“Balita ko lagi ka sinusundo ni Sir Xieron ah” bigla akong napalingon kay Megan.
“Alam ko na kung saan mo nabalitaan yan, kay Jervy noh?” tanong ni Patricia.
“O-oo” ngumisi si Patricia.
“Sabi na nga ba kayo na ni Jervy” napasimangot naman ito.
“At paano mo naman siya napasagot?” taas kong kilay na tanong. Bigla itong namula at mukhang nagets na rin namin.
“Grabe dinaan talaga sa sarap para lang masagot mo siya” napailing na lang kami.
“Ikaw na lang” kumunot ang noo ko.
“Anong ako na lang?”
“Na di pa sinasagot si Sir Xieron” napaiwas ako ng tingin.
“Akala ko ba ayaw niyong magkagusto ako sa gwapo” saad ko.
“Kung si Sir Xieron ang manliligaw sayo” napasmirk na lang ako sa mga pinagsasabi nila.
“Sa tingin niyo ba nanliligaw yun?”
“Di pa ba? Edi banggitin natin” nanlaki ang mata ko sa sinabi nila.
“Oy! Foul yan” saway ko. Nagtawanan na lang yung dalawa.
“Hey, Abi tumawag si Ms. Flores kay Ms. President, wala daw tayong klase ngayon sa kanya” napa-yes ako dahil magagawa ko na rin ang pinapagawa sa amin ng prof namin.
“Hi, Keanne” kumaway naman si Keanne sa kanila.
“Grabe ang gwapo niya talaga” sabi ni Megan.
“Hoy, kapag nalaman ni Jervy na pinapantasya mo si Keanne baka nasa kama ka na naman ulit” tumawa ako at napasimangot naman si Megan.
“Your so mean, Pat” napairap na lang si Megan.
“Kayo na pala ni Kuya Jervy?” tumango si Megan.
“Dinaan siya sa santong paspasan kaya ayun naging sila” saad ni Pat.
“Tss!” kinuha ko ang cellphone ko at si Xieron ang nagtext.
“Napakakulit” bulong ko.
“Sino ba kachat mo at bwisit na bwisit ka” tiningnan nila yung kachat ko buti na lang ay napunta ito sa caller.
“Pampanga’s Frozen Food Dealer?” napatango ako.
“Nagdeliever yan sa mga mall at palengke syempre naginvest si Tito Kyron kaya nagtext sa akin na magpapadala ng frozen food kanina kaya lang ang tagal dumating kaya nabubwisit ako sa kanila” palusot ko.
“Okay” ngumiti lang ako sa kanila. Nagpaalam muna ako na tatawagan yung Pampanga's Frozen Food Dealer.
“Tss! Di ka ba nauubusan ng load sa kakatext and call mo sa akin” inis kong sabi.
“mon chéri di ako magsasawang kakatawag at kakatext sayo” napairap ako sa hangin.
“Ano ba kasing gusto mo ha? Kailan mo ba akong titigilan? Alam mo sobrang naguguluhan na ako sayo” tanong ko.
“I like you Abi” bigla akong napatigil sa sinabi niya.
“A lot but nagpromise ako sa Tita mo na pagtapusin ka muna kita sa pag-aaral mo bago kitang ligawan” saad niya. Napikit ako ng mariin.
“Gusto ko na sana kitang ligawan ngayon pero okay lang na matagal mo pa akong sasagutin kaya kong maghintay Abi para lang matupad ang pangarap mo pero gusto ko na isama mo rin ako sa mga pangarap mo” dugtong na sabi niya.
“Sir, you have meeting po with Mr. Juanito”
“Okay, susunod na ako”
“I gotta go mon chéri I fetch you mamaya” saad niya.
“Okay” binaba na niya ang tawag. Wala naman akong choice na di sumabay sa kanya dahil gagabihin lang din ako sa daan sa kakaantay kay Mang Tani. Napabuntong na lang ako ng hininga.
***
Nakatingin pa rin ako sa labas at tiningnan ang bawat gusali na nadaraanan namin. Inaya ako ni Xieron na kumain sa labas syempre pumayag si Tita di ko nga alam kung paano napapayag yun kasi naman napakahigpit niyasa akin noon pero ngayon okay lang sa kanya na nakipagdate ako pero wag lang daw ako muna magpaligaw dahil kailangan ko muna magkapagtapos sa pag-aaral para may maipamukha ko sa nanay kong walang kwenta na kaya kong tuparin ang pangarap ko.
“Are you okay?” lumingon ako sa kanya.
“Oo naman kahit medyo naiilang” mahina siyang tumawa.
“Eto kasi yung first time ko na makipagdate sa tanang ng buhay ko puro bahay-eskuwela lang ang nagiging routine ko pag may vacation kami ayun naliligo kami sa dagat” kwento ko.
“Wala ka na bang balita about kay Xiara?” umiling ako.
“Di na rin ako nakibalita baka tadhana na lang talaga ang magiging daan para pagtagpuin silang muli” saad ko.
“Matagal din yun”
“Kahit matagal at least parang sinasabi na siya na talaga yung nakalaan sayo” tugon ko.
“Yeah, I can wait you to graduate and doon pa lang kita liligawan” ngumiti ako sa kanya.
“But…” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Kapag tuluyan nang may umaligid sayo sorry na lang kung babaliin ko ang pangako ko sa Tita mo dahil liligawan na kita” bigla akong napalunok sa sinabi niya.
“Si Tita tumatawag” kinuha ko ang phone ko at sinagot iyon.
“Hello Tita”
“Asan na kayo?” tanong niya.
“Pauwi na rin po kami” sagot ko.
“Diretso uwi Abi ah” napangiwi bigla si Xieron at mahina naman akong tumawa.
“Opo” sagot ko.
“Sige tumawag lang ako para magupdate” pinatay na ni Tita ang tawag.
“Tss! Grabe si Tita Maris walang tiwala sa akin” tumawa ako.
“Iuwi naman kita ng buo st virgin” hinampas ko naman siya sa braso.
“Hey! Bibig mo” saway ko.
“Sorry” ngumiti ako sa kanya.
“Wait, kailan ba binyag nung triplets?” tanong niya.
“Di pa naayos yung schedule ni Tito Kyron dahil sunud-sunod ang meeting niya sa company. Gusto niya kasi na kasama siya sa pagplano ng binyag sa triplets” paliwanag ko.
“Sabagay, It's his first born syempre kailangan talaga nandun siya” sabi niya.
“Tara na baka di ka pa payagan ng Tita mo na lumabas ulit kasama ko” tumawa na lang ako at pinatakbo na niyang muli ang sasakyan.
“KAMUSTA ang date niyo ni Sir Xieron?” napairap na lang ako dahil nagsimula na naman silang makichismis.
“It's normal date lang” sagot ko.
“Walang pa-violin or kahit ano?” umiling ako.
“He’s not courting me para sa mga ganyan” sagot ko.
“Ano yun exclusive dating lang kayo ganun?”
“Parang ganun syempre kailangan niyang tuparin ang pangako niya kay Tita pero may sinabi kasi siya sa akin”
“Ano yun?”
“Na kung may umaaligid na daw sa akin ay liligawan na niya ako kahit mabali na ang pangako niya kay Tita” nanlaki ang mga mata nila.
“Seryoso?” tumango ako.
“Ang tanong, sino naman kaya ang may tangkang ligawan ka?” sinamaan ko ng tingin si Patricia dahil sa pasmadong bibig niya.
“Sa tingin ko may pinupunto si Sir Xieron” napatingin ako sa kanya.
“Sino naman yun?”
“Malay natin may nagkakagusto na sayo na di mo alam” bigla akong napaisip sa sinabi niya.
‘Sino naman magkakagusto sa akin dito? Sa lahat ng lalaki rito ay may mga gusto sa other departments’