Chapter 25

1278 Words
Weeks had passed nang matapos ang Christmas break namin at pasukan na naman kaya lang naging malungkot ako dahil di ko na naging kaklase sina Megan at Patricia pero may kakilala naman ako sa bagong section na napuntahan ko walang iba kung di si Keanne. “Grabe, ako na naman yung leader!” napakamot ako bigla sa ulo ko. Natawa naman yung iba kong kagrupo sa reklamo ko. “Magaling ka kasing leader nung last sem syempre ikaw talaga ang pipiliin nila” napasimangot naman ako bigla. “Wag niyo nang asarin si Abi mag-isip na tayo na magandang title na naayon sa course natin” tumango na lang sila at nag-isip na kami ng title. “So, ikaw na naman ang ginawa nilang leader?” tumango ako. “Wala naman akong choice kung di tanggapin yun” sagot ko. “Well kaya mo naman siya ihandle di ba sa dalawang case study na ginawa natin naipresent mo siya ng maayos at nagustuhan nila yung way nang pagdiscuss mo” saad niya. “Pero magkaiba yun” sabi ko. “Abi, hindi ka naman mag-isa na gagawa ng research may mga kagrupo ka na gagawin yung part nila pero syempre you need to correct their work and revise it before mailagay. Nakakapagod kapag magrevise pero nakakatakot mareject dahil buong research ay uulitin mo” paliwanag niya. “Sabagay, tama ka naman” sabi ko. “Anyway, doon ka pa rin nakatira” umiling ako. “Sa isang subdivision na ako nakatira” saad ko. Bumili ng bagong bahay si Tito Kyron dito sa Makati para raw may malapit na akong uuwian. Yung bahay na binili niya sa Pampanga ay nandun pa rin at may caretaker lang ang nandoon. Nung sumunod naman na linggo ay may nalaman kaming di inaasahang balita. Patay na raw ang Mayor ng San Jose Del Monte ng Bulacan magiging kampante na rin kami kaya lang di namin maiwasan kabahan dahil di pa raw nahahanap ang bangkay ng Mayor kaya labis pa rin natatakot si Tita sa kaligtasan ng magiging anak nila. Nakarating na ako sa bahay dahil sinundo ako ng driver nila. “Hello po, si Tita” hanap ko kay Tita. “Nasa taas baka tulog” tumango ako. “May gusto ka bang meryenda iha” umiling ako. “Busog pa po ako” saad ko. “Okay sige umakyat ka na at magpahinga ka muna” tumango ako at umakyat na ako sa itaas. Di ko na rin nakakausap si Xiara after kasi namin umuwi ng Pampanga ay bigla na lang ito nawala nang parang bula. Gusto kong magalit sa kanya dahil di man lang siya nagpaalam sa akin or magpakita man lang. Alam ko ang dahilan kung bakit ito di na nagpakita pa dahil nalaman niya na nakipagbalikan yung ex ni Jarred at may nagsend sa kanya ng picture na naghahalikan sila ng ex ni Jarred pero mukhang na misunderstand si Xiara dahil matagal na pala ito nung college days pa lang nila at sila pa lang nung mga panahon na yun. Paulit-ulit nagmakaawa sa akin at sa pamilya ni Xiara si Jarred na ituro kung nasaan na siya pero wala rin kaming alam dahil nagulat na lang kami ng di na ito makontak ng pamilya niya. “Di pa rin ba siya mahanap ng pamilya niya?” tumango ako. “Alam ko nasaktan siya sa nangyari pero dapat she's investigate first bago siya magreact at lumayas bigla” napahilot ako bigla sa sintido ko. “Naku kapag nagkita talaga kami masasabunutan ko siya ng wala sa oras” inis kong tugon. “Hayaan niyo muna siya baka gusto niya munang makapag-isip” saad ni Megan. Napabuntong na lang ako ng hininga. “Anyway, nabalitaan ko na ikaw na naman ang naging leader ng research niyo” tumango ako. “Tss! Porket nakita nila kung paano ako maghandle ng grupo well ayoko nang may pabigat sa grupo dahil kapag di sila nakipagcooperate ay tanggalin ko sila at bahala sila na.magconduct ng research nang mag-isa” sabi ko. “Ikaw, kamusta?” saad ko. “Babe, I’m home” kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses na yun. “Ahmm…. S-sige mamaya na lang” magsasalita sana ako nang patayin niya ang tawag ko. ‘Tang*na, sila na ba ni Jervy?’ Binaba ko ang cellphone ko sa bed side table ko at humilata. Napapikit ako at isang imahe ang lumabas na di ko kayang kalimutan. “Shuta! Bakit ba kasi bigla akong hinalikan ng lalaking iyon” bigla akong napasabunot sa buhok ko. Bago kasi kaming bumalik sa Pampanga may pabaon pa si Xieron ng isang halik na hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin kung paano niya ako hinalikan. Di ko na ito muling nakita pa sa University dahil nagfocus na ito sa kanilang company at ang daddy niya ang naging presidente ng university maging si Jarred ay ganun din. Mabuti na rin yun dahil gusto kong maging tahimik ang pag-aaral ko dahil konting tiyaga na lang ay matutupad na ang pangarap ko na maging isang registered nurse. “How's school, Abi?” binaba ko ang kubyertos. “Pshh! Ginawa na naman nila akong leader sa research” maktol kong tugon. “Ikaw kasi ginalingan mo masyado kaya you don't have choice kung di tanggapin yun” napasimangot ako. “Tito, di pa rin po ba siya nahahanap?” umiling siya. “Nagtanong-tanong na rin kami sa mga kamag-anak ng mama niya mukhang di pumunta si Xiara doon. Gusto ko nga magalit kay Jarred pero alam ko naman na wala siyang kasalanan at yung baliw niyang ex talaga ang may pakana” napailing na lang si Tito Kyron sa pagiging baliw nung ex ni Jarred. Dahil sa kanya ay di na natuloy ang kasal na mangyayari dapat ngayon summer. “How's your sleep, Hon?” tanong ni Tito. “Tss! Puyat syempre pero di ako mapapagod dahil dumating na sa buhay natin ang anak natin. Di ako magsasawang alagaan sila” tugon ni Tita. Napangiwi na lang ako. “Pasintabi po sa single” parinig ko sa kanila. “Edi payagan mo nang manligaw sayo si Xieron” napasimangot ako. “Di naman siya nanliligaw ah” saad ko. “Bakit gusto mo rin ba na ligawan ka?” di ako nakasagot agad. “Mamaya na yan kumain na tayo” sumubo na akong ng kanin at ulam. ‘Kaasar! Nangako na nga ako sa sarili ko na di ako mainlove sa gwapo bakit lapitin pa rin ako ng mga gwapo’ *** It lunch break at may balak akong pumunta sa sizzling house para kumain ng sisig. Bigla akong nagcrave doon dahil may naamoy akong may nagluluto ng sisig. Alam ko na ito na yung sign na malapit na ako datnan ng dalaw. “Where are you going?” biglang sumulpot si Keanne. “Doon sa sizzling house bigla kasi akong magcrave sa sisig” sagot ko. “Gusto mong sumama?” tanong ko. ‘Bakit ko nga pala inaya siya alam ko naman na di mahilig ang mga katulad niyang mayayaman’ “Sure” nagulat ako at napalingon sa kanya. “Sigurado ka?” tumango siya. “Edi tara na baka madami nang tao doon” hinila ko na siya at binilisan namin ang paglalakad. Nang nakalabas kami ay may biglang may busina sa likod namin. Tumakbo ito at pumunta sa gilid namin pero nung binaba na nito ang salamin ay nanlaki ang mata ko dahil di ko inaasahan na pumunta siya sa university. “Where are you two going?” biglang tanong niya. Napansin ko na umigting ang panga niya at sinamaan niya ng tingin si Keanne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD