"WILLIAM" tawag niya sa kaibigan niyang sinisimulan na namang landian ang pinsan niya.. may pagtataka naman siya niyong tinignan.. "Since marami ka ng naging babae---" naputol ang sasabihin niya sana ng padabog na umalis sa sala si marikit.. "Wrong timing ka naman dude.. alam mo bang dahil sa sinabi mo bad shot nako sakaniya.. hirap pa namang suyuhin yon.." inis na usal nito na siyang kinataas ng kilay niya.. "Whats the real scores between you and marikit?" Tanong niya dito.. dahil busy siya kay ken nung nakaraang araw ay wala na siyang alam sa nangyayari sa dalawa.. "Ayon pinaparamdam ko sakaniya na mahal ko siya pero ang nakakainis lang hindi niya makita iyon.. nagtapat narin ako pero para sakaniya niloloko ko lang siya" stress na usal nito at napasandal sa sofa na kinauupuan nito..

