SERYOSO lamang ang binatang pumipirma sa isang papeles habang nakakunot noo pero hindi parin nakakabawas sa angkin kagisigan niya. Mas lalo nga ito gumwapo lalo na't nakasalamin siya. Medyo malabo ang kaniyang mata kaya naisipan niyang magsalamin na. Ginagamit niya lang ito kapag oras ng trabaho.
"Staring is rude Ms Ching" malamig na usal niya sa kaniyang sekritarya. Kanina pa kasi niya nararamdan ang mainit nitong tingin sakaniya na siyang kinairita niya pero hindi niya pinahalata.
"Sorry sir" usal nito pero napaasik siya ng palihim dahil konti nalang talaga masesesanti na talaga niya ito. Ayaw kasi niya sa lahat na kapag oras ng trabaho mas inaatupag pa ang oaglalandi sakaniya.
Marami na siyang naging sekretarya pero marami narin siyang tinanggalan ng trabaho dahil hindi trabaho ang balak ng mga ito, kundi ang katawan at pera niya. Well hindi pa naman siya tanga para patulan mga ito. Meron siyang kakaibang pakiramdam na kapag pinatulan niya mga ito parang may magagalit? At parang nagtataksil siya kahit wala pa siyang naging nobya kahit isa pa.
Nakakatawa mang isipin pero kahit maghubad pa ang mga babae sa harapan niya ay hindi man lang siya tinitigasan o hindi man lang siya makaramdam ng init sa katawan bagkus ay pandidiri pa. Aaklain na talaga niyang bakla siya pero kilala niya ang sarili niya. 100% barakong barako.
Kahit nagtataka man ay hindi man niya masyadong naisip dahil puro trabaho lang ang pinagkakabalahan niya, umaga hanggang gabi.
"Ms Ching cancel my all meetings" seryosong usal niya rito ng matapos niyang mapirma lahat.
"Ok sir" tanging usal nito at lumabas na sa opisina niya bitbit ang mga pinirmahan niya mga papeles. Mabuti naman ay hindi siya nilalandina nito lalo na kapag oras ng trabaho. Kaya matitiis pa niya ito kahit na iba itong tumingin sakaniya.
Napahinga siya ng malalim dahil maaga siyang uuwi ngayon dahil pinapapunta siya ng ina niya sa mansyon, miss na daw siya nito at nagtatampo ito dahil hindi na daw niya pinupuntan sa mansyon. Nang tumuntong siya ng labing walong taong gulang ay naisipan na niyang bumukod sa magulang kaya nagpagawa siya ng sariling mansyon niya.
Siguradong kukulitin na naman siya ng mga itong magasawa na at bigyan niya mga apo ito. Sakanilang tatlong magkakapatid ay siya nalang ang hindi pa pamilyado. Panganay siya sakanilang magkakapatid pero siya ang nahuhuli.
Tumingin siya pambisig niya para tignan ang oras at nakita niyang alas dos ng hapon kaya naisipin na niyang magtungo sa mansyon. Hindi niya pinansin ang mga empleyadong sinusulyapan siya at pinatili niyang seryoso ang mukha.
Pagkasakay sa kotse niya ay mabikis niyang pinasibat, makalipas ng oras ay nakarating na siya sa mansyon. Pinark muna niya ang sasakyan bago pumasok. Pagkapasok palang ay nagulat siya ng salubungin siya ng mom niya.
"Hello my dear son!! Ang gwapo mo talaga!! Pakiss nga" nangigigil na sabi nito at hinalikan siya sa pisngi at may tunog pa.
"Mom!! Im not baby anymore!!" Masungit na usal niya at seryosong tinignan ang ina.
"Ihhhh basta!! Ikaw parin ang baby ko!! Bakit kasi hindi mo pa ako bigyan ng apo e" parang batang reklamo nito habang nakakawit ito sa braso niya. Nagtungo na sila sa sala.
"Bibigyan ko rin po kayo mom" usal niya. Nagulat siya ng pingutin siya ng mom niya kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Kailan naman aber!! Ilang beses ko ng narinig yan pero hanggang ngayon wala parin!! Pano ka niyan makakapagasawa e ang arte arte mo sa babae. lahat ng mga anak ng amiga ko hindi mo sila sinisipot. Yung iba naman prangkahan mong pinapahiya. Bakit kasi hindi ka nagmana sa ama mong babaero e. Kung hindi lang talaga kilala son iisipin kong bakla ka" nakasimangot na usal nito at nangigigil pa nitong pinisil ang tenga niya.
"A-aray naman mom. Stop it!! Basta this year bibigyan ko na po kayo ng apo" Nagpupumiglas na usal niya. Sinabi niya lang iyon para pakawalan na nito ang tenga niya. Napahaplos siya sa tenga ng pakawalan siya nito.
"Yieeee talaga!!Gusto ko sampo son!!" Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito.
"Oo nalang mom" masungit na sabi niya habang nakasimangot na nakatingin dito. Masaya naman itong yumakap sakaniya. Napailing na lamang siya. Kung kailan tumatanda na ito e nagiging isip bata ito.
Nasa sala na sila at nagutos ang mom niya sa isang katulong na kumuha ito ng dalawang slice ng chocolate cake at dalawang orange juice. Maraming tinanong sakaniya ang mom niya, siya naman ay panay sagot lang habang nilalantakan ang cake.
"Hi sweetheart!! I miss you" usal ng dad niya at lumapit sa mom niya. Mukhang galing pa ito sa trabaho.
"Huwag mokong masweethewrt sweetheart diyan!! Akala mo hindi ko kayo nakita ng kabet mo sa labas ng resto. At dun pa talaga sa pagmamayari kong restu ang napili niyong lugar ahh!!" Galit na sabi ng mom niya at pilit na lumalayo sa dad niya. Prente lamang siyang nanunuod sa mga ito. Nasanay na kasi siya na makitang ganito ang magulang. Mukhang hindi pa siya napansin ng dad niya na nadito siya dahil nasa atensyon nito ang mom niya na galit na galit.
Nagugukuhan naman tumingin ang dad niya dito. Natawa siya ng palihim dahil tila wala iting alam sa nangyayari.
"A-anong kabet?! Wala akong kabet sweetheart!! Tsaka nasa office lang ako buong magdamag at iniisip ka kasi miss na miss na kita" depensa naman ng dad niya.
"Sinisigawan moko Lucan Sato Davidson!!" Galit na usal ng mom niya.
"Hindi sweetheart!! Pinagtatanggol ko lang yung sarili ko. Sorry na kahit wala naman akong kasalanan" malambing na usal ng ama niya at naging mas maamo ang mukha nito na parang pusa. Natawa naman siya ng mahina dahil under talaga ito sa mom niya. Alam naman niya na dati iting babaero pero nagbago na daw ito ng makilala daw nito ang mom niya
Makikita niya rin sa mga ito kung paano nila kamahal at baliw sa isat isa. Minsan ay naiinggit rin siya at napapaisip kung may babae pa siyang matatagpuan tulad ng mom niya na mabait, malambing, maaruga, mapagmahal at ok narin sakaniya kahit na makulet ito tulad ng mom niya.
Sa 30 years niyang pagkakabuhay ay wala pang dumaan sa buhay niya. Kung ang dad niya dati ay babaero kabaliktaran naman siya na masyadong pahikan sa babae. Dahil sa pagiging pihikan niya sa babae ay wala pa siyang nagiging nobya dahil wala pa naman siyang nakikita katulad ng mom niya. At masyado rin siyang busy sa mga business niya.
Hindi naman nakakabawas sakaniyang p*********i ang hindi pa nagkakanobya at wala pang niyurakan na babae. Tanging ang magulang at mga kaibigan niya ang nakakaalam na sa tanda niyang ito ay birhen pa siya.
"HAHAHA!! Galing ko talaga!! Paniwalang paniwala ka talaga!! Ang galing ko mag acting noh sweetheart" natatawang usal ng mom niya. Napailing nalang siya dahil gumawa na naman itong kalokohan.
Syempre dahil sa likas na pikon ang dad niya, ayun nagwalk out kaya napatigil sa pagtawa ang mom niya. Napailing ulit siya.
"Wait lang son. Lambingin ko lang yung dad mo na pikon" natatawang ani nito at sinundan na nito ang dad niya.
"No monkey business mom!!" Paalala niya sa mga ito.
"Tse!!" Masungit nitong sabi. Natawa naman siya ng mahina at patuloy parin nilalantakan ang paborito niyang cake.
'So childish' napapailing na sabi niya...