“Ha?”
“I said I want to court you” ulit niyang sinabi.
“Di ba may pinangako ka kay Tita na di mo muna ako liligawan hangga't di pa ako nakakapagtapos” sabi ko.
“Yes but pinayagan na niya ako na ligawan ka” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Yun ba yung kinausap ka niya kanina bago ako pumasok?” tumango siya.
“Pero sabi ng Tita mo na sayo pa rin ang desisyon na ligawan—-” di ko na siya pinatapos nang nagsalita na ako.
“Oo pwede ka nang manligaw” ngumiti ako sa kanya.
“Are you sure? Baka nabigla ka lang sa sinabi ko?” Umiling naman ako.
“Napagdesisyon ko na rin kasi na payagan ka nang manligaw sa akin kung sakaling nanliligaw ka sa akin” sabi ko.
“I’m so happy dahil pinayagan mo na akong manligaw sayo” sabi niya.
“Ilang beses ko na rin kasi itong pinag-isipan tapos yung dalawa kinokonsensya nila ako na payagan na raw kitang manligaw kaysa daw mapunta ka pa iba kung di pa kita payagan tapos sabi pa nila ay sagutin na daw agad kita. Masyadong speed yung dalawa sa lovelife ko nung una pinapatigil na nila ako na huwag na akong magkacrush sa isang gwapo tapos ngayon tinutulak na nila ako sayo” kwento ko. Natawa naman si Xieron sa kwento ko.
“Mukhang gusto na nga nila magkalovelife ka” tumawa na lang ako.
“Pero sobrang saya ko dahil pinayagan mo na akong ligawan ka kahit maghintay ako sayo nang matagal para sagutin mo ako ay ayos lang basta gusto ko lang ay matupad mo ang pangarap mo. Tutulungan kita sa mga bagay na nahihirapan ka pero wag lang sa subject about medicine sorry but I’m not interested” tumawa lang ako.
“Pero kung related sa course mo okay lang” tumango siya.
“Why?” umayos ako ng upo.
“May nakita kasi akong entrepreneur sa subject namin sa third year” sagot ko.
“What?” tumango ako.
“Di ko nga alam kung bakit may kasamang ganun subject, kahit senior higher school pa lang ako may ganun na kahit STEM track ang kinuha ko” paliwanag ko.
“Yeah, kahit ibang course may ganun din daw” sabi niya.
“Your phone is calling” kinuha ko ang cellphone ko at sinagot yun.
“Hello po”
“Saan na ba kayo? Aba pinayagan lang kitang ligawan ni Xieron dahil alam ko na aalagaan ka niya kapag naging kayo na” sermon ni Tita. Napangiwi na lang ako sa sermon niya dahil parang naulit lang yung nangyari nung unang inaya ako ni Xieron na nakipagdate sa kanya.
“Oo na po uuwi na po kami” sabi ko.
“Let's go baka di na ako ulit makapunta sa bahay niyo para manligaw sayo” tumawa na lang ako at pinaandar na niya ang sasakyan saka kami umalis na.
“Sige na pumasok ka na” tinanggal ko ang seatbelt at saka inilapit ang mukha ko sa kanya sabay halik sa pisngi.
“Bye, see you tomorrow” binuksan ko na ang pintuan at lumabas na. Inintay ko na lang siya umalis at saka ako pumasok sa loob.
“Nandito ka na pala Abi” nakasalubong ko si Tito Kyron na mukhang kakauwi lang din galing sa trabaho.
“Si Tita po?” tanong ko.
“Nagpapalit ng diaper ng triplets, sabay-sabay silang tumae” natawa na lang ako.
“Nandun naman si Manang Osang para tulungan siyang magpalit ng diaper” tumango na lang ako at umupo sa sofa.
“Balita ko pinayagan na ng Tita mo na ligawan ka ni Xieron” tumango ako.
“Opo at saka pinayagan ko na rin po siya na ligawan niya ako” sabi ko.
“Dahil gusto mo na siya kaya mo siya pinayagan?” tumango ako.
“Di ko lang po sinabi sa kanya baka lumaki yung ulo” sabi ko. Tumawa lang si Tito.
“Change your clothes now para makakain na tayo” tumango ako at kinuha ko na ang mga gamit ko at umakyat na sa taas.
***
“You didn't wear a uniform today?” tumango ako.
“P.E namin ngayon kaya nakasuot ako ngayon ng T-shirt at jogging pants” sabi ko.
“But sometimes I fetch you, I always see na you wear a uniform kung may P.E naman pala kayo every friday”
“Ahh yun ba may kaltok kasi yung prof namin na kesyo di naman time ng P.E para magsuot ng P.E uniform kaya buti na lang may nagreklamo dun sa kabilang section na payagan na kaming mag-P.E uniform pag friday kasi hustle yun para sa amin may time kasi na nauuna sa amin yun pumasok tapos pagdating niya quiz agad kaya kinausap nila yung teacher na yun kaya no choice siya kung di payagan na kaming magsuot ng P.E. Okay lang sa ibang teacher na magsuot kami ng P.E uniform sa kanya lang talaga ang hindi okay” kwento ko na may kasamang pagrereklamo.
“Yeah, wala na akong masabi” hinampas ko siya sa braso.
“Your so mean” napairap na lang ako sa kanya.
“Sorry mon chéri” ngumiti lang ako at hinawakan niya ang kamay saka niya ito pinaandar papuntang school.
“Pumunta ka sa office mamaya” kumunot ang noo ko.
“Bakit naman?” tanong ko.
“Because I want to eat lunch with you” bigla akong namula at iniwas ang tingin.
“Okay sige, wala naman kasi akong makakasabay mamaya dahil magkaiba kami ng schedule nina Megan at Pat” saad ko.
“And also Dad wants to meet you na” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Seryoso ka?” tumango siya.
“Yes, I call you later after your class sa tanghali” humalik na lang siya sa pisngi ko at lumabas na ng kotse. Mabuti na lang ay wala nang masyadong tao dahil nagstart na rin siguro yung klase. Around 8:am pa start ng klase ko sa umaga naiiba lang talaga kapag friday dahil 7:30 am ang start ng klase sa kanya.
“PINAYAGAN mo na siyang manligaw sayo?” tumango ako.
“Oo, kagabi lang nagulat nga ako sa tanong niya at kaya pala nagtagal siya kahapon ng umaga ay kinausap na siya ni Tita na pinapayagan na niya akong ligawan ni Xieron” tumili naman ang dalawa at tinakpan ko ang tenga ko dahil sa kaingayan nila.
“Ang sakit sa tenga” inis kong sabi.
“Pshh!! Teka kung nililigawan ka na niya, kailan mo siya balak sagutin?” sumimangot ako bigla sa tanong niya.
“Bhe, nanliligaw pa lang siya sa akin, sasagutin ko na agad syempre kailangan ko munang magpabebe kahit isang buwan lang or higit pa pero kasi…. Mahirap, dahil magkaiba kami ng mundong ginagalawan siya isang CEO at ako ay isang normal na estudyante na umaasa sa sponsor” saad ko.
“Pero kahit ganun patay na patay pa rin sayo yung tao, biruin natin kapag siya ang lumalapit at nagpapansin sa gwapong lalaki ay di siya nagugustuhan tapos nung iniiwas na niya ang mga gwapong lalaki saka pa lang nagkagusto sa kanya at patay na patay pa” sabay apir pa ang dalawa. Napanguso na lang ako sa biruan nila.
“Ang sasama ng mga ugali ninyo” napanguso kong tugon.
“Oo nga pala saan ka ba kakain mamaya?” tanong ni Megan.
“Pupunta ako sa admin office dahil gusto ako makasabay kumain ni Xieron at makilala na rin ng daddy niya” nagsiungulan sila ng tukso.
“Meet the suitor’s father agad ah” sinusundot-sundot nila ang tagiliran ko.
“Tumigil na nga kayo” saway ko. Napahinto na lang kami nang may tumawag sa pangalan ko akala nila ay si Keanne pero nanlaki ang mga mata nila kung sino yun.
“Abigail” bigla akong lumingon at nakita ko si Dave ang tumatawag sa pangalan ko.
“Dave”