Nang tumambad si Gael sa pinto, hawak ang baril at may nakakalokong ngiti sa kanyang mukha, biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon sa isang iglap, at agad niyang naiisip ang kapatid niyang si Chin-chin at si Aling Ester na nasa baba. Diyos ko, anong gagawin namin?anang isip niya habang pinipilit niyang kumalma. Si Hendrick, bagama’t halatang nagulat, ay mabilis na bumalik sa kanyang seryosong awra. Hindi siya nagpahalata ng takot o pangamba. Ngunit batid niya ang tensyon rito.. Dahan-dahan siyang ibinaba ni Hendrick mula sa pagkakakarga, at inilagay siya sa likuran nito tila pinoprotektahan siya, bago siya tumingin ng diretso kay Gael. "Ano ang kailangan mo, Gael?" malamig na tanong ni Hendrick, nilalabanan ang galit sa boses nito. Ngumiti ng mapanlin

