Day 2

174 Words
September 2, 2029.   Dear Prince,   I consider you as my second crush.   Hello Prince, ini-stalk kita sa f******k tapos ang gwapo-gwapo mo rin pero mas gwapo para sa akin si Junie.   Ikaw ang una kong naging crush noong grade seven tayo. Kinilig nga ako noong magkatabi tayo at one time pa nga ay nag-volunteer kang isulat ako.   Grabe ang kilig at tuwa ko habang naaalala iyon. Akalain mo ba naman na pati iyung mga mali mo ay nandon din sa notebook ko.   Okay, singkit ka, mabait at gwapo pero ang hindi nakakatuwa ay halos lahat ng kaklase nating babae ay may gusto sa iyo. One point ka diyan.   Alam mong crush kita non pero ngayong matanda na ako, hindi na kita crush dahil I grow up now.   Nakakaloka talaga na dahil sa pagkagusto ko sa iyo dati ay kinaibigan ko ang nanay mo. Ang baliw lang ano, sobrang gwapo mo kasi.   Sige, hanggang dito na lang.   Sana mabasa mo ito at alam ko kung mababasa mo man ito, siguradong wala na ako.   Mag-ingat ka palagi at sana matupad mo ang lahat ng pangarap mo.   Nagmamahal, Venice Marcia
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD