Nang makalipas ang ilang oras na tahimik na pag-aantay, biglang gumalaw ito mula sa kama. Bumagal ang t***k ng puso niya habang pinagmamasdan ang bawat malalim na paghinga nito. Mula sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang unti-unting dumilat ang kanyang Papa. Nang magmulat ito ng mata, bumaling ito sa direksyon niya. Malamlam ang mga mata nito, ngunit may maliit na ngiti na lumitaw sa kanyang mga labi. "Mauve...anak…" mahina nitong sambit, tila ginagawang lahat ng lakas para lang masabi ang pangalan niya. Agad na lumapit siya sa ama, mabilis na pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata. "Papa, I'm really sorry," sabi niya habang hawak-hawak ang kamay nito. Hindi niya mapigilan ang damdamin—halo-halong saya at kirot. Huminga nang malalim ang kanyang ama, tila inipon ang natitira

