Habang nagpapahinga sila, si Tobias naman ay abala sa pag-aayos ng mga baril at iba pang sandata. Kitang-kita niya kung gaano kasanay si Tobias sa ganitong mga sitwasyon. Mabilis ang galaw ng mga kamay nito, tila ba kabisado na ang bawat detalye ng mga armas na hawak. "Bakit mo ginagawa 'yan?" tanong niya hindi na nakatiis sa katahimikan. Nag-angat ng tingin si Tobias, ang malamig na mga mata nito'y tumama sa kanya. "Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo magiging ligtas dito. Kailangan nating maging handa. Hindi tayo pwedeng lumabas rito ng wala tayong kasiguraduhan.." Napalunok siya. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Tobias, ngunit hindi pa rin niya maiwasang matakot sa bawat minutong lumilipas. "Huwag kang mag-alala," dagdag ni Tobias. "Nandito ako para protektahan kayo. Gagawin

