Chapter 26

1287 Words
Sumeryoso bigla ang mukha ko at tiningnan siya. “Ikaw anong ginagawang mo rito?” tanong ko. “Visiting you, may problema ba?” umirap na lang ako sa kanya. “Hey, kuya Xieron” bigla akong palingon kay Keanne. “Kilala mo siya?” tumango siya. “Actually he’s my cousin, sa side ni Mommy” saad niya. “Where are you going?” tanong niya kay Keanne. “Sa sizzling house kuya nagcrave kasi si Abi ng sisig” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Bakit mo naman sinabi?” “He older than me syempre kailangan kong maging honest sa kanya” napangiwi ako sa sagot niya. “Sama ako” bigla akong napalingon sa kanya. “Are you sure kuya? You know it's not like the restaurant where you eat” saad niya. “Well gusto kong tumikim ng bago” saad niya. “Ano? Tara na baka marami na doon tao” wala na akong nagawa kung di payagan na sumama si Xieron. Sa totoo lang ayaw ko talagang tawagin siya sa name niya mas gusto ko pa na sir ang tawag ko sa kanya or di kaya kuya kasi matanda siya sa akin. Wala naman akong magawa dahil ayoko magpahalik sa kanya dahil ayokong mahulog ulit at masira ang pangako ko para sa sarili ko. “Kuya, maghanap ka kaya muna ng parking tapos mauuna na kami ni Abi baka wala na tayong maupuan” saad niya. “No, may nahanap na ako kaya sabay-sabay tayo pupunta doon” tumahimik na lamang si Keanne. “Ayun! Let's go” akmang hahawakan na ako ni Keanne ay may biglang humila sa kaliwa kong kamay. “Mauna ka na maghanap ng mauupuan kami na lang ang oorder” tinulak pa niya ang pinsan nito papasok sa loob ng sizzling house. “What do you want to eat?” napatingin ako sa menu. “Gusto ko yung sisig yung may itlog sa ibabaw saka malamig na malamig na softdrinks” saad ko. “Di kaya sobrang tamis ng carbonate drink?” tanong niya. “Oo pero iinom naman ako ng malamig na tubig pagkauwi ko sa bahay” sagot ko. “3 sisig with egg” sabi niya. “Yung isa po doon ay two rice po” dugtong ko sa sinabi niya. “Okay po hintayin niyo na lang po na maihatid sa inyo” tumango na lang ako at pumunta na kami sa pwesto na pinili ni Keanne. “Dito ko pinili malapit sa electric fan” napatingin ako bigla kay Xieron at napalunok dahil sa itsura niya nakakalaglag ng panty dahil wala itong blazer na suot at nakabukas pa yung butones niya. Agaw pansin siya ng mga kababaihan na kumakain dito at kinikilig pa pero ang lolo niyo ay napakaseryoso talaga ng mukha. ‘Sorry pero sa akin siya patay na patay’ bigla akong napapikit. ‘Shh!! Mali ito! Mali! Nangako ka sa self mo na di ka muling mainlove sa gwapo dahil masasaktan ka lang’ “Are you okay?” minulat ko ang mga mata ko at nakatingin sila sa akin. “Ahh… masakit lang yung puson ko. Nagkaroon lang ako ng dysmenorrhea every monthly period ko” saad ko. “You shouldn't attend your class if may dysmenorrhea ka” sermon ni Tatay este ni Xieron. “Okay lang may quiz kami sa maternal kaya di ako pwedeng umabsent dahil lang sa may dysmenorrhea ako” saad ko. “Ito na po yung order niyo” kinuha na nila ang mga inorder namin at binigay sa akin ni Xieron ang sisig na may itlog. “Hmmm… masarap nga” ngumiti ako kay Keanne. “Sabi ko sayo masarap rito” sabi ko. Tumingin naman ako kay Xieron at bigla akong napalunok dahil madiin niyang tiningnan si Keanne na parang gusto niya nitong umbagin ng suntok. “Hey” pinitik ko ang kamay ko at nawala ang matalim niyang tingin kay Keanne. “Kumain ka na at pagkatapos nito bumalik ka na sa kompanya mo” saad ko. “I’m staying in university” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Kuya, madami kang tatrabuhin kapag nagstay ka sa university at isa pa wala naman na yung grupo nina Leila di ba pinatalsik mo na siya sa school” saad niya. “Yeah, pero may gusto lang akong bisitahin doon” bigla itong tumingin sa akin napaiwas na lang ako ng tingin. “Si Tito ba?” tumango siya. Tumayo na ako at nagulat naman sila. “Where are you going?” “Babalik na ako sa school may meeting kasi kami ng mga kagrupo ko sa research” saad ko. “Ihahatid ko na kayo” di na lang ako nagcomplain dahil na rin sa nagmamadali ako. “Let's go” inubos ko muna yung softdrinks at saka sumunod sa kanila. Pupunta na sana ako sa back seat pero bigla itong naglock. Nakita ko si Xieron na binuksan ang front seat wala na akong nagawa kung di umupo katabi niya. Pumasok na rin siya sa loob at nagulat ako na may binigay ito sa akin. “Ano ito?” tanong ko. “Water, para maabsorb agad yung ininom mong softdrinks” ininom ko naman ito at inubos na rin. “Eto salamat” kinuha naman niya ang tumbler at tiningnan ang loob. “Mahilig kasi akong uminom ng malamig na tubig lalo na't kapag matindi yung init” saad ko. “Yeah, halata nga” tumawa ako ng mahina. “Let's go para di mainip yung kagrupo mo” itinuon ko ang tingin ko sa labas. *** Pagsapit ng 4:00 pm ay uwian na namin yun nga lang may pinapagawang homework na sandamakmak. Di ko alam kung matatapos ko ito ng isang araw lang pero kailangan kong kayanin dahil nakasalalay ang grades ko doon. “Mauuna na ako ingat” kumaway ako kay Keanne. Bukas ko palang makakasama sina Megan at Patricia sa coffee shop ni Winslet. “Hello, Mang Tani” bungad na sagot ko. “Po? Di niyo po ako masusundo ngayong araw?” tanong ko. “Okay po sige po magcommute na lang po ako” sagot ko. “Kaya ko naman po, siya sige po” binaba ko na ang tawag at napasigaw ako sa gulat dahil ang kotse ni Xieron pala ang nagbusina. “Sumabay ka na” saad niya. “Magtaxi na lang ako” naglakad pa rin ako para doon sumakay sa labasan. “Matagal kang mag-aabang dyan traffic pa naman sa EDSA” napapikit ako ng mariin na parang gusto kong basagin ang mukha niya sa sobrang kakulitan niya. Para siyang batang ubod ng kulit at pasaway pero sabagay ayoko pa naman umuwi ng mag-isa dahil malapit nang magdilim. “Sige na nga sasabay na ako kaysa naman sa abutan ako ng dilim rito” sumakay na ako sa kotse niyaat kinabit ang seatbelt pinatakbo na niya ito. NAGULAT ako bigla dahil alam niya kung saan ako nakatira. “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” tanong ko. “Because I am your neighbor” kumunot ang noo ko. “Did you see yung nag-iisang malaking bahay, that’s mine” napalingon ako bigla sa kanya. “Ibig sabihin, ikaw yung tinutukoy nila ns pinakamayaman na nakatira rito sa village” tumango siya. “Yes but you will live here soon” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Huh?” “See you tomorrow mon chéri” bigla niya akong hinalikan sa pisngi at pumasok na sa loob saka palang ito pinaandar at umalis. Napahawak ako sa pisngi ko na hinalikan niya. ‘Bakit ganito yung nararamdaman ko, parang nakaramdam ako ng kilig at di galit’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD