Chapter 28

1264 Words
Nakadukdok ako ngayon sa arm chair dahil inaantok ako. Late na rin kasi akong natulog kagabi dahil tinapos ko pa ang draft para sa research, need na daw ipasa yun within this week raw. Wala naman akong choice kung di tapusin na kahit may balak akong paunti-untiin gawin ang mga parts. Sabi kasi nila mas maganda daw kung tatapusin na agad para kapag napacheck ay maiayos daw agad. Kinausap ko pa nga si Xieron nung lumabas kami last week na wag niya muna akong disturbuhin dahil kailangan ko nang tapusin ang research paper namin buti nga sumunod, tinakot ko pa naman siya na di na ako sasama sa kanya para kumain sa labas. “Girl, hinahanap ka nila Megan at Patricia sinabi ko na lang na natutulog ka rito dahil puyat ka sa research paper natin” tumango ako. “Chat ko na lang sila mamaya” sagot ko. “May pinabibigay sila sayo” kinuha ko ang paper bag ko at binuksan iyon. ‘Mukhang alam ko na kung kanino ito’ “Ano ba yan?” binaba ko ang paper bag. “May pinakuha lang ako sa kanya dun sa boarding house may naiwan kasi ako doon gamit” palusot ko. “Okay sige alis muna kami” tumango ako at muling bumalik sa pagtulog. “WHAT time did you go to sleep last night?” tanong niya. “Around 3:00 am na” napahikab ako bigla. “You should sleep after class natin” tumango ako. “Buti nga yung mga kagrupo ko na lang ang nagpresinta na magpaprint ng papers binigyan ko na lang sila ng pera pangbayad” saad ko. Buti na lang di ko pa naihuhulog yung natitirang allowance ko sa bangko. Kalaki naman kasing magbigay si Tito Kyron ng allowance, di ko nga alam kung anong gagawin ko sa perang naiipon ko mula sa allowance ko. “Wake up na she’s here” umayos na ako ng upo at nagumpisa na siyang magturo. “Sana naman konti lang yung iparevise sa amin ni Sir John para di ako stress sa gawain” napahikab ako bigla. “Tutulog na talaga ako pagkauwi ko sa bahay” sabi ko. “May sundo ka ba ngayon?” tumango ako. Di pa naman nagtetext si Xieron sa akin mula pa kanina, nagtext lamang ito para bumati at tinanong kung kumain na ako. “Huh? Kuya Xieron anong ginagawa mo rito?” biglang tanong ni Keanne. “Ikaw, bakit mo kasabay si Abi?” tanong din niya. “Sinamahan ko lang siya baka kasi bigla siyang tumumba. Paputol-putol kasi yung tulog niya mula kanina nung vacant namin iniintay ko na rin yung sundo niyang dumating saka palang ako uuwi” paliwanag pa niya. “I’m here now kaya pwede ka nang umuwi” napahilot na lang ako sa sintido dahil sa stress sa kanilang dalawa. “Sige na sisibat na ako gusto ko na talagang matulog” paalam ko. “Sige ingat ka” tumango na lang ako. Iniwan ko na lang si Xieron sa labas, wala ako sa mood makipagbardagulan sa kaniya. Pinikit ko na lang ang mata ko nakiramdam naman ako na sinesermon niya ako. “Hey, are you listening?” tuluyan na akong nakatulog at narinig ko na lang siyang bumuntong hininga. Gising pa ang diwa ko kaya alam ko ang reaksyon at kilos niya. Patulog pa lang naman si diwa. *** “Abi, malalate ka na sa klase mo” bigla akong napabangon at napatingin sa orasan. “s**t! 6:00 am na” dali-dali akong bumaba mula sa kama at dumiretso na sa banyo. “Kumain ka muna ng breakfast” tumango ako at umupo na sa hapag-kainan. Di nga pala ako nakakain kagabi dahil antok na antok na ako pero teka…. “Tita, paano po ako napunta sa kwarto ang pagkaalala ko….” “Tama nga ang nasa isip mo nakatulog ka sa kotse ni Xieron buti na lang ay di ka niya dinala sa bahay niya. Alam niya na magagalit ka kung sakaling ituloy niya yun” mahina siyang tumawa at ako naman ay nakasimangot na sa kanya. “Tita naman” sumubo na lang ako ng hotdog. “Tinangka ka niyang gisingin pero mukhang mahimbi na yung tulog mo kaya napagdesisyon niya na tawagan ang Tito Kyron mo para puntahan ka pero ang Tito mo ay hinayaan si Xieron na siya na ang magdala sa kwarto mo. Mukhang nagulat nga siya nung nakita yung kwarto mo. Kikay na kikay ka talaga” kwento niya. Gusto kong magmaktol pero di ko magawa. “Oh, sinusundo mo na ba si Abi kumakain lang siya” bigla akong nabilaukan at kinakabog ang dibdib ko para mailabas ang kinain ko. “Abi!” binigyan nila ako ng tubig at ininom ko ito. “Are you okay?” tumango ako. Hinahaplos niya ang likod ko. “Oo masyado lang ata ako nagmamadali” sagot ko. “Uminom ka na ng tubig at pumasok ka na baka malate ka pa sa school” tumango ako. “Sige po” tumayo na ako at lumabas ng bahay. Nagtaka nga ako kung bakit di pa lumalabas si Xieron pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan niya at iniintay siya. Nagselpon na lang ako. Bumukas ang pintuan ng kotse at pumasok na siya. “Bakit ang tagal mong lumabas?” tanong ko. “Kinausap lang ako ng Tita mo” tugon niya. “Let's go baka malate ka na ng tuluyan sa school” sinakbit ko na ang seatbelt at saka pinatakbo na niya ang sasakyan. “ANO ba kayo ni Sir Xieron?” biglang napataas ang kilay ko sa tanong niya. “Dating?” “Di pa rin ba siya nanliligaw sayo?” umiling ako. “May pinangako siya sa Tita ko kailangan niyang sundin iyon” sabi ko. “Di naman kasi katulad yun ng mga nagiging boyfriend na biglang sunggap agad” parinig niya kay Megan. “Tss! Alam ko na ako yung pinapatama mo nang ganyan, pustahan magiging ganito ka rin soon” saad niya. “Sus, sorry pero wala akong panahon para diyan” sabay sipsip ng milk tea. “Parehas lang kayo ni Abi ganyan din yung sinabi niya noon pero tingnan mo ngayon may dinedate na, ikaw na lang ang walang bebe sa atin” sumimangot naman si Patricia. “Porket may bebe ka na gumaganyan ka na baka magaya ka kay Xiara na di na nagpakita after ng Christmas break” sabi niya. “May tiwala ako kay Jervy” saad ni Megan. “Wag kang masyadong kampante girl dahil di sa lahat ay masaya lagi ang isang relasyon, dadaan kayo sa mga pagsubok” paalala niya. “Oo na alam ko naman saka pwede ba wag kang masyadong advance mag-isip baka magkatotoo yan damay pa si Abi” saway niya. “Bakit naman ako nasali sa usapan?” tanong ko. “Girl, ikaw na yung malapit magkaroon ng jowables di ba sabi mo kapag may umaaligid na sayo ay liligawan ka na niya” napalunok ako bigla. “Kasi kanina ang tagal niyang lumabas ng bahay namin tapos natanong ako kinausap daw siya ni Tita” sabi ko. “Ay baka yun na nga yun” napakamot na lang ako sa batok. “Ewan” sabay sipsip ng milk tea. “How's school?” “Eto mas lalong nastress” sagot ko. “Abi” “Hmm” napikit ako bigla dahil inaantok na naman ako. “Can I court you?” biglang gumising ang diwa ko pati ang mga mata ko sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD