HANGGANG ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nagyari kahapon.. alam ko sa sarili ko na napakabilis ng nangyari pero hindi ko ikakaila sa sarili ko na nagugustuhan ko ang nangyayari ngayon.. "Hoy ken ayos ka lang ba?? Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo... may problema kaba" malumanay na usal ni bakekang sa gilid ko.. himala hindi ata ito nagsusungit ngayon.. "Kasi bakekang e" usal ko na siyang nagpataas ng kilay niya.. "Ano nga?" Maldita niting tanong.. "Kapag ba sinabi ko hindi ka magagalit?" Puno ng pggasa na usal ko rito.. kita kong mas lalo itong nagtataka sa sinasabi ko.. "Magagalit talaga ako kapag hindi mo sinabi" usal niya kaya napahinga ako ng malalim bago magsalita.. "I-im p-pregnant" usal ko.. ibig kong matawa ng nanlaki ang chinita nitong mata..

