Sa kabila ng lahat ng nangyayari, nagagawa pa rin ni Hendrick na makipaglaro kay Chin-chin. Pagkagising nito kanina ay ang daddy agad nito ang hinanap. Tahimik ang buong Casa Lucencio at hindi rin nagpaparamdam ng araw na iyon si Gael o maging ang mga tauhan nito. “Daddy!” hiyaw ni Chin-chin, habang pababa sila ng hagdan. “Yes, baby? Good morning my sunshine,” masatang bati rito ni Hendrick. Ibinaba nito ang hawak-hawak na mug at kinuha mula sa kanya ang bata. “Mowning daddy,” nakangiting sambit nito. Tumingin naman sa direksyon niya si Hendrick. Hindi niya ito pinansin at dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi niya alam kung bakit wala ng mabigay na oras sa kanya ang asawa. Puro na lang ito trabaho, isama pa doon ang tungkol kay Gael. Ahhhh! Kahit ang magsiping o

