Pumasok ako bigla sa kwarto namin at nagulat ang mga kasama ko rito sa room.
“Bakit parang hinihingal ka tumakbo ka ba?” tanong ni Megan.
“Megan, kilala ko na kung sino yung secret admirer ko” nagulat sila sa sinabi ko.
“Sino?”
“Yung president ng university natin si Sir Xieron” sagot ko.
“Paano mo naman nalaman?” Tanong nila.
“Dahil tinawag niya ako ng “mon chéri” napatakip sila ng bibig.
“Totoo?” tumango ako.
“Sabi ko na nga ba, may gusto sayo si Sir Xieron” napaupo ako bigla sa kama namin.
“Bakit ako pa ang nagustuhan niya?” tanong ko.
“Dahil sa mga ngiti mo na di niya naalis sa isip niya” lumingon ako at si Xiara ang nagsalita.
“You know this?” tumango siya.
“Yes, matagal na I think nung nalaman ko na ikakasal ako kay Jarred. He talks to me and he wants to know you but I didn't say anything about you because I just want him to know on his own” saad niya.
“Girl, may tissue ka?” tumingin kami sa dalawa.
“I forgot na magdala, why?”
“Pacheck nga ako kung may dugo na lalabas sa ilong ko” pabirong sabi niya.
“Wala naman puro bogart lang” tumawa kami ng malakas.
“Ano ba kasi ang pinaggagawa niyo?” tanong ko.
“Wala kasi nakakanose bleed yung pagingles ni Xiara” mahina kaming tumawa pero sumeryoso ang mukha ko.
“Anong ginawa niya?” tanong ko.
“She's investigate you and nalaman niya ang situation mo”
“And nagustuhan niya ako dahil naawa siya sa akin?” umiling siya.
“Yung una kayong nakita parang di na daw maalis yung ngiti mo sa kanya yung nagtanong daw siya sayo tapos eto pa medyo nakakatawa nagustuhan din niya sayo yung pagtataray at pagtaas mo daw ng kilay sa kanya. Parang ngang tanga di ba sa mga ganun attitude dapat maoffend ka na, siya hinde talagang nagustuhan ka pa niya” mahabang lintaya niya.
“Di kaya tinitigasan siya kapag nagattitude si Abi” binatukan naman siya ni Megan.
“Gag*” napangiwi ako bigla.
“Yun ang wag niyong hilingin dahil nagtitimpi lang yun” saad niya.
“Hayys! Abi, kung may balak kang iwasan siya wag mo nang ituloy dahil di ka nun titigilan” sabi niya.
“Edi, tumambay na lang tayo sa coffee shop ni Winslet” tumango ako.
“Uuwi kami ng Pampanga after nito” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Na di kasama si Tita?” Tumango siya.
“We need act like a normal dahil may mga galamay pa si Mayor na nakakalat. Wag kang mag-alala akong bahala sayo” saad niya. Napatango na lang ako.
“Magpahinga ka muna” humiga na ako sa higaan ko at di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
***
Kinabukasan, ay maaga akong nagising dahil gusto kong maglakad-lakad sa dalampasigan pero saglit lang dahil nakita ko na naman si Sir Xieron na nakatingin sa akin at nagkakape. Ngumiti siya sa akin habang humihigop ng kape bigla naman ako kinilabutan dahil sa uri ng tingin niya. Dali-dali naman akong bumalik sa tinutuluyan namin dahil di ko na kaya pang makipagtitigan sa kanya baka tuluyan na naman akong mahulog sa isang gwapo, kabaligtaran nga lang dahil siya ang may gusto sa akin.
“Ohh… aga mong nagising” bungad sa akin ni Megan pagkapasok ko sa hotel room.
“Naglakad-lakad lang” sabi ko.
“Baks, nag-aya si Jarred na mag-almusal” pag-aya ni Xiara.
“Tayo lang ba?” umiling siya.
“Kasama natin si Xieron” nawala ang ngiti ko sa labi at bigla akong napaupo sa kama.
“Di ako sasama” nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.
“At bakit naman?” humiga akong muli.
“Wala lang, gusto ko lang ulit matulog” tumagilid ako at ipinikit ang mga mata ko.
“Okay sige mukhang inaantok ka pa” saad niya. Nakiramdam na lang ako at umalis na sila dahil narinig kong binuksan nila ang pintuan pero mga ilang minuto lang ay may narinig na naman akong muli na parang bumukas ang pintuan. Akala ko nung una ay may naiwan sina Megan at Pat pero nagkamali pala ako dahil may isang malaking tao na bumuhat sa akin na nakabride style.
“Shuta!!” niwagwag ko ang mga binti ko at umangat ang paningin ko dahil si Sir Xieron ang bumuhat sa akin.
“Ano ba ibaba mo nga ako!” pero di ito nagpatinag.
“I’m sorry pero di kita ibaba” nagwawala pa rin ako hanggang sa nakarating kami sa isang restaurant na kami lang ang tao.
“Ano ba!!” di pa rin niya ako binaba.
“Stop or else I kiss you” tumahimik ako at hinayaan ko na lang siya dahil ayoko pang magpahalik.
“Buti naman napapayag mo na siyang pumunta rito gutom na gutom na ako” reklamo ni Xiara.
“Anong pumayag? Binuhat niya ako papunta rito!” inis kong sabi.
“Kailangan ka talaga niyang pilitin dahil kapag di ka kumain ng breakfast madadamay kami” sinamaan ko ng tingin si Sir Xieron.
“Eat” binigay niya sa akin ang pagkain na meron nang ulam at kanin.
“Gusto mo subuan pa kita” kinuha ko ang kutsara’t tinidor at nagsimula na akong kumain.
“Saan niyo gustong pumunta?” nagtaas ng kamay si Xiara.
“Gusto kong sumakay sa yacht” sabi niya.
“Sama kami ah” tumango si Xiara.
“Ikaw, Abi di ka sasama?” tanong niya.
“Matutulog ako dahil kailangan ko iyon halos wala na akong nung nagpresent kami ng case study sa hospital and sa Community” sagot ko.
“Matutulog ka lang ng buong araw sa hotel?” tumango ako.
“Hay naku di mo maenjoy yung ganda ng Siargao dito kung tutulog ka lang ng buong araw” napairap ako sa kanya. Tiningnan ko ang katabi ko at bigla itong ngumisi sa akin.
“Ano naman ningisi-ngisi mo dyan?” tanong ko.
“Abi, wag kang masyadong mataray baka mamaya niyan nasa higaan ka na” biglang ako namula at binato naman siya ni Sir Xieron dahil sa wala filter nitong bibig.
“Shut up! Mico” saway ni Sir Xieron sa kanya.
“Anyway, why didn't you enjoy this one week vacation?” tumaas bigla ang kilay ko.
“Gusto kong matulog magagawa ka ba?” pagtataray ko sa kanya.
“Well, maganda rito mawawala lahat ng pagod mo at problema mo sa buhay kung magrelax ka” bumuntong ako ng hininga dahil di ko inexpect na makulit ito.
“Naku, Ms. Abigail pumayag ka na di ka titigilan niyan hangga't di ka napapayag na magenjoy rito” tumingin ako sa mga kasama ko at tumango sila na pumayag na ako.
‘Sana naman pagkatapos nito tigilan niya na ako sa pangungulit niya’
“Fine sige sasama na ako” napa-yes ang katabi ko at yung mga kasama ko naman ay ngumisi lang.
‘Ano naman kaya ang dahilan ng pagngisi nila?’