CHAPTER 41 BOOK2 She thinks na hindi iyon ang tamang panahon para pag-usapan nila ang tungkol kay Chin-chin. Alam niya na gustong malaman ng Ate niya kung paano niyang napalaki ng mag-isa ang kapatid gaying wala na ang mama nito. “Mauve, nakaya mong mapalaki ang bata ng mag-isa lang? That's impossible.” Hindi pa rin makapaniwala na saad ng Ate Tiffany niya. “Ate.. pwede ba huwag na muna natin iyang pag-usapan ngayon,” malungkot niyang wika. Tumango ang Ate niya bilang pag-sang ayon sa desisyon niya. Pinakain na rin si Chin-chin ni Hendrick at tuwang-tuwa ang bata. Wala rin sina Aling Ester dahil naiwan sila sa bahay para may tao roon. Dumalaw rin ito kasama si Mang Dino kanina lang ngunit bumalik lang agad. Sumaglit lang sila sa burol. Nang matapos kumain ay nagpaalam sina Hendrick

