Habang nakaharap si Hendrick sa mga tauhan ni Gael, bumigat ang pakiramdam nito. Alam nilang lahat na wala na silang ligtas palabas ng Casa. Ang tanging magagawa nito ay ang makipagkasundo kay Gael para sa kaligtasan ng pamilya ni Hendrick. “Mauve,”bukong ni Hendrick habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ngbasawa. “Kapag nagkaroon ng pagkakataon, tumakbo kayo Aling Ester at Chin-chin. Ako na ang bahala rito.” Ngunit bago pa magsalita siya ay mabilis na naglabas ng baril si Lucien.at binaril nito ang isa sa tauhan ni Gael “Hendrick! Ilayo mo na sila,” sigaw ni Lucien. Muli itong nagpaputok at tinatarget ang isa pang tauhan ni Gael. Hindi nag-atubiling sumunod si Hendrick. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya at dumaan sila sa banyo kung saan may secret door doon patungo sa ma

