bc

Reincarnated to a mafia boss daughter

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
dark
mafia
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Isang babae na magnanakaw, maangas at parang lalaki kung gumalaw. Magaling makipaglaban, at may pagkahilig sa makikinang na bagay. Huwag mo siyang pagalitan dahil kahit magnanakaw lang siya, masama naman siyang magalit. Hindi mo aakalain kung ano ang laman ng isip niya.Sa ibang mundo, isang babae na wala alam sa pakikipaglaban . Marami ang hindi gusto sa kanya dahil sa kanyang panlabas na itsura, at ang alam lang niyang gawin ay magpansin sa mga taong nagugustuhan niya.Ngunit isang araw, nangyari ang isang hindi inaasahang kaganapan. Ang dalawang tao ito ay mamatay . Ngunit sa isang kamangha-manghang pagkakataon, ang isa sa kanila ay na-reincarnate sa isang mundo ng mafia , kung saan tanging mga mafia ang namumuno.Sa mundong iyon, nagkaroon siya ng bagong buhay at bagong mga pagkakataon. Hindi na siya ang dating babae na walang alam sa pakikipaglaban. Ngayon, isa na siyang bahagi ng isang madilim na mundo ng mga mafia. Ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban at ang matalim niyang utak ay naging mahalagang sandata sa kanyang bagong buhay.

chap-preview
Free preview
1 killed
Isang babae ang naglalakad sa tabi ng kalsada, naghihintay ng mabibiktima. Kanina pa siya galit na galit, at patuloy na nangangati ang kanyang mga kamay, naghahanap ng pagkakataon na makapagnakaw. Isa siyang holdaper, ngunit tanging gabi lamang siya lumalabas para hindi makita ng iba habang siya’y nagmamasid sa daan. Dahil wala pa siyang nakikitang biktima, nakakita siya ng paparating na sasakyan. Mabilis siyang humiga sa kalsada at nagkunwaring nahimatay. Nang huminto ang sasakyan at bumaba ang driver, lumapit siya sa babae. "Oh Diyos ko, anong nangyari sa'yo?" tanong ng lalaki, habang mabilis na lumapit at nag-alala. "Miss, miss, buhay ka pa ba?" tanong ng lalaki habang dahan-dahan siyang tinitingnan. Nang makita niyang buhay pa ang babae, dahan-dahan niyang pinaharap ito sa kanya. Bigla na lang, nagulat ang lalaki nang may matulis na bagay na dumaan sa kanyang leeg. "Hold up! Bigay mo ang pera mo kung gusto mong mabuhay!" sigaw ng babae, habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg ng lalaki. "Wag, parang awa mo na, wag mo akong patayin," plea ng lalaki. "Kung ganon, bigay mo na ang pera mo at alahas, dali!" utos ng babae, na halatang nagmamadali. "Sige, pero hindi ko dala ang pera ko. Nasa loob ng sasakyan ko. Kung gusto mo, kukuhanin ko na lang," sabi ng lalaki, na umaasa na hindi siya papatayin. "Sige, pero wag kang gagawa ng hindi maganda, kundi putol ang leeg mo, maliwanag ba?" sabi ng babae. "Oo," sagot ng lalaki, habang dahan-dahang pumunta siya sa sasakyan upang kunin ang kanyang pera. Inilabas niya ang pera at tinago ang baril sa likod ng kanyang damit bago ito ibinigay sa babae. "Magaling," sabi ng babae, habang nakangiti at tinanggap ang pera. "Masunurin ka pala, pero kailangan kitang patayin." "Wag! Binasa ko na sayo ang pera, wag mo akong patayin," ang pakiusap ng lalaki. "Saying ang pagmamakaawa mo, dahil hindi ito tumatalab sa akin," nakangiting sagot ng babae. Habang itinutok ng babae ang kutsilyo at tatangkang saksakin ang lalaki, mabilis na kinuha ng lalaki ang baril niya at pinutok ito. Nararamdaman ng babae ang sakit sa kanyang tagiliran at naramdaman ang pag-agos ng dugo. Pero kahit nasaktan na siya, tinangka pa ring saksakin ang lalaki. Sa kabila ng lahat, pinutok na naman siya ng lalaki. Tumumba siya at dahan-dahang pinikit ang kanyang mata. Ang huli niyang nakita ay ang lalaki na nakatayo at nakatingin sa kanya. Unti-unting nawawala ang kanyang buhay, at ang lahat ay naging itim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.9K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.3K
bc

Bad Boy Biker

read
8.6K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook