Pagdating nila sa Casa Lucencio, sinalubong sila ng kanyang private lawyer. Kaagad na tumuloy si Hendrick sa silid na tila isang opisina. Sumunod si Lucien at ang abogado, hawak-hawak ang mga dokumentong nakuha nila mula kay Letty. "Iba na ito, Hendrick," sabi ng lawyer habang tinitignan ang mga papeles. "Hindi ito simpleng kaso ng pag-agaw sa negosyo. Mukhang mas malalim ang koneksyon ni Gael sa mga taong itinatago ng iyong ama." "Alam ko," sagot ni Hendrick, nagpupuyos ang galit sa dibdib nito. "At hindi ko hahayaang makuha ni Gael ang anumang bagay na iniwan ng Papa ko. Kung kailangan kong bumangga sa mga taong ito, gagawin ko." "Pero hindi ka dapat magpadalos-dalos," sabat ni Lucien. "Si Gael at ang mga tauhan niya, sila ang klase ng mga tao na hindi sumusunod sa mga patakaran ng

