kapag kayo ang nagkatuluyan” bigla naman akong namula sa sinabi ng president. ‘Kahapon lang siya nanligaw, kasal agad’ “Kung nandito lang ang mommy at ang kapatid niyang babae baka ikaw pa ang maging anak niya imbes na si Xieron yun at magiging close pa kayo ng kapatid niya” ngumiti lang ako. “I need to back in company, dad may meeting pala ako ng 1:00 pm” saad ni Xieron. “Kailangan ko na rin din pong bumalik, magrereview pa po ako sa bioethics may quiz po kami doon mamaya” sabi ko. “Okay, see you next time na lang pero gusto ko mahaba-haba ang pag-uusapan natin at kasama na rin doon ang mommy at kapatid mo” “Sure” “Thanks po Mr. President sa pagtanggap niyo po sa akin” saad ko. “Call me Tito, iha magiging parte ka na rin ng family namin soon” ngumiti na lang ako at saka tumango. kumaway na lang ako kay Tito at lumabas na kami ng office. “Parang sobrang saya si dad today?” tumawa lang ako. “May napag-usapan lang kami” palusot ko. “Really ano naman ang pinag-uusapan niyo?” lumingon naman ako sa kanya. “Secret” sabay kindat. Napagkagat na lang siya ng labi sa ginawa ko. “Ahmm…. m-mauuna na ako. Bye” sabay sibat para di niya ako maabutan. "Abi!" sabay kaway sa kanya at pumasok na sa elevator. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. 'Di ko inaasahan na meet the parents agad kahit di ko pa siya sinasagot and then yung daddy niya talagang gusto niya na ako ang makatuluyan ng anak niya. Di ko alam kung ano ang masasabi ko sa nangyayari sa buhay ko basta ay masaya ako dahil may nagmamahal na sa akin na tunay at di na ako gagawa ng way para magpapansin sa isang guy dahil siya na ang kusang lumapit sa akin para maging parte siya ng buhay ko ngayon'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD